Chapter Sixteen

21.5K 592 13
                                    

Chapter Sixteen

Eliz

"SINABI SA akin ng ilan nating kasamahaan doon sa mansyon na nagalit na naman sa'yo ang Senyorito Eros."

Napaangat ako ng tingin sa nagmamay-ari ng boses saka matipid na napangiti nang makita si Manang Pising ang dala-dala nilang mangkok ng umuusok na pagkain.

"Pinadala niya po ba kayo dito, Manang?" tanong ko matapos mag-alok na ako na ang mag-asikaso doon sa pagkain na dala niya doon sa may mesang gawa sa kawayan at inalok ito na maunang kumain pero marahan lang itong tumanggi.

"Hindi, hija. Kusa akong nagpunta dito. Baka kasi hindi ka pa nakakakain."

"Maraming salamat po sa pag-aalaga sa akin, Manang. Ano ho kayang mangyayari sa akin kung wala kayo?"

Matapos akong maabutan ni Eros na nag-e-espiya doon sa mansyon kung saan nananatili ang pinsan nitong si Gael, agad niya akong pinaulanan ng sermon pagkabalik na pagkabalik namin sa mansyon, kasabay ng pagpapalayas niya sa akin at pagkakatanggal sa trabaho bilang isang kasambahay nito.

Alam kong mali ang ginawa ko. Na wala akong ibang dapat idahilan sa ginawa ko dahil ginusto ko iyon at ako ang nagpamulit na makita si Gael kahit pa ilang beses akong pinigilan ng isang kasamahan ko doon sa pinaplano ko.

Siguro ito na iyong sinasabi nilang resulta ng, curiosity kills the cat. Literal na pinatay ni Eros ang lahat ng tsansa ko na makita ulit ang Gael Mondragon na iyon dahil muli niya akong binalik dito sa may medyo kalakihang kubo sa pinakadulo at tagong bahagi ng isla kung saan niya rin ako unang natagpuan at dinala.

"Palipasin na lang muna natin ang galit ng senyorito, Monique," muli kong narinig ang boses ni Manang. "Hindi niya lang talaga gustong may makalapit na kahit na sino kay Senyorito Gael nang walang permiso mula dito. Para rin naman iyon sa kapakanan ng lahat, lalo na sa pinsan nito."

Isa sa hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobrang ang pagpo-protekta ni Eros kay Gael—kung pagpo-protekta nga ba ang tawag sa ginawa nito. Halos ikulong na niya ang tao doon sa mansyon ng mga ito ng walang ibang nakakabisita kundi iyong ilang katulong sa mansyon niya na pinapahiram niya doon paminsan-minsan para maglinis o magdala ng pagkain sa pinsan nito.

Pero bago ko pa maitanong kay Manang Pising ang sagot sa mga tanong ko, nasabi na niya iyon bago ko pa naibukang muli ang bibig ko.

"Balita ko, naging sobrang bayolenta ng Senyorito Gael no'ng nasa Maynila pa lang ito. Dumating pa sa punto na muntik pa nitong masaktan ang isa sa mga babaeng pinsan nito na si Senyorita Kesha. Na kung wala ang Senyorito Eros doon, malamang nasaktan na talaga nito ang babae."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Manang.

Hindi ko lubos na kilala si Gael. Maliban sa curiosity ko na makita ang mukha niya, may isang bahagi sa loob-loob ko na hindi makapaniwala na ang isang gaya niya ay kayang makapanakit ng tao—lalo pa ng babae at sa pinsan pa nito.

"Sobrang nasaktan ang Senyorito Gael sa pagkawala ng mapapangasawa na sana nito hanggang sa dumating na sa punto na tila ba hindi na ito ang dating senyorito na kakilala namin," pagpapaliwanag pa ni Manang. "Kahit ako'y nanibago sa kanya no'ng una niyang dating dito sa isla. Isa sa mga pinaka kalmadong Mondragon ang senyorito. Kaya't hindi ko maiwasan na mahabag na lamang sa kanya dahil sa nangyayari sa kanya ngayon."

"Wala naman ho akong intensyon na manghimasok sa gulo ng pamilya nila," nasabi ko na lang maya-maya. "Gusto ko lang ho talaga siya makita. Kahit ang mukha niya. Hindi ko po siya lubos na kilala at alam kong wala akong karapatang mangealam, pero gusto ko lang po talaga maiparating sa kanya, kahit sa simpleng paraan lang, na nakikisimpatya ako sa nangyari sa kanya at doon sa mapapangasawa niya."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now