Epilogue

27.3K 962 130
                                    

 Epilogue

Few Months Later...

Eliz

"ANO NA namang masamang hangin ang nagdala rito sa pamamahay ko?"

Napangiti na lang ako sa matandang don nang maging gano'n ang salubong niya. Naalala ko tuloy na ganitong-ganito rin ang uri ng pakikitungo ang binigay niya sa akin no'ng araw na humingi ako ng tulong sa kanila para ma-operahan si Eros.

"Magandang hapon po, Don Carlos."

Hindi niya ako sinagot pero napansin ko ang marahan niyang pagtango sa naging magalang na pagbati ko sa kabila ng malamig niyang salubong.

"May gusto lang po sana akong ibigay sa inyo."

Nakita ko ang pagkalito sa mukha ng matanda nang iabot ko sa kanya iyong may kakapalang sobre saka niya iyon sinilip at nagulat sa nakita sa loob.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Ipon ko ho 'yan. Kabayaran po sa naging tulong n'yo kay Eros." Paliwanag ko saka muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam ko po na kulang 'yan sa posible n'yong nagastos. Pero kunin n'yo na po 'yan at ituring na paunang bayad sa naging tulong n'yo."

"Are you trying to barter with me, woman?" Hindi maka-paniwalang wika ng don.

At hindi ko alam kung niloloko lang ba ako ng paningin ko pero tila may napansin akong ngiti sa gilid ng labi ng matandang don sa kapahangasan na naman na ginawa ko sa harapan niya.

"Alam ko po na sinira n'yo ang prinsinpyo n'yo para matulungan si Eros. Na kahit po sinabi n'yo sa akin noon na hindi kayo p'wedeng mamili ng side sa mga anak at apo n'yo, ginawa n'yo pa rin. Kaya po sobra po akong nagpapasalamat sa tulong na inabot n'yo kay Eros sa kabila ng mga paniniwala at prinsipyo n'yo." Sinserong sabi ko. "Kayo na rin po nagsabi na sobrang halaga para sa inyo ang isang salita n'yo. Na nagsisilbi n'yo iyong palabra de honor. Kaya para po baliin n'yo ang prinsipyong iyon para kay Eros, sobrang tinatanaw ko po iyon ng utang na loob. Salamat po."

"Kung alam mo na pala na ako nga ang tumulong sa apo ko," dinig kong wika ng don. "Bakit mo pa rin piniling umalis at iwan si Eros?"

Muli akong napangiti sa matandang Mondragon bago sumagot. "Bilang tanda po ng respeto sa inyo at sa gusto n'yong mangyari."

"Pero binabayaran mo ako ngayon." Litong wika ng don saka pinakita sa akin iyong sobre na hawak niya. "Does this mean your respect has an equivalent pay?"

"Hindi po." Mabilis na tanggi ko. "Bayad-utang ko lang po 'yan sa inyo. Iyon lang."

Matagal akong inispeksyon ng matandang don mula ulo hanggang paa bago bumalik ang tingin nito sa mukha ko.

"You're an extraordinary woman, indeed." Napapatangong sabi ng don. "Kaya pala dalawang apo ko ang nabaliw sa'yo."

Isang nahihiyang ngiti na lang ang sinukli ko sa komento na iyon ng don.

"Kung gano'n, tinatanggap ko ang bayad-utang mo, Eliz." Wika pa ni Abuelo maya-maya saka nito maingat na itinago sa drawer ng mesa rito sa library ang perang inabot ko. "Kung wala ka nang kailangan, makaka-alis ka na. Ayokong maabutan ka pa ng esposa ko rito. Mamaya'y magtalo na naman kami at sabihing nagiging malupit ako sa inyo ng apo niya."

"Ang totoo po n'yan, may dalawa pa po akong sadya rito sa inyo."

May isa ulit akong inabot na sobre sa matanda, sa pagkakataon na ito, manipis na lang iyon. Agad kinuha ng don ang nasa laman ng sobre at muling mababakas ang gulat sa mukha nito habang binabasa ang naka-sulat doon.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now