Chapter Fifteen

22.1K 607 64
                                    

Chapter Fifteen

Eliz

"MONIQUE, KAPAG tayo napagalitan na naman ng Senyorito Eros dahil sa katigasan ng ulo mo, labas na ako d'yan ah?"

Ngumiti ako kay Janice saka siya tinapik sa balikat para ipadama sa kanya na hindi siya mapapahamak sa mga plano ko.

Ilang araw makalipas ang naudlot naming paglilinis sana sa isa pa sa mga mansyon dito sa isla na kung saan nakatira ang pinsan ni Eros na si Gael, hindi na siya nawala sa isip ko. Ang totoo n'yan, magmula pa lang nang marinig ko ang pangalan niya, hindi na talaga ako matahimik. Dumating pa nga ako sa punto na napapanaginipan ko na siya—na siya na ang lalaking nakakausap ko doon sa mga mumunting alaala na nagpapakita sa akin sa mga panaginip ko.

Pero sa panaginip ko, wala pa ring mukha ang lalaki na iyon, gaya nang hanggang ngayon ay malaking pala-isipan pa rin sa akin ang mukha ng pinsan ni Eros.

Sabi nga nila, curiosity kills the cat. At alam ko na baka iyon ang mangyari sa akin dahil heto ako, kasama si Janice, at nasa likod-bahay ng mansyon, nagbabaka-sakali, nag-aabang ng pagkakataon na masilip man lang ang mukha ng Gael Mondragon na ito.

At para matahimik na rin ako sa mga mumunting ilusyon sa isip ko na siya ang misteryosong lalaki sa panaginip ko, sa isip ko.

"E, paano kung umuwi na lang tayo?" alok pa sa akin ni Janice na hindi pa rin mawala-wala ang takot sa posibleng parusa na makuha namin mula kay Eros kapag nalaman niya ang tungkol sa pagbalik namin dito.

Ayon sa kwento ni Manang Pising, kahit napakagaspang ng pakikitungo ng Eros Mondragon na iyon sa akin, wala pa naman itong nasasaktan na kahit sinong nagtatrabaho dito. Mukha lang siyang brusko pero hindi raw mabigat ang kamay nito, gaya ng iba pang Mondragon.

At kahit hindi sabihin sa akin ni Manang Pising iyon, may hula na rin naman ako na hindi nga ang gaya ni Eros ang marunong manakit o mamisikal man lang, lalo pa sa babae. Pero hindi ko rin naman masisi si Janice kung naiisip nito na posibleng kami ang unang makakatikim ng latay ni Eros.

"Monique! Halika na! Umuwi na tayo. Huwag mo nang kilalanin ang Senyorito Gael," pamimilit pa ulit sa akin nito habang hinihila ang manggas ng uniporme ko.

"Janice, gaya nga nang sabi ko sa'yo kanina, p'wede mo naman na akong iwan dito," sagot ko matapos humarap dito. "Ako nang bahala sa sarili ko. Hindi naman na ako maliligaw dahil alam ko na ang daan pabalik. Isa pa, kung sakaling malaman nga ito ni Eros, ako nang bahalang magpaliwanag sa kanya."

"Hindi lang naman kasi si Senyorito Eros ang problema natin dito. Kahit ang Senyorito Gael! Hindi ka ba natakot sa narinig nating pagwawala niya no'ng nakaraan? Paano kung masaktan ka niya?"

"Hindi naman niya siguro gagawin iyon. Isa pa rin naman siya sa mga Mondragon, hindi ba?"

Hindi ko malaman kung saan ko ba nakukuha 'yong nag-uumpaw kong simpatya para sa taong ni hindi ko man lang nakikita ang mukha, mas lalong hindi ko pa nakikilala. Hindi ko rin malaman kung bakit ang laki nan g tiwala ko sa kanya, kahit pa aaminin kong natakot at kinabahan din talaga ako sa kanya kahit doon pa sa una kong pagkakarinig sa pagwawala niya sa condo ni Eros sa Maynila.

Gusto ko lang makilala ang Gael na 'to. Para na rin sa ikakatahimik ng loob ko.

Pinilit pa ako ni Janice na umalis pero hindi pa rin ako nagpaawat. At nang mawala na siya sa paningin ko, saka ko lang naramdaman 'yong kaba na nararamdaman niya kanina.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now