Chapter 191

852K 31.5K 27.1K
                                    

A/N: NO EDIT! Ginagawa ko na yung Dark side ni Jay-jay pero parang nag-mumukang comedy... Hahahahaha. Hindi na yata mawawala yun.

Guys! Sama nagpapa-dedicate. Pa-antay lang po. Thank you.

Brother

Jay-jay's POV

Katapusan ko na!----Ang unang pumasok sa isip ko. Amoy sunog na gulong at medyo mausok. Sobrang nagulat ako sa pagsulpot ng kotse muntik na kong hindi makagalaw.

Nakaupo ako sa daan halos katabi lang ng harap ng kotse. Hindi ako makagalaw sa pagkabigla, pakiramdam ko nayanig ang sistema ko dahil sa nangyari. Ganito rin ang pakiramdam ko nung tutukan ako ng baril sa ulo. Iba nga lang ang sitwasyon ko ngayon.

"Shit!" Dinig kong sigaw ng kung sino. "...Are you okay?!"

Napatingala ako sa nagsalita. Nasa harap ko na sya ngayon at nag-aalalang nakatingin sakin. Ayaw pa ring kumilos ng katawan ko pero kahit ganun, nakilala ko pa rin ang kaharap ko.

"P-percy?"

Bahagya syang naupo para maka-pantay ako. Tinignan nya ang kabuuan ko. Hindi ko alam kung saan ako mas mabibigla, sa mga nalaman ko kanina, sa nangyaring muntik na kong masagasaan o kay Percy na kaharap ko na ngayon.

Bumalik na sya...

Totoo yung sinabi nya. Babalik ba nga sya, haharapin na nya ko at sasagutin ang mga tanung ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng naka-bara sa lalamunan ko. Nag-umpisa na naman akong maiyak.

"B-bakit? May masakit ba? Dadalin kita sa ospital!" Natataranta nyang sabi.

Hinawakan ko sya sa magkabilang braso. Kahit patuloy sa pagbagsak ang luha ko, pinilit kong makapag-salita ng maayos.

"I-ilayo mo k-ko d-dito!" Nag-mamaka-awa kong sabi.

Hindi ko na kaya pang magtagal sa lugar na to. Alam kong nakasunod sila sakin kanina at anu mang oras makikita na nila ko.

"S-sige." Sagot ni Percy at inalalayan akong makatayo.

Tinulungan din nya kong makasakay ng kotse nya. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, sobrang hapdi na ng mata ko gusto ko ng tumigil.

Sumakay sya at agad na pina-andar ang kotse. Panay ang tingin nya sakin at ibabalik sa daan ang paningin.

"May masakit ba sayo? Sa ospital tayo." Sabi nya.

Umiling ako habang pilit pinupunasan ang pisngi ko. "A-ayoko."

"Ha? Baka----."

"BASTA DALIN MO KO SA TAHIMIK NA LUGAR!" Sigaw ko na ikinabigla nya.

"O-oo... E-eto na..."

Mas bumilis pa ang takbo ng kotse. Kung saan kami papunta hindi ko alam. Gusto kong lumayo, malayong malayo. Malayo kila Mama, malayo kay Aries, malayo sa mga Gagong Ulupong at malayo sa Hari nila.

I used you...

Sampal sakin ang mga salitang yun. Yung matatamis na salitang binitiwan nya sakin. Yung mga araw na magkasama kami at magka-hawak ng kamay. Kung panu nya sabihin sakin na mahal nya ko.

I love you until scientist find the end of the universe.

SINUNGALING! Hindi totoo! Niloko nya ko! Niloko nila ko!

Ako naman si Tanga napaniwala nila. Ang bobo ko talaga. Bakit hindi ko man lang naisip yun? Sana nung sinabi pa lang ni Aries, naniwala na ko.

Kaya pala ganun nalang ang bintang nya. Kasi nga alam nyang gaganti sila. Alam nyang may kasalanan sya at babalikan sya ng Hayop na Keifer na yon.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon