Chapter 35

356K 6.4K 778
                                    

Nashock ako! Dami palang porn addict dito. Hello guys! Proud #PornAddict.

#TheTeamPornAddict.... asgardianLove21, Talzky, chelley-mi, JeimiiiSuho, jaciahana, JennyGilo, Errisse, akoSiEDHZ, la-victoria, emmanuelle, shygirlnomore, oct282010, shananowi, blueberry629, Army_HARMONI, GretchenMaeTongcua, bookismybestbuddy, akiam10, (fulltymPukengKeng/Natawa ako sa username), Sall_Pagbunucan, shielamae_18, JudyAnnSumang, MhikatVixen, MaryAnnAlbanez, sasahh2015, Liezel_Mae, GrechenMaeTongcua, churroslover, shielamae_18,purpleandLavender, ChieBautyzta, JudyAnnSumang, pcmcab, leapyearboy, fanniemae, Zhyphyrah(redge), klausxxkai, catniperverdedeen8, CristinaRaganas, vhanzz94, itsparadigma, gwapangit, kazumi_004, PreciousGabriel, Crowned_Elysian, alikiej, shamus21, TeffieRagas, Jakelza18 Marialshanggg, Elledyrram, ChadelleBabe, jazesmeralda, thunder014, breakingwall8, jhonslyn. Ito supplier namin ng porn, hi, bes, Jem Mhica! Hindi ko alam kung lahat nasali ko. Tiningnan ko lang yung comment sa inline next na lang yung mga hindi nasali.

Tawang-tawa ako sa mga comment niyo! Ang haharot!

WALANG ginawa ang mga empleyado kundi ang pag-usapan siya at ang nangyari sa cafeteria. Pati si Sheryl ay napasugod sa accounting department para lang kumpirmahin kung totoong siya ang asawa ni Falcon. Si Genevieve naman ay tila naging maamong tupa. Tinatawag na rin siyang "ma'am". Ang bilis-bilis kumalat ng balita. Naging laman agad iyon ng mga peryodiko, at news sa telebisyon. Bigla na lang may susugod sa kanya para sa ambush interview. Si Harper ay nagbigay na ng pahayag ukol sa relasyon nila ni Falcon dahil sinasabi ng ilan na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay si Falcon at Harper noon.

Kesyo bakit daw siya pumatol kay Falcon, eh, kapatid niya si Harper. Alam na ng lahat ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harper. Hindi iyon itanggi ni Harper ng minsan itong tanungin sa isa sa mga interview nito. This is frustrating pero ayos lang. Basta nandiyan si Falcon at ang pamilya niya ay handa siyang harapin ang mga intriga. Pasasaan ba't magsasawa rin naman ang media sa kakasunod sa kanila.

Niyuko niya ang relong pambisig. Alas nuebe pa lang ng umaga, one hour pa bago ang coffee break. Nagugutom na siya. Light breakfast lang kasi ang kinain niya. Lumipat na rin siya ng penthouse ni Falcon. Kinuha niya ang cell phone nang magvibrate iyon. Gumuhit ang ngiti sa labi nang makitang text message iyon galing kay Falcon.

Falcon: Love, punta ka dito.

Lalong lumapad ang ngiti ni Mhelanie at mabilis na tumipa ng isasagot.

MM: Later, love, 'dami kong tinatapos. At alam ko na ang balak mo. Wala akong lakas ngayon, gutom ako.

Falcon: Labas tayo.

MM: No! Oras ng trabaho, love. Ano na lang ang sasabihin ng iba kung aalis ako kahit hindi pa breaktime.

Falcon: Employee of the month ka na.

Nagpaalam na si Mhelanie kay Falcon nang lumapit si Sharon sa cubicle niya at iabot ang isang folder. Muli niyang inabala ang sarili sa trabaho. Makalipas ang kalahating oras ay nag-angat si Mhelanie ng mukha nang may marinig na kumosyon. Tumayo siya para silipin kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga katrabaho.

"Ma'am Mhelanie, nagpadala ng snack si Sir Falcon." Si Sharon na hawak ang isang packed-meal. May ilang boxes din ng pizza. Lumapit sa kanyang cubicle ang food delivery boy at inilagay sa kanyang desk ang isang box ng pizza at ilang packed-meal at drinks.

"Hey, misis ko!" mabilis siyang lumingon nang marinig ang boses ni Falcon. Nakapatong ang dalawang braso nito sa ibabaw ng wall ng kanyang cubicle. Nagpasalamat siya sa food delivery boy bago ito umalis.

"What are you doing? Anong mayroon?" tanong niya kay Falcon.

"Sabi mo gutom ka kaya dinalhan kita ng pagkain." Pumasok ito sa cubicle at hinila ang isang silyang nasa sulok at umupo roon. Pinaupo siya ni Falcon sa swivel chair at ipinihit iyon paharap dito.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon