Chapter 26

336K 6.3K 600
                                    

Ito  na  po!  Binasa  ko  kasi  ulit.  Haha!  Natawa  ako  sa  reply  sa  post  ko. Ang  tagal  ko  raw  maligo.  Sorry! Edit ko muna kasi. Grabe kayo sakin! 😂

____

LUMABAS si Falcon ng banyo habang nagpupunas ng basang buhok gamit ang puting tuwalya. Isang puting tuwalya naman ang nakapulupot sa kanyang baywang. Katatapos lang niyang maligo. Nalabasan niya si Mhelanie nasa parang pusang hindi mapaanak sa kama. Nakahiga ito at paiba-iba ang posisyon. Parang may gumugulo rito.

"Love." Kuha niya sa atensiyon ni Mhelanie na ngayon ay nakatihaya at nakatuon ang mata sa kisame. Mula sa kisame ay tumingin ito sa kanya.

"What's wrong?" matagal siya nitong tinitigan. Parang may gustong sabihin o itanong subalit nag-aalangan.

"Love?" He urged her to speak up. Ngumiti ito saka umiling. Bahagya niya itong pinaningkitan ng mata. Hindi siya kumbinsido. Ipinatong niya sa sandalan ng silyang nasa harap ng vanity table ang tuwalya saka umupo sa gilid ng kama.

"May gusto kang sabihin. Ano 'yon?" Inabot niya ang pisngi ni Mhelanie at bahagyang pinisil.

"Kasi. . . Ahm. Kasi narinig ko 'yong usapan ninyo nina Dock at Wilson kaninang umaga. Na-curious lang ako." Bahagya siyang napaisip. Inalala kung alin sa topic nila kanina.

"Ano ba ang narinig mo?"

"Tungkol sa. . . sa threesome." Natawa si Falcon, pinisil niya ang baba ng asawa.

"How about that? Ano ang gusto mong malaman?"

"I'm just wondering kung. . . ginawa mo na rin 'yon?" Humalakhak si Falcon.

So, iyon ang gumugulo kay Mhelanie mula pa kanina. Ang mga siraulo niya kasing kaibigan kung bakit kay aga-aga ay iyon ang pinag-uusapan habang nasa hapagkainan. Si Alford ang topic ng dalawa kanina. Bumalik ng Maynila si Wilson at Dock kaninang umaga matapos mag-almusal at si Falcon naman ay hindi pumasok. Si Alford ay hindi nagpaawat kagabi. Akala niya ay natulog na ang loko pero may narinig na lang silang ugong ng helicopter. Tumawag pala ito sa isang air charter service para lang mapuntahan si Lyca. Hindi naman nahirapang i-locate ang lugar na ito dahil sa tulong ng GPS location tracker — a very valuable technology to have nowadays.

Kinuha niya ang kamay ni Mhelanie at tinulungan itong bumangon. Marahang ikinulong ang mukha sa palad at kinintalan ng halik sa labi.

"Hindi ko 'yon ginawa. Hindi ko pa nasusubukan kung iyon ang gumugulo sa 'yo." Sa paraan nang pagtitig nito sa kanya ay tila hindi ito naniniwala kaya muli siyang natawa.

"Hindi ka naniniwala?"

"Ahm. I don't know. Para kasing na try mo na lahat. And you are being too rough in bed." He loves rough sex but he can be gentle if needed; kung hindi komportable ang partener niya sa ganoon. Of course nakikinig naman siya sa partner niya at hindi laging pansariling kaligayahan ang iniisip niya. And he was glad that he rewarded by a wife who like it that way. Pero ngayon ay maingat siya dahil sa pagbubuntis ni Mhelanie. Pero ang threesome and swinging, even orgy ay hindi niya trip. Hindi siya nagkainteres na subukan man lang.

"Believe me. Hindi ko pa nasubukan pero ngayon parang gusto kong subukan. Let's try it."

"What?" She exclaimed and her eyes grew wide with shock.

"Yes. If you are curious then let's gonna try it to cure curiousity."

"No! Curious lang ako kung ginawa mo pero wala akong balak gawin. My God, Tres! Hindi ko naman kayang makitang may ginagalaw kang iba."

"Who said that I will fuck another woman. Hinding-hindi ko gagawin 'yon. I will never do anything to hurt you." Tumayo si Falcon at tinungo ang closet. Inilabas niya roon ang isang parehabang kulay rosas na kahon at natatali iyon ng maliit na ribbon. Kinalas niya ang ribbon at inilabas niya mula roon ang laman.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon