Chapter 40

530 17 0
                                    

It's been three days since I have finally admitted to myself that I like Leander. At tatlong araw na rin akong hindi pumapasok ng opisina.

I told Kristine to send me the files through my electronic mail dahil hindi muna ako papasok ng opisina ng ilang araw.

When she asked me the reason, I could not think of anything normal. Dahil alangan namang sabihin ko sa kaniya na iniiwasan ko si Leander?

Ah fuck. This is bullshit. At kailan pa ako naging duwag? Tangina naman.

"Schwyze. Hindi ka pa ba papasok?" Tanong sa akin ni Manang nang magpunta ko sa dining area.

"Manang, mukhang masama po kasi ang pakiramdam ko." She touched my forehead and even lifted the back of my shirt to check my injuries bago ako hinarap.

"Wala ka namang lagnat, at gumagaling na rin naman ang mga pasa mo sa katawan? Ano bang nararamdaman mo? O baka naman may iniiwasan kang tao dahil sa nararamdaman mo?" The latter part of her statement made my face heat up.

This is all Carver's fault! Akala ko pa naman kakampi ko siya. But the moment he left the mansion ay ipinagkalat na niya sa buong Montisanti na may gusto ako kay Leander. Shit!

At umabot pa ang chismis kay Manang! Kaya naman ngayon ayaw na nila akong tantanan ng tukso. Lalo na sina Cillian at Castiel.

When I confronted Carver, ang sabi niya lang sa akin natutuwa lamang siya sa nangyari. Plus he reasoned out that he's only looking for allies to convince me.

Allies my foot! It was just his excuse to let the others know. This is really a torture for me. Mahirap na nga ang aminin sa sarili ko ang totoo, now they're even making fun of me.

"Manang, pati ba naman po ikaw?" I uttered with frustration.

"Kasi naman hija, bakit mo ba tinatakasan? Ano bang pumipigil sa 'yo?" Malumanay niyang tanong sa akin.

She pulled an empty chair and sat down beside me.

"Naninibago lang po ako. At gusto ko po na while I'm slowly trying to digest and take in everything that's happening, hindi ko po muna siya makikita. Para wala pong intervening variable." Paliwanag ko sa kaniya. Maybe I'm just confused, maybe if I don't see him for days I'd realize that I don't actually like him. Infatuation lang siguro 'to.

"Anak, hindi naman ito Thesis. May mga bagay talaga sa buhay na hindi mo na kailangang pag-isipan ng mabuti. Hindi mo kailangang mag-overthink. Minsan ang kailangan mo lang gawin ay enjoy-in ito. Kung masasaktan ka man, at least may matututunan ka. Hindi ito kagaya ng Mafia na kailangan ang masusing pag-iimbestiga. Subukan mo lang, anak."

The way Manang describes it makes me shiver. It's scaring me. Don't think too much of it? Just go for it?

But all of those are beyond me. Hindi ako sanay na hindi pinag-iisipan nang mabuti ang susunod kong gagawin. Hindi ako sanay na hindi kinakalkula ang magiging resulta ng aking gagawin. I'm not a spontaneous person, I was taught and raised to always have a solid plan for everything. That's the only way to ensure my safety.

It's outside my comfort zone.

"Susubukan ko, Manang. Pero hindi na muna ngayon. At isa pa po, marami pa kaming hinaharap na problema ngayon. I should deal with it first."

Napabuntong-hininga naman si Manang at tumayo na upang ipaghain ako ng agahan.

I ate my breakfast in silence. Lost in my thoughts. Deep thinking and realizations. Napagtanto kong ngayon pa lang ako namroblema nang ganito na hindi naman konektado sa Mafia. I am experiencing a lot of first times now. And it's all because of Leander.

Two Sides Of Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon