Chapter 58

459K 20.7K 6.8K
                                    


Chapter 58


Life isn't a life without fighting. A fight without passion isn't a fight. A passion without heart isn't a passion. A heart isn't a heart without rhythm. And a beating rhythm isn't a rhythm if it alone.

Love isn't just the powerful word ever created in this world, but we can also find power in the word unity.

Hindi ko iniwan ang aking posisyon sa aking nakataas na kamay sa ere hanggang may nakikitang mga taong kapwa nakataas rin ang mga kamay.

And when they finally moved with our opposite position, I made an assuring smile.

Kapwa na tumatakbo ang aming mga sasakyan sa magkasalungat na direksyon. Bumalik na ako sa loob ng SUV at agad hinagip ni Pedro ang kamay ko.

Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang bunganga ng bulkan, may apoy nang kumakalat sa tuktok nito. At muli itong nagpapadyang bumuga ng panibagong nagbabagang apoy.

"Where is his current location?" I asked Graham Bell.

Hindi na muling nagsalita ang mga ito dahil naging abala na rin sila sa pagtulong sa mga tao.

They had this hanging metal cage courier where people can easily ride on it. Mas mabilis nilang mailalayo ang mga tao gamit ang eroplano.

"Oh sorry,"

Graham Bell gave us the exact address and landmark but it is all ruined. Karamihan ay nabagsakan na ng mga bato.

Halos sabay kaming napamura ni Pedro nang agad niyang kinabig ang aming sasakyan. Muntik na kaming tamaan.

Graham Bell tried to contact the possible relatives of the ex-president. Ang mga kamag-anak nito na posibleng kasama niya sa paglikas pero sinabi ng mga itong nagpaiwan na ang matanda sa kanilang tahanan dahil naniniwala itong matanda na siya at hindi na kailangang isama pa.

Bell, shared us the live phone conversation and I heard how his daughter and son tried their best to convince their father. Walang tigil sa pag-iyak ang mga ito.

Their father wanted to die on his motherland. Iniwan nila ang matanda sa kanilang bahay.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Pedro at halos hindi na kami mag-usap dalawa. Habang tumatagal kami sa lugar na ito, mas lumiliit ang tsansang mabuhay kami.

"There!" Itinuro ko ang direksyon kung saan tumama sa diskripsyon ni Graham Bell.

Kinabig ni Pedro ang sasakyan at kapwa na kami halos tumalon dito nang sandaling tumigil ito.

Hantaran na namin pinasok ang bahay habang walang tigil sa pagsigaw sa pangalan ng dating presidente.

"President Valenzuela!"

"President Valenzuela!"

Halos tumakbo na kami ni Pedro sa loob ng bahay habang hindi napapagod sa pagsigaw.

"President Valenzu—" hindi ko na natuloy ang aking pagsigaw nang makita ko ang dating presidente na tahimik na nakaupo sa kanyang wheelchair.

"Peter!"

Agad nakuha ni Peter ang tawag ko. Nagmadali na kaming nagtungo sa dating presidente.

"President Valenzuela,"

"I-I am not the president anymore, I am just now an old man. Save yourselves children. I am already old."

"No, we need to go President." Hinawakan na namin ni Pedro ang kanyang wheelchair pero nang itutulak na namin ito ay agad hinawakan ng matanda ang gulong nito.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon