Chapter Twenty One

21.5K 682 66
                                    

Chapter Twenty One

Gael

SHE'S GONE. I need to accept that fact.

Apat na buwan matapos mawala ni Eliz sa El Nido, para na rin niyang sinama sa pagkawala niya iyong kagustuhan kong mabuhay.

She's the love of my life. And she's supposed to be the biggest part of those remaining years—a woman who I've been wanting to grow old with. Magmula nang magsimula ang relasyon namin ni Eliz at hanggang sa mag-propose ako sa kanya sa Paris, alam ko sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin pa at pag-aalayan ng buhay ko kundi siya.

Kaya nang mawala siya, hindi ko kinaya. Parang nasira ang lahat ng pangarap ko sa harapan mismo ng mga mata ko. Ilang buwan ko siyang hinanap, ginamit lahat ng koneksyon na mayro'n ako at ang pamilya namin pero wala ring nangyari. Halos sirain ko na ang relasyon ko kay Kesha at sa iba ko pang pinsan na pinagbubuntungan ko ng sisi sa nangyari kay Eliz.

Pero sa paglipas ng madidilim na panahon ng buhay ko, wala akong mas higit na sinisisi kundi sarili ko. For being a useless, pathetic bastard na hindi man lang nagawang protektahan si Eliz.

She already lost her everything. Ako na lang ang natitira sa kanya.

At pinili niya pang mawala.

Bumalik ako sa Alta Puebo para makalimot. Dahil sa kahit saang lugar akong tumingin sa Maynila, sa bahay kung saan kami nagsasama, minumulto ako ng mga alaala niya.

I want to forget her. I want to forget the pain.

Pero nang makita ko ang sarili ko sa salamin no'ng isang araw and saw this miserable, drunk man in front of me, I realized that no matter how many times I cry, drunk myself to sleep and released all my bottled anger to anyone who comes near...

She will never come back.

I will never have her back.

"Gising ka na pala, Senyorito Gael."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses ni Manang Pising mula sa pagtingin ko sa kawalan sa labas ng binta ng kwarto ko saka siya pinanood na pumasok dala-dala ang isang tray ng pagkain.

Sa ilang linggo na pananatili ko sa isla, si Manang Pising lang ang naging matiyaga sa pag-intindi sa mga naging pagwawala ko. Gaya no'ng mga bata pa kami, hindi niya kami tinatantanan hangga't hindi kami nagiging maayos.

Para na naming pangalawang ina si Manang Pising. Sa tuwing nandito kami sa isla, kahit sa kabila ng katandaan nito, hindi nito nakakalimutan alagaan kami at itrato na para pa rin kaming mga batang paslit na unang nakilala at naalagaan nito.

"Hindi na sana kayo nag-abala, Manang," sagot ko saka siya sinalubong at ako na ang kumuha ng mabigat na tray sa kamay niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng side drawer sa gilid. "Kaya ko na hong kumuha ng makakain ko nang mag-isa, Manang."

"Hayaan mo na ako, senyorito. Trabaho ko naman ito. Saka..."

Hindi ko mapigilang mahabag nang makita si Manang na muli na namang naluluha bago nito pinunasan ang mga namumuong luha sa gilid nito bago muling nagsalita.

"Masaya lang talaga ako at makitang maayos ka na."

Maayos na nga ba talaga ako? naitanong ko rin sa sarili ko.

Nakaligo, nakapag-ahit at nagupit ko na rin siguro ang may kahabaan kong buhok. Siguro nga'y nagmukha na akong disente sa paningin ng mga nakakakita sa akin.

Pero sa tingin ko, kahit kailan ay hindi na ako makakabalik sa dati. Na kahit kailan, hindi na ako magiging maayos dahil wala na si Eliz.

"Hindi po ba kayo kailangan ni Eros doon sa mansyon?" naitanong ko para ibahin ang usapan at dahil ayoko rin namang pag-usapan pa namin ang tungkol sa akin o kay Eliz.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now