Chapter 176

772K 29.9K 22.1K
                                    

Author's Note: sa sobrang tamad ko, pati magre-read hindi ko na ginwa. Hehehe 😂😂

Thanks po kay Joana Gabiota sa cover. Lnmdsn

Freya Hidalgo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Freya Hidalgo

Jay-jay's POV

Gusto ko syang tanungin. Gusto ko linawin nya yung sinasabi nya kanina. Gusto'ng gusto kong gawin yun.

Pero alam kong hindi ito ang tamang oras para dun. Sandali ko pa sya'ng pinanood. Hindi dahil natutuwa akong makita sya'ng umiiyak. Kundi dahil nakikita ko ang ibang katauhan ni Freya.

Yung talaga'ng sya.

Lalakad na sana ako paalis dahil alam kong hindi maganda yung ginagawa ko pero naunahan ako ni Freya dahilan para makita nya ko.

Putik!

Tinignan nya ko ng masama at parang hinihintay nya ang idadahilan ko. Hindi ako kakapag-salita at parang umurong ang dila ko.

"What do you want?" Seryosong tanung nya.

Halata'ng ayaw na nyang makipag-talo at ganun din ako. Hindi pa rin ako makapag-salita.

"Kung nandito ka dahil sa nangyari kanina, umalis kana lang! Wala na ko sa mood makipagtalo!" Sabi nya at akmang aalis din.

"Freya." Tawag ko sa kanya dahilan para matigilan sya.

Sa wakas! Nakapagsalita din!

"What?!" Inis nyang tanung.

Tsk! Kainis! Nakakahiya man pero gusto ko na ring malaman. Andito naman na ko, edi linawin na din.

"Y-yung sinabi mo kanina. Hindi ko kasi... maintindihan." Halos pabulong kong sabi.

Bahagya syang tumawa. "Akala ko ba sinabi na sayo ng mga kaibigan mo."

Bahagya akong umiling. Tinitigan ako ni Freya mula ulo hanggang paa.

"Sabagay, mas magtataka pa ko kung sinabi nga talaga nila sayo." Sabi nya at bahagya'ng ngumiti ng nakaka-asar.

Bumalik na naman sya sa B*tch na Freya!

"Anu yung----"

"Yuri and Keifer is my Ex." Putol nya sa sasabihin ko at may diin pa yung salitang 'ex'.

Sinabi na sakin ni Kiko yan. Hindi muna ako nagsalita para hintayin ang susunod nya'ng sasabihin.

"Pagka-matay ni Percy, si Yuri ang unang lumapit sakin. Inalalayan nya ko, showing that he's there for me anytime..." Sabi nya at namumuo na naman ang mga luha sa mata nya. "...but that asshole did is unforgivable!"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon