Chapter Seven

27.4K 690 27
                                    

Chapter Seven

Eliz

"LET'S HAVE some clarification here, Miss," mainit ang ulo na salubong sa akin ni Eros matapos niya akong pakaladkad na hilain pabalik sa may kubo. "Your existence in Alta Puebo is already considered as trespassing. If you don't know the basics of being under probation, that means that you are not allowed to roam around the island, on the other island, or even go anywhere without my damn permission!"

May kaunting kaba na umaahon sa dibdib ko habang pinapakinggan ang sunod-sunod at walang preno niyang panenermon sa akin.

Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa direksyon ni Manang Pising upang sanay humingi ng tulong.

Pero maging siya ay walang balak sabayan o pumagitna man lang sa galit ng kanyang amo.

"Do you have any idea how dangerous this place is?" kastigo pa niya sa akin. "Will you just follow my rules and stop being another pain in my neck?"

"Kung ganitong nakakaabala pala ako sa'yo, bakit hindi mo na lang ako paalisin? Tutal naman wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagsalitaan ako ng kung ano-ano, pagbintangan, sigaw-sigawan at ilabas ang lahat ng stress mo sa akin!" hindi ko na napigilang sumagot at magtaas ng boses sa kanya. "Alam mo, kung iisipin, hindi mo ako magiging problema kung hindi mo ako dinala at kinukulong sa lugar na 'to!"

"What an ungrateful bitch you are. After all the time and money I wasted on you? This is what I will get in return?" sabi niya na punong-puno ng sarkasmo saka siya tumalikod sa akin. "Manang, huwag n'yong papakainin ang babae na 'to sa buong magdamag," dagdag pa niya saka ako tinapunan ng masamang tingin mula ulo hanggang paa. "Let her starve."

"Senyorito, hindi p'wede ang sinasabi mo. Alam mo namang hindi pa magaling si Monique at kailangan pa niyang—"

"I don't care."

Hindi lang bastos sa manyak na pamamaraan ang lalaki na 'to, kundi mismong buong pagkatao nito ay sobrang bastos!

"Walang modo. Pati matanda sinasama niya sa init ng ulo niya," mahinang bulong ko matapos niyang mawala sa harapan namin ni Manang Pising.

"Nako, hija. Sanay na ako sa ugali nilang ganyan. Buong angkan nila senyorito ay ganyan. Mga hindi marunong magkontrol sa mga galit nila. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay masasama silang tao."

"P'wes, wala na akong balak makilala ang iba pa niyang kamag-anak kung ganyang mga bastos lang din naman ang pag-uugali nila," inis na sagot ko bago ko hinarap si manang. "Pasensya na ho kayo kung pati kayo ay napag-initan ng antipatikong lalaki na 'yon."

"Huwag mo na akong alalahanin pa. Gaya nga nang nasabi ko kanina, sanay na ako kay senyorito. Isa pa, matagal-tagal na rin magmula nang makita ko siyang aligaga at sobrang init ng ulo gaya ngayon. Ikaw na lang sana ang umintindi sa kanya, Monique. Marami lang talagang iniisip ang senyorito."

Gusto ko pa sanang hindi sumang-ayon do'n sa mga sinabi ni Manang Pising pero pinili ko na lang itikom ang bibig ko at saka sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa tuwing iniisip ko ang antipatikong lalaki na iyon.

"Magiging ayos ka lang kaya sa buong magdamag, Monique?" biglang tanong ni Manang Pising. "Susubukan kong dalhan ka ng makakain mo mamaya. Huwag ka na lang papahuli sa senyorito."

"Nako, kahit hindi na ho, manang," sagot ko saka binigyan siya nang matipid na ngiti. "Kung ayaw niya po ako bigyan, sumunod na lang ho tayo. Ayokong madamay na naman kayo sa hindi namin pagkakasunduan ng amo n'yo."

Napatingin na lang si Manang Pising sa mukha ko bago siya napabuntong-hininga.

"Kung dumating ka lang sa ibang panahon, paniguradong hindi magiging ganito ang trato ng senyorito sa'yo," wika ni Manang. "Mabuting tao si Senyorito Eros. Sadyang madami lang talagang problema sa isla ngayon. Ilang linggo na kaming nanakawan sa taniman. Ngayon pati 'yong mga pinapalaki naming hayop, nababawasan na rin."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now