Chapter Nineteen

22K 560 40
                                    


Chapter Nineteen

Eliz

HALOS ILANG beses din kaming nadapa, natisod sa mga naglalakihang ugat ng mga puno at muntik mabuwal habang akay-akay ko si Eros papunta sa pinakatago at masukal na parte ng isla.

"Malayo pa ba tayo?" hindi ko maiwasan ang magtunong desperado dahil sa layo ng nilakad namin at dahil na rin sa pinaghalong gutom at pagod na nararamdaman ko.

"Almost there."

Napatingin ako sa mukha ni Eros ng mga ilang segundo, tinitiyak na iyong almost there na kanina pa niya sinasabi sa akin ay talagang malapit na.

Alam kong wala ako sa posisyon para magreklamo dahil kung hindi rin naman sa akin, hindi mangyayari sa amin 'to, mas lalo kay Eros. Pero hindi ko rin naman maiwasang makaramdam ng pag-aalala dahil ilang oras na kami naglalakad dito sa bahaging ito ng isla. Maliwanag pa no'ng umalis kami doon sa pwesto namin kanina at ngayon ay papalubog na ang araw.

"Sigurado ka ba sa pinupuntahan natin, Eros? Hindi kaya tayo naliligaw?" may pagdududa pa rin na tanong ko matapos naming muling maglakad matapos ang ilang sandaling pamamahinga.

"Are you seriously asking that?" kunot-noong sabi nito na tila ba nainsulto ko siya. "I have already told you. This is my island, woman. Hindi ako maliligaw sa sarili kong teritoryo."

"Okay! Okay! Naniguro lang," nasabi ko na lang para hindi na humaba ang usapan namin dahil pakiramdam ko kapag nangyari iyon, mag-aaway lang kami ulit.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nagpasalamat si Eros sa ginawa kong kabutihan sa kanya, na kahit hindi niya direktang sinabi, may pakialam pa rin siya sa akin.

At sa tuwing maaalala ko iyong ginawa niyang pakikipag-bargain doon sa mga humahabol sa amin para lang pakawalan nila ako, ni sa panaginip, hindi ko maiisip na gagawin ni Eros ang bagay na iyon para sa isang estranghera lang na gaya ko.

Na sa kabila ng kagaspangan at pagiging brusko nito, may natatago rin pala itong bait para sa akin.

"We're here."

Ibubuka ko pa sana ang bibig ko para sabihin kung nakikipagbiruan lang ba siya sa akin dahil puro malalaking puno at halaman lang naman ang nasa harapan namin. O, hindi kaya, sinasabi niya lang iyon bilang pampalubag-loob at nang tigilan ko na ang pagtatanong.

Pero maya-maya lang, bigla na lang may lumitaw na isang mala-green house style na cabin sa harapan ko matapos hawiin ni Eros ang mga naglalakihang dahon sa tumatakip doon.

"Let's go."

Alam kong ako ang umaakay kay Eros at ginagawa niya lang akong suporta. Pero nang mga oras na iyon, pakiramdam ko siya na ang umaakay sa akin dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa bahay na nakikita ng mga mata ko.

Maliit na bahay lang iyon kumpara sa mga mansyon na nakita ko na pagmamay-ari ng mga Mondragon. Pero hindi maikakaila ang posibleng winaldas na salapi para lang magawa ang lugar na ito.

Mula sa bubong ng bahay hanggang sa mga pader nito, lahat iyon ay gawa sa salamin. Hindi ko nakikita ang loob ng bahay mula sa pwesto namin pero nasisiguro kong makikita ng kung sino mang nasa loob ang itsura ng paligid sa labas. Ang tanging kahoy at bato na nakikita ko sa bahay ay iyong mismong frame ng bahay at mga pinto nito. May nakita rin akong chimney sa taas ng bubuong at napipinturahan ng puti ang buong bahay.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now