Chapter 194

871K 31.6K 40.5K
                                    

A/N: NO EDIT! Hindi pa ko tapos sa pagpapahirap kay Jay-jay. Hahahaha 😂😂😂😂...

Last cry

Jay-jay's POV

Panay ang katok nila Tita sa kwarto ko. Alam kong gusto nila kong maka-usap pero pinili kong hindi sila harapin. Nilakasan ko ang volume ng music sa cellphone ko.

Nakasalpak ang headset sa tenga ko. Ayokong makarinig ng kahit ano. Tanging Rock music lang ang gusto kong marinig sa mga oras na to.

Hay... Parang dati lang.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may dumating na text message.

From: Ci-N
Message: Pasok kna, please... 😢😢

Binura ko agad ang message nya. Dalawang araw na kong hindi pumapasok. Nawalan na ko ng gana sa maraming bagay at kasama na don ang pumasok sa school.

Para saan? Para makita sila? Para makita sya? Hindi na!

Minsan iniisip ko nalang na tapusin nalang ang buhay ko pero hindi pa pwede. Gusto ko pang makita at makasama si Papa, kahit sandali lang.

Napatingin ako sa pinto ng bigla nalang bumukas yun. Ni-lock ko yun----Sira na yung doorknob! Galit na pumasok si Aries at agad akong kinwelyuhan. Tinanggal ko ang headset sa tenga ko at kinwelyuhan din sya.

Suntukan?! Suntukan?!

"Alam mong buhay si Percy at alam mo din ang kwento namin! Bakit wala ka man lang sinabi sakin?!" Galit na sabi nya at sinandal ako sa pader.

Buong lakas ko syang tinulak habang nakahawak sa damit nya. Sinabayan ko din ang masamang titig nya.

"Bakit?! Sinabi mo ba sakin na andito lang sa malapit si Papa?! Sinabi mo ba saking anak ako sa labas?! SINABI MO BA SAKING KAPATID KITA?!" Galit na sagot ko sa kanya. "...Kaya wag kang magreklamo! Patas lang tayo!"

Lalung tumindi ang galit nya sakin. Tinulak ulit nya ko pasandal sa pader pero sinabayan ko yon. Namumuka tuloy kaming bata na nagtutulakan.

"STOP IT!" Malakas na sigaw ni Kuya Angelo at agad na lumapit samin.

Kasunod nya si Tita Gema na naki-awat na rin samin. Pilit nila kaming pinag-hiwalay. Pumagitna si Kuya at hinarang ang dalawang braso nya samin. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Explain yourself, Aries." Mahinahong utos ni Kuya.

Hindi sya sumagot, nanatili din syang nakatingin sakin ng masama. Kung nagkataon lang na hindi agad dumating si Kuya baka nag-suntukan na kami dito.

Kahit kapatid ko pa sya!

Hindi ako magdadalawang isip na paduguin ang nguso nya. Tutal sya at si Mama naman may kasalanan ng lahat ng paghihirap ko ngayon. Yung makabawi man lang ako kahit isang suntok lang.

"Anu bang nangyayari?" Biglang singit ni Mama na mukang kakarating lang. "...bakit ganito yung doorknob?"

Sinira ng magaling mong anak!

"Hindi ka talaga magsasalita?" Iritableng tanung ni Kuya at bumaling sakin. "...anung ginawa ni Aries?"

Hindi ako sumagot, agad akong dumiretso sa banyo at nagkulong. Ayoko sanang umalis ng bahay pero hindi ako makakatagal ng ganito. Tapos hindi pa ko tinatawagan or tinetext ni Percy.

Agad akong naligo at nag-ayos. Paglabas ko ng banyo wala na sila at sarado na ang pinto----kayalang sira na ang doorknob.

Ang lakas ng tama ng Aries na yon. Wala na naman yata sya sa sarili nya kaya nagawa nyang pumasok dito at pagsalitaan ako ng ganon. Magkakaibigan talaga sila, pare-pareho silang baliw.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon