Chapter 6

914K 35.7K 17.9K
                                    

Chapter 6


Hindi ako gumalaw o sumagot man lang sa tanong niya. Nanatili akong nakatalikod dito habang hawak ko ang lubid ng boxing ring. Katulad ko ay ganito pa rin ang ginagawa niya.

He did scare me, but I won't ever admit that. Hindi ko akalaing may pananakot din pa lang nagagawa ang kanyang mga asul na mga mata.

I thought his blue eyes are only meant for seducing women.

"Why would I?" I lied.

Kahit ngayon ay ramdam ko pa rin ang pangangatal ng tuhod ko. Buong akala ko ay sa akin na niya patatamaan ang kanyang mga kamao dahil sa tindi ng mga mata niya sa akin.

"Your knees are shaking Lieutenant. Sorry, I didn't mean to scare you." Humigpit ang pagkakahawak ko sa lubid nang mas humina ang boses niya sa akin.

"Release me Commander, they are watching us." Can't he notice the eyes of those people inside this gym?

"Can't you recognize me Lieutena—" naputol ang dapat niyang sasabihin nang mapansin namin si Commander Jensen.

He's now fixing his boxing gloves while walking towards the boxing room.

"Do you want a sparring Armstrong? Sorry I'm late Behati." Narinig ko ang pagsipol ni Commander Armstrong.

"Behati.." He mockingly uttered my name.

Mabilis umakyat sa boxing ring si Commander Jensen at humawak din siya sa lubid.

And it happened again, I am in between of these two tall Commanders of UASA.

"Release the rope Armstrong," diretso ang titig nito sa lalaking nasa likuran ko.

"You want to enter the ring? There's a wide space Commander Jensen. We're still talking." Sa akin naman ngayon tumitig si Commander Jensen.

What is wrong with these two Commanders? Bibitawan lang nila ang tali! Papadaanin lang nila ako.

"Behati?" tawag sa akin ni Commander Jensen. At base sa mukha niya mukhang alam niyang magugustuhan niya ang isasagot ko.

"We're done talking Commander," kita ko ang pagtaas ng kilay ni Commander Jensen at ito na mismo ang bumitaw sa tali at nagbigay ng daan sa akin.

Nagmadali akong yumuko at tumawid na ng lubid.

Hindi ko na nilingon ang dalawa at nagpatuloy ako sa aking paglalakad.

"You're not going to watch us?" pasigaw na tanong sa akin ni Commander Armstrong.

Fighting for your egos? Only fools will watch that.

Nagbingi bingihan ako at nagdiretso na ako sa locker room para maayos ko ang aking sarili. Hindi ko na pinakatagalan pa ang pag aayos ko. At matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako dito.

Agad nadoble ang bilang ng mga taong nakapalibot sa boxing ring habang pakinig ko ang malalakas na tama ng suntok sa kanilang mga katawan. Sa mukha at maging sa iba't ibang parte ng katawan.

Are they really serious? Bakit galit na galit ang dalawang ito sa isa't isa?

Kumunot ang noo ko nang sabay tumama ang mga kamao nila sa kanilang mga mukha dahilan kung bakit sabay silang natumba.

Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari, tatalikod na sana ako nang mapansin ko si Commander Mitts na siyang nagbigay sa akin ng huling pagsusulit.

"Commander!" sasaludo sana ako dito nang itaas niya ang kanyang kamay para patigilin ako.

Nanunuod siya sa laban ng dalawang Commander sa boxing ring.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon