Chapter 19

320K 7.2K 558
                                    

        DAIG pa ang tumama sa lotto ni Mhelanie dahil sa pagkain ng buko. Tuwang-tuwa ito. Ang babaw ng kaligayahan. Naisip ni Falcon at napangiti sa sarili. This woman is not hard to please. She's an epitome of kindness and simplicity. Magana itong kumakain ng buko habang nakakupo sa diftwood katabi si Will at Dock habang si Alford ay naka-squat sa harapan ni Will at nasa harapan ng mga ito ang buko. Abala ang tatlo sa pagkadkad ng malambot na coconut meat gamit ang coconut husks na ginawang kutsara habang si Falcon ay tumayo muna nang mangalay na ang paa sa kakaupo.

Isa sa mga tour guide na taga rito sa lugar ang umakyat sa puno para kumuha ng buko. Kinakailangan pala ng itak para kumuha ng buko dahil hindi raw kakayain kung pipitasin iyon gamit lang ang kamay.

"MM, hindi ka pa rin busog? Nakakaanim na buko ka na. May sawa ka ba sa tiyan?" Tumawa si Mhelanie, inabot ang pisngi ni Alford at kinurot iyon.

"Why so adorable, Alford?" Mhelanie giggled. Nawala ang malapad na ngiti sa labi ni Falcon sa ginawa ni Mhelanie.

"Thank you. Gusto mo hiwalayan mo na lang si Falcon at tayo na lang." Malakas na humalakhak si Mhelanie. Napakasaya ng tawa nito pero si Falcon ay kulang na lang ay umusok ang ilong sa sinabi ni Alford. Binatukan niya ang kaibigan.

"Adorable? Mukha kang unggoy huwag kang magfeeling, uy!" Tiningala siya ni Alford.

"Mapanakit ka na, Tres, ah? Umayos ka!" pa-squat siyang umupo sa harap ni Mhelanie pero nakatingin kay Alford.

"Bakit ano ang gagawin mo?" Isinubo ni Alford ang laman ng buko bago sumagot kay Falcon.

"Hahalikan ko si Mhelanie." Agad nitong itinaas ang isang kamay nang makita ang pagtagis ng bagang ni Falcon.

"Biro lang. Ito napakapikon. Hindi ka naman ganyan dati at mas lalong hindi ka rin naman seloso noong tayong dalawa pa, ah?" Muling tumawa nang tumawa si Mhelanie.

"Hindi kaya sumakit ang tiyan mo niyan? Ang dami mo ng nakain." Inabot niya ang gilid ng labi ni Mhelanie at inalis ang maliit na piraso ng buko roon. Tinapik ni Alford ang braso ni Falcon.

"Kapag may nakakita sa inyo." Babala ni Alford. Bumuntong-hininga si Falcon at nakuntento na lang ang titigan si Mhelanie at kumain na lang din ng buko.

KAPANSIN-pansin ang kawalan ng gana ni Harper sa ginagawa. Minsan na siyang nakapanood ng shooting nito at kita niya sa dalaga ang excitement at enjoyment sa ginagawa pero ngayon ay para itong robot na walang buhay na sumusunod sa inuutos. Nang matapos ang eksena ni Harper ay umalis ito sa halip na maupo sa nakalaang upuan para rito. Lumayo ito at tinungo ang walang taong lugar. Hindi nakatiis si Falcon at sinundan ang dalaga. Nakaupo ito sa driftwood habang nakatanaw sa karagatan.

Nilapitan niya ang dalaga at tinabihan ito. His presence broke her trance. She blinked her eyes before averting her gaze to him.

"Falcon?"

"Ang ganda rito 'no?" He said while staring at the spectacular view. Ibinalik ni Harper ang tingin sa karagatan.

"Yeah. Mabuti at naisipan niyong magpunta rito. Hindi mo naman hilig ang mag island hopping. Hindi ka rin basta-basta nagle-leave sa trabaho para lang sa bakasyon."

"Kinulit kasi ako nila Alford." Ang alam ng lahat ay narito siya para sundan si Harper pero ang sinabi naman niya kay Harper niyaya lang siya nila Alford at hindi nila alam na dito ang lokasyon ng shooting nito.

"Do you have a problem, Harper?" Tiningnan siya nito at tipid na ngumiti.

"Am I obvious?" tumango siya.

"You look sad and it bothered Mhelanie. Nag-aalala siya sa 'yo." Muli nitong itinuon ang mata sa karagatan. Hinawi nito ang buhok na dinala ng hangin sa mukha nito at inipit iyon sa likod ng tainga.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon