Chapter 33

586 19 0
                                    

"So this is the plan for tomorrow's event." Panimula ko, habang nilalatag ang kabuohang mapa ng Windsorhill Park.

Alas otso na ng gabi at narito kami ngayon lahat, maliban na lang kay Sienna at Alonzo, sa loob ng mansyon upang pag-usapan ang gaganaping plano para bukas.

"This place is too wide and too hollow for us to cover. Walang masyadong mga gusali na puwedeng pag-taguan ng snipers. So I decided to go green. That is why nauna nang umalis sina Alonzo at Sienna upang isagawa ang pagtatanim. Once we're inside the area, diretso tayo sa kaniya-kaniya nating posisyon." Pagtutuloy ko. This is actually a tricky do or die situation. Dahil maaaring mapunta lang sa wala ang lahat ng pinaplano naming imbestigasyon, or worse we mighy even get caught red handed by our enemies. Pero hindi rin puwedeng pumunta kami roon ng walang plano.

We can't just engage in a war empty-handed and unprepared. Baka mamaya niyan ay sinet-up na pala kami at wala man lang kaming kalaban-laban.

"Sa harap ng malaking hotel, ay ang napakalawak na garden. To the point na may manmade forest pa silang nagawa sa palibot nito. Within that garden, ay may tatlong gusali na underconstruction. At doon pupwesto ang grupo ni Cillian. Do you copy?"

Agad naman akong tinanguan ni Cillian bago sumagot ng "Copy, master." sa akin.

"Sa pangalawa naman ay ang grupo ni Massida at sa pangatlo ay ang grupo ni Sienna. I already told her about this, and she knows the plan. There are also two Silos in this park, para imbakan nila ng mga pampataba ng lupa. Giosuè's team will be in the left Silo. Sa likod naman ay ang grupo nina Giada. While Salem is supposed to go with me at the rooftop."

"Supposed? Bakit? Where are you going? Or where is Salem going?" Si Cormac ang nagtanong sa akin.

"Ako ang hindi matutuloy. It's because Leander is attending the party. And he asked me to be his date." Mabigat sa loob ko ang ginawa kong pag-amin dahil alam kong uulanin na naman ako ng tukso mula sa kanila.

"Ayown naman pala guys. Pasensya na, priority lang." It was Cillian who immediately took the bait. Talagang hindi nadadala ang isang 'to. Muntikan na nga siyang mabaril no'ng una, hindi pa rin natututo.

At anong priority? Even Leander knows where my priority lies. At sa trabaho ko 'yon.

Narinig ko naman ang pagsipol ni Cormac at ang halakhak nina Castiel. Seriously? Parang kailan lang ay nagpapasalamat pa ako at hindi ako ang nagiging punterya ng kalokohan nila.

My gosh. If only I had known that this would happen. Sana ay hindi ko na lang tinanggap si Leander bilang kliyente.

"Okay na? Tapos na ba tayong lahat mag-enjoy? Can we go back to the meeting now?" Sarkastiko kong tanong sa kanila. When they turned silent, I took it as a yes at nagpatuloy na sa pagbibigay ng panuto kung ano ang gagawin.

"Dahil nga sa hindi natin inaasahang oportunidad, I will be joining Cormac and Andrea in doing the on-the-ground inspection. Mas mabuti na rin 'yon dahil napakalawak ng pagdadausan ng event. We need all the manpower that we can get. Alonzo and his team will replace my position on this operation. I need you to prepare your gears and wait for my further instructions after. Are we clear?"

I need to prepare my gears also. Lalo pa at hindi ako ang magdadala mismo. I'll just let Cormac bring it for me.

Mabuti na lang at may bakante pang mga kwarto sa ikaapat na palapag. We made sure to book all their rooms on the fourth floor para mabilis lang ang pag-access namin sa mga gamit at sa isa't-isa. Although Cormac, Andrea, and I will probably stay at the designated rooms given to us by their Club.

Ang inaalala ko lang ay ang mga civillian who are staying at the park also. There's only one good thing about it, the pool area is closed till 10 in the evening only. Dahil inaayos pa ito. Mukhang palalagyan yata nila ng bar counter doon.

Two Sides Of Her (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن