Chapter Forty

22.9K 633 98
                                    


Chapter Forty

Eliz

"I THINK she's waking up..."

Napakunot-noo ako nang makarinig ng mga boses sa paligid ko saka ako nagpasya na dahan-dahan idilat ang mga mata ko, sa kabila ng mabigat na pakiramdam noon, sabay nasilaw ako ng liwanag at sinalubong ng amoy ng alcohol.

"N-nasaan ako?" halos hindi ko pa marinig ang boses ko nang banggitin ko ang mga salita na iyon dahil sa tindi ng pamamalat ng lalamunan ko na tila ba sumigaw ako nang napaka-lakas, sa loob ng ilang oras, para magka-ganoon ang boses ko.

"Nandito ka sa isang private hospital sa El Nido, Eliz."

Marahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses na iyon saka nakita si Gael at ang nag-uumapaw na pag-aalala sa mukha nito saka ko sunod naramdaman ang paghaplos ng kamay niya sa mukha ko, dumama, na tila ba sinisiguro na talagang gising na ako o buhay dito sa tabi niya.

"How are you, baby? Walang malay kitang nakita sa masukal na parte ng isla, all bruised and blood stains in your shirt," tila nahihirapang paliwanag ni Gael saka nagpatuloy. "Akala ko nga sa'yo galing ang mga dugo sa damit ko. You scared me. I thought I lose you."

"I thought I lose you... again..."

"Si Eros!" Nanlalaki ang mga mata na banggit ko sa pangalan niya nang maalala ko ang mga salita na iyon maging ang mukha niya nang may tumamang baril sa katawan niya at maging pagbagsak ng katawan nito sa braso ko.

Sinubukan kong itungkod ang mga siko ko sa kama para tulungan ang katawan ko na makabangon. Pero agad din akong nahinto sa pinaplano ko nang mismong si Gael na ang umawat sa akin at pilit akong pinabalik sa pagkakahiga ko sa ibabaw ng kama dito sa ospital.

"Eliz, anong ginagawa mo? Hindi ka pa magaling! Baka magdugo ulit ang mga sugat—"

"Gael! Si Eros!" putol ko sa mga sasabihin niya saka napakapit nang mahigpit doon sa braso niya. "Si Eros! Duguan siya! May tama siya ng baril! At... at..."

"Eros will be fine, Eliz," mahinahong sagot ni Gael saka niya kinuha ang isang kamay ko at pinagdaop iyon sa mga palad niya. "Kasalukuyan siyang dinadala nila Trojan at Reagan sa Manila para doon mas matingnan at ma-operahan sa nakuha niyang sugat. Natingnan na rin siya ng mga doktor dito no'ng sabay namin kayong dalhin dito at nasabi sa amin na hindi naman ganoon ka-kritikal ang lagay niya. Pero para makasiguro, papatingnan pa rin namin siya sa ospital sa Manila at doon na aalisin iyong mga natamo niyang bala sa katawan."

Nakikita ko sa mga mata ni Gael na hindi siya nagsisinungaling sa sinabi niya at na hindi niya lang sinasabi ang mga ito para palubagin ang loob ko.

Pero hindi pa rin mawala sa dibdib ko ang mag-alala para sa kalagayan ni Eros dahil sa mismong sa mga kamay ko siya nawalan ng malay at kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo sa katawan niya bago ko may naramdaman na malakas na hampas sa ulo ko saka ako nawalan ng malay.

"Hindi ko malaman kung paano ka namin natagpuan sa loob ng gubat habang si Eros ay naiwan doon sa may lumang imbakan," wika pa ni Gael na naging dahilan para mabalik sa mukha niya ang atensyon ko. "Nakatakas ka ba sa mga nanakit sa inyo?"

"H-hindi ko rin alam..." litong sagot ko. "Ang huli ko lang naaalala, may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko matapos mabaril ni Eros saka ako nawalan ng malay."

Tahimik lang si Gael at tumango na lang bilang sagot. "Naalala mo ba kung ilan silang umatake sa inyo? Kung hindi mo pa kayang alalahanin ang mga bagay na 'to, ayos lang. Hindi kita pipilitin, Eliz. Dahil kung ako ang masusunod, mas gusto kong makapagpagaling ka muna bago mo ikwento sa amin ang mga nangyari."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora