Chapter 17

396K 8.1K 406
                                    

Thank  you  sa  mga  votes  and  comments!  Na-enjoy  ko  ng  sobra  magbasa  ng  mga  comments  niyo.  Xoxo!!

____

HABANG naliligo sa dagat ay nagkukuwentuhan si Will at Mhelanie habang si Falcon ay panay ang sabat sa usapan. Panay ang papansin pero hindi talaga ito pinapansin ni Mhelanie. Naiinis siya kay Falcon dahil sa pakikipagharutan kay Vanessa. May pahawak-hawak pa sa baba at kung tumitig ay parang gusto nang kainin ng buhay ang babae. Napasuot tuloy siya ng wala sa oras ng kakapiranggot na tila para lang ipakitang may panlaban siya sa babaeng iyon. Sobra siyang kinikilabutan sa suot niya, pakiramdam niya ay hubo't hubad siya. Lalo pa siyang naiilang dahil sa mga titig sa kanya ng mga lalaki na akala mo naman ay ngayon lang nakakita ng babaeng naka-swimwear. Pero nandito na ito kaya paninindigan na lang niya.

"Why didn't you accept the offer to be a part of this movie, Mhelanie? This is the biggest break that any celebrity would wish for and wait. Every actor dreams of having someone recognizing them, giving them a lot of praises, pero ikaw pinakawalan mo lang. Napakalaki ng chance na sumikat ka."

"I couldn't care less about fame."

"But this is your chance para makaalis sa pagiging PA."

Falcon chimed in. "She's a certified public accountant. Top 3 in board exam and she will be fulling her dream soon." Ang likot-likot nito sa likuran niya. Gusto na nga niya itong tadyakan dahil sa kakulitan. Nagugulat na lang siya sa tuwing bigla na lang nitong sasapuhin ang pang-upo niya.

"CPA ka?" manghang untag ni Will.

"Then why?" ganyan na ganyan din ang reaksiyon at tanong ni Falcon. Sasagot sana si Mhelanie nang bigla na lang idinikit ni Falcon ang katawan sa likod niya. Nanigas at nanglaki ang mata niya nang haplusin nito ang likod ng hita niya. Hanggang dibdib niya ang tubig kaya hindi naman iyon mapapansin ni Will.

"Kasi kailangan pa siya ni Harper but very soon she will be the best accountant and will be a wife of a CEO, right, lo— MM?" inilapit pa nang husto ni Falcon ang mukha sa gilid ng mukha niya. Pasimple niya itong siniko at alanganing siyang ngumiti kay Will.

"May boyfriend ka na?" si Will na bumakas ang panghihinayang sa mukha.

"Meron. Isang guwapong CEO, hot at mayaman. Sa madaling salita ay wala kang binatbat, pare, at wala ka nang pag-asa kay MM kaya kung binabalak mong diskartehan si Mhelanie ay mag-isip-isip ka na ngayon palang." Inakbayan pa siya ni Falcon na lalo niyang ikina-tense. Ano ba ang iniisip ng lalaking ito? Dapat ay kiligin siya sa mga sinasabi nito pero mas nananig ang kabang nararamdaman niya.

"Mhelanie!" Malakas na tawag sa pangalan niya ang nakapagpalingon sa kanilang tatlo sa dalamapasigan. Si Mamshie Juday ang naroroon, may hawak itong roba. Itinaas nito ang kamay para palapitin siya. Inalis niya ang kamay ni Falcon na nakapatong sa balikat niya at bumulong.

"You are so careless. Umayos ka nga!" Iniwan na niya ang dalawa at lumapit kay Mamshie Juday. Agad nitong isinuot sa kanya ang roba, itinali iyon at mataman siyang pinakatitigan nito na para bang binabasa ang nasa isip ni Mhelanie.

"You are so beautiful, MM." Bahagya nitong hinawi ang basa niyang buhok na nasa pisngi niya.

"Sabi mo nga po nagmana kami ni Harper sa 'yo." Tipid itong ngumiti at ginagap ang dalawa niyang kamay, bahagya nito iyong pinisil at bumuntong-hininga.

"Think and be aware about the principles and values that govern your life. Laging tama ang gawin, MM. Laging tama." Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni MM sa sinabi ni Mamshie Juday. Napakaseryoso nito at bihira niyang makita ito ng ganito. Nagiging seryoso at malalim magsalita si Mamshie Juday kapag pinapangaralan si Harper. Pinapangaralan ba siya nito?

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now