Chapter 181

809K 28.9K 18.2K
                                    

Author's Note: Thank you po sa mga cover na itey Trisha Marie Rizon. Little_87

 Little_87

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Midnight Convo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Midnight Convo

Jay-jay's POV

Naging mabait sakin ang buong Section E-----kahit puro sila kalokohan. Meron din naman akong nakaka-away bukod syempre kay Keifer at Yuri.

Si Eman noon, dahil pinaki-alaman ko yung gamit nya. Mabilis din naman kaming naging okay dahil sa pagtulong namin sa resto nila.

Si Felix, dahil syempre sa nangyari kila Aries at Percy. Naging ayos din kami ng tulungan ko syang makabalik sa basketball team.

Si Blaster, ng minsan kaming magkapikunan sa group activity pero nabawi din agad yon.

Si Mayo, dahil don sa lintik na kapour at parkour at dahil din syempre sa pagtangkang paghalik sakin ni Kit. Seloso eh! Naging okay din kami, matapos ko syang suntukin.

At ngayon, mukang meron akong bagong kaaway. Kontra sakin at parang may sama ng loob. Pero hindi ko alam na aabot kami sa ganito.

"Kelan mo balak sabihin samin ang tungkol sa inyo?" Tuloy-tuloy na tanung ni Josh.

"Tungkol saan?" Tanung nila Edrix halatang naguguluhan.

"What are you talking about?" Balik na tanung ni Yuri sa kanya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko kung alam ba ni Josh yung tungkol sa engagement namin.

Imposible!

Panu nya malaman yun? Sinugurado namin na walang makaka-alam nun. Unless nalang kung...

"Narinig ko kayo..." Tumayo sya at tumingin sakin bago ibalik kay Yuri ang paningin. "...kelan nyo sasabihin sa lahat na engage na kayo?"

"Anu?!"

"Totoo ba yun?"

"Kelan pa?!"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon