Chapter 2

1.3M 43.2K 17.1K
                                    

Chapter 2

According to Rabbi Hillel, a famous religious leader and one of the most important figures in Jewish history "He who refuses to learn deserves extinction"

What are humans then? Since the time being humans are continually learning, discovering things and studying what are beyond our naked eyes. Humans are now motivated to see the extraordinary, to hear what are unusual and to feel and witnessed what we've been searching for. Studying is not for curiosity but for good foundation of life.

It's been thousands of generation, from one idea to another improved idea, mind to mind and ability to ability. Humans have been learning for thousands of years yet here we are and still running for extinction.

Do humans deserved to be extinct if we did even stop from learning? Sorry Mr. Rabbi Hillel but this Pilot Officer will never agree on your belief.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa bintana ng sasakyan. I can see my own reflection. The cold Pilot Officer or should I call myself as Flight Lieutenant right now?

Minsan ko na lamang makita ang sarili kong ngumiti at kung makita ko man ito hindi ko masasabing tunay ito. I have lost the ability to give my genuine smile. It was always ending up as scripted and obligatory smile, a force smile to give my upper officers. A casual smile just for the cover.

Bahagya akong sumandal sa bintana at napailing na lang ako sa aking sarili. Now it's Rabbi Hillel, who else Behati? Sinong pilosopo pa ang sasalungatin mo? Minsan ay naitatanong ko sa sarili ko, bakit kaya laging taliwas ang paniniwala ko sa mga kilalang pilosopo ng mundong ito? Naalala ko pa kung ano ang isinagot ko sa huling parte ng aming pagsusulit para lamang makuha ang kung anong titulong mayroon ako ngayon. Tanging ako lang sa lahat ng mga pilotong nagsalita ang sumalungat sa mga salitang binitawan ni Commander Mitts at kahit kailan hinding hindi ko ito pagsisihan.

Ako ang tipo ng tao na ayaw ng may kakampi, I hate having a partner during my flight missions. I want to finish and accomplish my task alone with my own ability. Natatakot na akong sumandal sa ibang tao, natatakot na akong kumuha ng suporta mula sa ibang tao.

I always wanted to fly independently. Hindi ko na gusto pang maranasan ang nakaraan. One life is enough.

"We're here Lieutenant Monzanto, welcome to UASA Air Division main headquarters!" Masiglang sabi ng lalaking sumundo sa akin.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nang sandaling tumapak ang mga paa ko sa lupa ay kusa na lamang umangat ang aking paningin para sundan ang nagliliparang magagara at hindi birong klase ng mga sasakyang panghimpapawid.

Dahil sa lakas ng hangin ay na agad nitong nilipad ang aking napakahabang buhok at hindi ko inabala ang sarili kong ayusin ito. 

Unti unti ko nang inaangat ang kanang kamay ko na parang maaabot ko ang eroplanong kasalukuyang nagpapaikot ikot sa himpapawid na parang sumasayaw lamang sa hampas ng hangin.

"Mama, Papa, mga kapatid. Nandito na ako, nandito na ako. I'm sorry but I am not made for accounts, your daughter, your sister is destined for aircrafts. Abot kamay ko na mama, papa. Abot kamay ko na ang mas mataas na himpapawid." How I love the noise of the plane.

"Lieutenant.." natauhan ako nang may tumawag sa akin. Nang pagmasdan ko siya ay hindi na siya ang lalaking sumundo sa akin. Another crew of UASA and he's wearing his navy blue uniform.

Nasa gitna kami ng isang malawak na ground field kung saan nagkalat ang iba't ibang uri ng sasakyang panghimpapawid. From single engine piston, different kinds of jet, tricycle gear, amphibians, taildraggers, helicopters, tiltrotors, ultralights, light sport aircraft, multi engine piston, turboprops, floatplanes, biplanes and even gliders.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon