Chapter 18

352K 8.5K 1.7K
                                    



MAY ngiti sa labi nang magising si Mhelanie kinabukasan. Ipinaliwanag ni Falcon sa kanya ang tungkol kay Vanessa at pinapaniwalaan niya ito. Kilala niya si Vanessa sa ganoong pag-uugali, kung kani-kanino ito nali-linked na lalaki. Bumangon si Mhelanie at inabot ng kamay ang tastas na tent banda sa may zipper. Marahan siyang natawa. Tinastas ni Falcon ang tent para lang makapasok sa loob. Pambihirang lalaki. Hindi niya alam kung anong oras na bumalik ng sarili nitong tent si Falcon. Ayaw pa nitong umalis kung hindi pa niya pinagtabuyan. At mabuti na lang at hindi nagiba ang tent niya dahil sa pinaggagagawa nila kagabi.

Inayos niya ang sarili bago lumabas ng tent. Niyakap niya ang sarili nang maharot na umihip ang hangin at nanoot ang lamig sa kanyang balat kahit pa may suot siyang jacket at sweatpants. Ito yata ang paraan ng islang ito para batiin ng good morning ang mga panauhin rito o 'di naman kaya'y kinakastigo siya dahil sa pangbababoy nila ni Falcon sa napakagandang paraisong ito.

"Good morning!" Masiglang bati ni Vanessa sa lahat nang lumabas ito ng tent ni Direk Morgan. Lahat ng mata ay natuon sa dalaga. Gulat at amuse ang naging reaksiyon ng mga naroroon. Nag-unat ang babae. Lumabas ang pipis na tiyan nito nang tumaas ang blusang suot na napapatungan ng isang abu na cardigan. May malapad din itong ngiti sa labi na mukhang maganda ang gising. Sa itsura nito ay bagong gising ito dahil gulo-gulo pa ang buhok.

Ano ang ginagawa nito sa tent ni Morgan? Agad niyang nilinga ang paligid para hanapin si Harper at nakita niya ang dalaga sa likuran niya na nakatingin kay Vanessa. Nakatiim ang mukha ni Harper. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Vanessa. Nang matuon ang mata ni Vanessa kay Mhelanie ay nakakaloko itong ngumisi habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan niya. Humakbang ito sa palapit sa kanya.

"Good morning, Mhelanie. Mukhang maganda ang tulog mo, ah? You look blooming today." Binalingan nito ang tent niya, tinitigan nito iyon nang ilang sandali bago muling ibinalik ang mata sa kanya at muling tumaas ang mga sulok ng labi na para bang may gustong ipahiwatig. It confused her a bit. Wala naman siguro itong alam sa kung ano ang nangyari kagabi sa pagitan nila Falcon? God, sana naman wala! Lumagpas ang tingin nito sa kanya.

"Mukhang si Harper lang ang hindi maganda ang tulog. She looks. . . Stressed. Ugly. And stupid." Nakakapang-uyam ang tawang pinakawalan nito. Noon naman lumabas si Direk Morgan na tanging boxer short lang ang suot. Sapo nito ang sariling ulo na tila nananakit."

"Oh, hi, babe! Gising ka na pala." Nilapitan ito ni Vanessa at umangkla ito sa braso ni Morgan.

"I'm sorry kung hindi ako nakalipat ng tent kaninang madaling araw tulad ng sinabi mo. Hays! Pinagod mo ako, eh." Binawi ni Morgan ang braso mula sa pagkakahawak ni Vanessa.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Si Morgan na tila walang alam sa nangyayari. Kalituhan ang mababanaag sa mukha nito.

"Ahh! That's what I want to you, Morgan. You had been always acting innocent and playing dumb. You are so cute, babe! Thanks for the steamy night by the way." Hinalikan ni Vanessa sa pisngi si Morgan bago nito tinungo ang sariling tent.

"Harper?" Sambit ni Morgan sa pangalan ni Harper at punong-puno nang pag-aalala ang mukha nito. Harper shot daggers at him before walking out.

"Shit!" Hinilamos nito ang palad sa mukha at hinampas ang sariling tent. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa dalawa sa ngayon pero kung siya ang tatanungin ay hindi niya gusto si Morgan para kay Harper. Kung si Falcon na matino ay nagawang lokohin si Harper ano pa ang kayang gawin ni Morgan na kilala sa pagiging babaero. Bakit ba ganito ka komplikado ang buhay?

NASA open nipa hut na sila para sa agahan nang dumating si Falcon at mga kaibigan nito. Nagkatinginan sila ni Falcon at lihim na nagkangitian. Magkakatabing umupo ang apat na magkakaibigan sa katapan nila. Mula nang dumating ang mga ito sa isla ay kasama na ito mula sa agahan hanggang sa hapunan.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now