Chapter 16

726 18 0
                                    

I can't believe this.

Mukhang magkakatotoo pa nga ang sinabi ko kay Kristine kahapon. My head is throbbing at hindi ko maintindihan kung nilalamig ba 'ko o naiinitan. I think I'm feeling feverish.

Kahit pala masamang damo, natatamaan pa rin ng lagnat?

Oh god. Ang bigat ng katawan ko and I'm burning. My thermometer says my body temperature is at 38 degrees celsius. I can't be sick. I have to go to work. Marami pa akong gagawin. Goodness ang galing din tumiming ng sakit ko.

I wanted to call for Manang Jessa but I couldn't find my voice. Sa maikli kong pag-idlip napaos na agad ako paggising ko.

I reached for my phone to check the time and it's already 7.

Maya-maya pa lamang ay nakita kong tumatawag na si Kristine.

I immediately answered her call.

"Ma'am Schwyze! Kamusta na po ang pakiramdam niyo? I called to ask if you're doing fine at kung papasok ka na ba?" Bungad niya sa akin.

"I wanted to go to work today but it looks like my condition has worsened. Masyado bang maraming aasekasuhin ang resto ngayon?"

Hindi ko alam kung narinig niya ba ako ng maayos but my voice was clearly hoarse.

"Jusko ma'am, mukhang lumala nga po yata. Halos hindi ka na po makapagsalit dahil sa paos. Huwag po kayong mag-alala ako na po ang bahala rito. Focus na lang po kayo sa pagpapagaling. Good bye po."

I was about to say something more pero agad na niyang pinutol ang tawag.

Mariin akong napapikit sa aking mga mata. Gosh the headache is killing me. Ano bang nangyari? Hindi naman ako naulanan? I did not even do anything yesterady.

Mabigat man ang katawan ay nakayanan kong lumabas ng kwarto at bumaba patungong kusina.

There I found Manang Jessa busy cooking something.

"Manang."

I saw her jump in surprise. Maybe because of my sudden appearance or because of how I sounded just now.

"Jusmiyo, Schwyler. Anong nangyari sa 'yo hija? Ang putla putla mo at 'yong boses mo. May sakit ka ba?"

She rushed towards my direction and cupped my cheeks and forehead. She winced when she felt my burning skin.

"Aruy may sakit ka nga. Ano pa ginagawa mo rito. Hala at bumalik ka ro'n sa silid mo at magpahinga. Isusunod ko sa 'yo ang kakainin mo at angmg gamot. Jusko 'yan na nga 'yong sinasabi ko sa 'yo. Kung makipagbakbakan ka kasi kala mo naman hindi nasusugatan ng bala o ng balisong iyang balat mo. Tapos hindi ka pa natutulog at kumakain sa tamang oras minsan. Oh 'di kaya ay hindi ka talaga natutulog o kumakain. Naku, ayan na 'yong sinasabi ko sa 'yo. Naniningil na 'yang katawan mo."

Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko dahil sa mga pangaral ni Manang.

"Opo Manang. Naiintindihan ko na po pero okay lang po ba, pass muna sa lectures ngayon? Masakit pa po kasi ulo ko, mas lalo lang pong lumalala dahil sa haba ng litanya niyo po eh." Pagmamaktol ko habang nakasimangot.

Tinignan niya lang ako ng masama ngunit ay bumuntong hininga rin.

"O s'ya pasensya na. Sige na umakyat ka na ro'n at magpahinga. Wala munang trabaho ngayon ha? Isipin mo muna ang sarili mo."

I gave her a slight nod and a small smile before turning my back and closed the distance between me and my room.

Fuck. Ba't nagyon pa kasi 'to? Ngayon pa at may lead na ako sa kung sino ang posibleng masked boss ng Incognito.

Two Sides Of Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon