Chapter 10

410K 7.8K 491
                                    

IN HIS 29 years of existence he had never done this. Stalking a woman is not fucking his hobby. Ngayon lang niya ito ginawa sa buong buhay niya. Kay Mhelanie lang. Pag-alis niya ng condo ni Harper ay saktong papaalis palang si Mhelanie at Mamshie Juday kaya nasundan niya ang mga ito. Nagdahilan lang siya kay Harper, pero ang totoo ay gusto lang niyang sundan si Mhelanie. Hindi niya talaga gusto ang ideya na makikipag-date si Mhelanie. Dating with a stranger o kahit sa kakilala pa nito ay hindi niya matanggap. Hindi niya gustong makipagdate si Mhelanie sa kahit na sino.

Sa isang restaurant sa loob ng Grandeur Mall ang mga ito nagtungo. Nag-aalala siya para kay Mhelanie nang makita niyang iniwan ito ni Mamshie Juday sa isang lalaking mukhang hindi gagawa ng maganda. Pagkakita palang nito kay Mhelanie ay kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng lalaki. Para itong nakakita ng laman na malalapa kung pasadahan ng tingin ang kabuan ni Mhelanie.

Gusto niyang tumayo mula sa kinauupuang hindi kalayuan sa mesa ng dalawa nang makita niyang hawakan ng lalaki ang kamay ni Mhelanie. Thank God, Mhelanie took her hand back dahil kung hindi kanina pa niya ito binuhat palabas ng restaurant.

Pagkatapos kumain ng dalawa ay nagtungo ang mga ito sa movie house na agad naman niyang sinundan. Mukha siyang goon sa itsura niya. He was wearing a tinted sunglasses, black baseball cap and a leather jacket. Bitbit ang popcorn ay pumuwesto siya sa likuran ng dalawa sa pinalikuran.

Sa walang gaanong tao pa talaga nito dinala si Mhelanie, ah! As if na hahayaan niyang makatyansing man lang ang gagung 'to. Babalian niya talaga ito ng leeg. Nilingon siya ng lalaki at sapat ang kakaunting liwanag sa loob ng sinihan para makita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito na nasa likuran siya ng mga ito.

Alam na alam niya ang binabalak nito at naiinis siya sa kainosentihan ni Mhelanie. Hindi man lang nakakaramdam na hindi lang panonood ng sine ang gusto ng lalaking ito. Eh, kung ipatigil kaya niya ang pagpapalabas ng pelikula ngayong araw. He owns this mall at kaya niya iyong gawin.

"Do you like this kind of movie?" Narinig niyang tanong ng lalaki. Ang pagkakaupo nito ay nakatagilid. Nakaharap ito kay Mhelanie at hindi sa pinapanood.

"Oo. Kahit ano naman pinapanood ko." Sagot ni Mhelanie. Isang action movie ang napili nitong panoorin.

"Alam mo bang napakaganda mo, Mhelanie?" Nagtagis ang bagang niya nang haplusin nito ang gilid ng mukha ni Mhelanie. Iyong tipong hinahawi ang hibla ng buhok pero nanantsing lang talaga ang gago dahil wala man lang nakakawalang kahit isang hibla ng buhok ni Mhelanie mula sa pagkakapusod niyon.

"Thank you." Mhelanie said sincerely. Oh, God! Why is this woman so naive for Christ's sake.

"I like you, Mhelanie. I really do." Dinala ng lalaki ang kamay ni Mhelanie sa bibig nito at hinalikan ang likod ng palad.

"Thank you." Ani Mhelanie at bahagyang ngumiti saka binawi ang kamay.

"After watching movie can we go somewhere else. A club, perhaps. Ayaw kong tapusin ang date na 'to agad. You are worth spending time with."

"Okay."

"Good!" Nasiyahan nang husto ang lalaki. Iniunat nito ang isang braso at ipinatong iyon sa balikat ni Mhelanie. Hindi na niya hinintay pa ang susunod na gagawin nito. Itinapon niya ang laman ng popcorn sa dalawa kaya muling tinanggal nito ang kamay. Nilingon siya ng dalawa.

"Nananadya ka ba!?" asik ng lalaki sa kanya.

"Pasensiya na, pare."

"Stupido!" Muling isinandal ng lalaki ang likod sa sandalan habang iretableng pinagpagpag ang popcorn, pero si Mhelanie ay nanatiling nakatingin sa kanya. Siguro na wi-weird-uhan sa kanya. Sino bang hindi, nasa loob siya ng madilim na sinehan pero naka-shades.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now