Chapter 177

816K 30.2K 20.1K
                                    

Author's Note: hindi na uso edit-edit. Haha joke! Natamad lang tlaga akong magr-read.


Keifer's side

Jay-jay's POV

"Where have you been?" Tanung ni Kuya Angelo habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Basang-basa ang damit ko kaya naman obvious na nagswimming o nagbasa kami. Pati mga kasama ko tinignan din nya.

"N-nag-swiming----"

"Saan?" Putol nya sa sasabihin ko.

Alam nga pala ni Kuya na may maliit na falls malapit dito. Dun nya ko sinusundo dati kapag pinapa-uwi na nya ko.

"Sa pala-isdaan." Sagot ni Ci dahilan para tumingin kaming lahat sa kanya.

"Excuse me? Sa pala-isdaan?" Paglilinaw ni Sir Alvin.

Wala kami sa sarili na nag-nod sa kanya. Kesa naman sabihin namin sa maliit na falls at ilog kami naligo, baka malintikan kami.

"Do you know how dirty is the water on that fish pond?!" May halong inis sa boses ni Kuya.

"Mainit kasi... Wala naman kaming pupuntahan, edi dun nalang." Sagot ni David.

"Clean yourselves now!" Utos ni Kuya at dali-dali kaming tumakbo pabalik sa site namin para kumuha ng damit.

"Bakit nagmamadali kayo?" Tanung ni Yuri habang sinusubukang siliban ang mga inipong sanga.

"Andyan yung Kuya ni Jay-jay na masungit!" Sabi ni Ci-N.

Nagtinginan si Yuri at Keifer sandali bago ako tignan. Hindi na ko nagsalita. Kinuha ko nalang ang kailangan ko at tumakbo papunta sa C.R.

Dahil wala naman masyado tayo, hindi na ko naghintay o pumila pa para sa shower. Mabilis akong naligo at nagbihis. Baka kasi topakin na si Kuya at bigla nalang akong kagalitan.

Patakbo din akong bumalik sa Camp site namin para ibaba yung gamit ko.

"Bakit ba tarantang-taranta ka dyan?" Tanung sakin ni Felix.

Napatigil naman ako. "Feeling ko kasi may nangyari. Hindi naman pupunta dito si Kuya kung wala."

Malaking bahagi ko ang nagsasabi sakin nun. Pwede naman nya ko tawagan sa cellphone. Kayalang mahirap ang signal dito.

"Think positive Jay. Baka kinakamusta lang kayo ng Kuya mo." Sabi ni David.

Pero hindi nakatulong yun sa nararamdaman ko. Iba talaga yung pakiramdam ko.

"Sige na... Puntahan mo na si Kuya mo." Sabi ni Yuri at ngumiti sakin.

Sinuklian ko yung ngiti na yun. Lumakad na ko pabalik ng Hall kung saan ko iniwan si Kuya Angelo kausap si Sir Alvin.

Andun pa rin sila at sa pagkakataon na to kasama na nila si Aries. Agad nya kong tinignan ng masama pagkakita sakin.

Maduling ka sana!

May binulong si Kuya Angelo kay Sir. Nag-nod naman ito at lumakad paalis. Ngumiti din sya pagtapat sakin.

Nang mawala na sya sa paningin namin, dun lang ako nakalapit ng husto kila Kuya Angelo.

"B-bakit ka andito?" Kinakabahan kong tanung.

Nag-cross arm si Kuya at pailalim akong tinignan.

"Tumawag sakin ang parents ni Cyrus." Sabi nya.

Patay!

"...He was brought to the hospital along with his friends."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon