Chapter 201

861K 30.3K 27.2K
                                    

A/N: NO EDIT! Sorry for the wrong spelling and grammar.

Angelo's rule

Jay-jay's POV

Sabado nga pala ngayon. Wala pasok, kaya dapat walang gigising sakin ng maaga. Ang hindi ko maintindihan ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko na halos ibalibag na ng kung sino at naging dahilan yun para magising ako.

Tinignan ko yung Hudas----kung sino man sya----na nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Palibhasa sira na yung doorknob kaya madali ng mabuksan.

Si Aries... Kayalang Taurus ako eh!

"Bumangon kana daw at mag-almusal." Inis na sabi nya sakin at agad ding lumabas.

"Abnormal." Bulong ko sa unan.

Napilitan akong bumangon agad kahit sa totoo lang gusto ko pang magpaka-lunod sa kama. Marami pa naman sana akong balak gawin ngayon; matulog, matulog, matulog at matulog.

Sa banyo ako dumiretso para mag-ayos. Nagpalit na rin ako ng damit bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagdating sa Dining, kumpleto sila----and that's include Kuya Angelo.

Patay...

Masama ang tingin nya sakin. Alam ko namang nakarating na sa kanya yung hindi ko pagpasok ng school. One week, solid yun! Kaya solid din ang parusa nya sakin, sigurado ako.

"Jay..." Tawag sakin ni Mama pag-upo ko. "...samahan mo kami ng Tito Andy mo. Titignan namin yung magiging bahay namin."

"Hindi ba kayo makaka-lakad ng wala ako?" Bored kong tanung.

"Jay!" Sita sakin ni Kuya.

Wala na ba kong kakampi dito sa bahay? Si Tita Gema sana pero hindi naman sya maka-kontra kay Mama. Si Lola sana pero umuwi na sya ng probinsya.

Ako nalang talaga mag-isa...

Napayuko nalang ako habang kumakain. Hindi ako maka-palag sa kanila. Mukang mapipilitan talaga akong sumama sa trip nitong Mama ko at bagong asawa nya. Wala naman na sigurong lalala pa sa pangyayaring to.

"Sasama ka din Aries." Dagdag ni Mama.

Whaaaaaaaatttt?!

"Ayoko nga." Mabilis na sagot ni Aries.

Ayoko din!

"Sumama ka Aries." Utos ni Kuya. "...Kung ayaw mong bawiin ko ang kotse mo."

Kita'ng kita ko kung panung huminga ng malalim si Aries para pagilin ang galit. Gusto kong matawa ng malakas. Yung pakiramdam kasi ng hindi lang ikaw yung madalas kinakagalitan sa pamilya.

Pero ayoko talaga syang kasama.

"Kasama naman pala sya baka pwedeng hindi na ko sumama?" Tanung ko at agad na nagsalubong ang kilay ni Kuya.

"Sasama ka." Utos nya.

Hinintay ko kung may kadugtong ba yung sasabihin nya kagaya kay Aries. Pero mukang wala syang maidugtong. Wala akong kotse na pwede nyang bawiin, hindi nya pwedeng liitan ang baon ko dahil nanghihingi ako ng pera kay Percy----oo, hinihingan ko sya!----wala rin naman syang mapapala kung paghihigpitan nya ko dahil madalang sya umuwi ng bahay.

"Panu kung hindi?" Hamon kong tanong.

Tinitigan ako ng masama ni Kuya. Para bang nakuha nya yung paghahamon na ginagawa ko sa kanya.

"Kung hindi ka sasama..." Panimula nya at bigla nalang pumungay ang mata. "...Sa kwarto ka ni Aries matutulog."

WHAAAAAAATTTTTTT?! AYOKO! AYOKO! AYOKO!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon