Chapter 41

525K 24.9K 5.6K
                                    

Chapter 41


Hindi pa man sila nakakabawi sa ginawa ko nang umalingawngaw ang malakas na sirena sa buong hotel.

The fire sprinkler turned on. Kasalukuyan na kaming nababasa lahat.

This is what Pedro told me, hindi namin makukumbinsi ang lahat na lumikas sa isang iglap lamang lalo na at walang kapangyarihan ang aming mga salita.

"There's a fire!" sigaw ng isa sa kanila.

Mariin pa rin nakatitig sa akin sa ang nakikilala kong siyang manager ng resort.

"We need to move," seryosong sabi ko.

Pinagbuksan ko sila ng pintuan.

Tatlo pa lamang sa mga businessman ang nakakalabas nang tumunog ang telepono sa isa sa kanila.

It's the manager. Nagawa pa nitong tumigil at makipag-usap dito.

"Hurry up, please.."

Saglit lang kumunot ang noo nito bago siya sumulyap sa akin. He used his own language that I didn't understand.

"Sure, sure. Thanks.."

Hinihintay ko siyang lumabas pero tumigil ito.

"You go first,"

"Come on, I'm here to guide everyone."

"You can't command me, this is still my resort." Tinanggal nito ang kamay ko sa pintuan at itinulak ako nito.

"Go, guide them. I can handle myself." Mayabang na sabi nito sa akin.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Nagmadali na akong tumakbo, tumigil lamang ako nang sulyapan ko ang nakapaskil sa isang pader ng mga pasikot-sikot dito.

"Use the—"

"Gentlemen, use the fire exit. Follow me, we need to go to the nearest fire exit."

Tulad ko ay tumigil rin ito at siniguro niyang wala sa mga kasamahan niya ang maiiwan. Compared with the other businessmen, he's quite calm. Hindi ito nagpapanic katulad ng mga kasamahan niya.

"Next, you.." tumungo ito sa akin.

"You go first, this is my duty." Sagot ko sa kanya.

"I can't be aided by a woman."

Who is this Thai? Can't he understand that this isn't the good time about discrimination?

"Bahala ka,"

"What?"

I didn't answer him.

Lumabas na rin ako sa fire exit, we used a metal ladder that can immediately land us to the ground floor. I know this will consume time, but elevator is not safe this time.

Hindi namin alam kung kailan ulit lilindol at kung saan.

Ilang minuto lang ang tinagal namin, malapit nang makababa ang isa sa kanila pero napamura na lang ako nang madulas ang nasa harapan ko.

I was about to grab his hand when the Thai manager stopped me. He even embraced my stomach with his left arms to stop me from moving.

"He'll just drag you down, you're smaller. Can't you see? Besides it will not give them major damage." I sharply looked at him.

Tinanggal nito ang braso niya sa akin.

Kababa pa lamang namin sa hagdan ay sinalubong na ako ni Pedro. His eyes are darting to the manager beside me.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon