Chapter 14

364K 7.7K 331
                                    

SA BATANGAS ang lokasyon ng shooting ni Harper ngayon hanggang bukas. Dumalaw ang ina ni Mhelanie sa set. Nagdala ito ng Loming Batangas at Bulalong paborito nila ni Harper. Iyon ang madalas lutuin ng kanyang nanay sa kanila ni Harper lalo na noong nasa puder pa si Harper ng mga magulang nito.

"Kumusta na pala kayo ng nobyo mo?" Nag-angat ng ulo si Harper mula sa cell phone nito para tingnan si Lena. Nakaupo si Harper sa isang folding chair habang silang mag-ina ay magkatabing nakaupo sa inflatable couch. Kakatapos palang kuhunan ang eksena ni Harper at mamayang gabi na ang susunod.

"Wala na kami." Walang ganang sagot ni Harper at muling itinuon ang tingin sa cell phone. Napatingin si Lena kay Mhelanie na nagulat sa sinabi ni Harper. Humihingi ito ng kompirmasyon sa kanya. Nagyuko si Mhelanie. She suddenly felt a stab of guilt.

"Pero bakit naman?" tanong uli ni Lena.

Harper shrugged dismissively as she kept her gaze fixed on the phone.

"Third party, perhaps. I don't know."

"Sayang naman. Mukha pa namang mabait ang batang 'yon." Ikinabit ni Harper ang earphone sa cell phone nito at inilagay ang earpiece sa magkabilang tainga. Parang ayaw makipag-usap.

Hindi na nagtagal si Lena at nagpaalam na ito. Isang tango lang ang ibinigay ni Harper kay Lena nang magpaalam ito sa dalaga na ikinabahala ng kanyang ina dahil lagi ni Harper binibigyan ng mahigpit na yakap ang kanyang nanay. Inihatid ni Mhelanie ang ina sa labas ng gubat kung saan nakaparada ang tricycle. May mga kukuhanan lang na ilang scene dito at tutungo na sila Calaguas Island.

"May alam ka ba kung bakit naghiwalay si Harper at Falcon?" tanong ni Lena kay Mhelanie habang naglalakad sila. Ipinagsalikop niya ang kanyang mga palad at bigla ang pag-ahon ng kaba sa dibdib. Kahit na kailan ay hindi pa siya nagsinungaling sa kanyang nanay at ito ang magiging una.

"Hindi po."

"Hindi man lang ba nagkuwento sa 'yo?"

"Hindi po." Hindi sa kanya nagsabi si Harper ng tungkol sa paghihiwalay nito at ni Falcon. Hindi naman niya magawang magtanong dahil magtataka ito kung paano niyang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. At napaka-ipokrita naman niya kung magtatanong pa siya, eh, alam naman niyang siya ang dahilan.

"Napakalungkot niya, ibang-iba siya ngayon. Ni hindi kumain ng dinala ko. Samantalang dati rati siya pa ang nauuna kapag ipinagluluto ko kayo ng paborito niyo." Ginagap niya ang kamay ng sariling ina at bahagyang pinisil.

"Pagod lang po 'yon."

"Baka nga. Noon pa man ay ganyan na ang batang 'yan kapag wala sa mood. Oh, baka naman nagka-problema na naman kina Suzeth at Arthur." Ang tinutukoy ng kanyang ina ay ang mga magulang ni Harper."

"Baka nga po. Hayaan niyo po at tatanungin ko."

"Oh siya mauna na ako."

"Sige po. Mag-ingat kayo, 'nay." Hinatid niya ng tanaw ang ina na tinungo ang nakaparadang tricycle na minamaneho ng kanyang Tiyo Alfie. Kinawayan niya ang kanyang nanay at Tiyo Alfie nang umusad na ang tricycle. Pumihit siya para muling bumalik sa loob ng gubat nang may tumawag sa kanya. Boses iyon ng isang batang lalaki. Nang lingunin niya ito ay may hawak itong isang tangkay na Calla Lily.

"Hello," bati niya sa batang lalaki.

"Ire po ay para sa iyo." Ani bata sa Batangañeong tono. Inabot nito ang bulaklak sa kanya.

"Para sa 'kin?"

"Pinabibigay po ng iyong boyprend."

"Boyfriend ko?" Ibinaling ng bata ang tingin sa kaliwang bahagi at itinuro ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now