1

5.2K 124 19
                                    

JISOO

Naglalakad ako papasok sa trabaho ng biglang magring ang cellphone ko. Sinagot ko ito agad ng makita ko ang pangalan ni Jennie.

"Hello Jen? Bakit?" tanong ko.

"Jisoo. Wag kang mabibigla ha." sabi niya kaya napakunot noo ako.

"Ano ba yun? Dalian mo. Malelate na ako."

"He's back. Tumawag siya kanina kay Jimin and he's inviting us for his welcoming party."

Bigla akong napatigil sa paglalakad. Pakiramdam ko bigla na lang lalabas ang kaluluwa ko. Halo halo din ang nararamdaman ko ngayon. Saya, lungkot, pagkasabik, kaba at takot.

Three years na pala ang lumipas. Ang bilis. Parang kahapon lang nung iniwan niya ako. Sariwa pa din ang sakit.

Flashback

Three years ago..

Nakaupo ako sa harapan ni Josh. Tinawagan ko siya kanina para sabihin na magkita kami.

"May sasabihin ka di ba? Ano yun?" bigla akong kinabahan ng tanungin niya ako.

"I'm sorry Josh." nakayukong sabi ko. "I realized na mas mahal ko pa din si Vlad. I'm so sorry." naiiyak na sabi ko.

"I know." gulat akong napatingin sa kanya. "Hindi ka naman manlalamig sa akin kung ako talaga." ngumiti siya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. "Halika na. Ihahatid kita sa airport."

"Huh?" taka kong tanong. Ipapatapon ba niya ako sa ibang bansa?

"You didn't know?" siya naman ang nagulat ngayon. "Ngayon na ang alis ni Vlad pa america."

Shit! Trapik pa! Vlad. Please wait for me. Hintayin mo ako.

"Hindi sinasagot nila Jimin ang tawag ko." sabi ni Josh. Kanina pa niya tinatawagan ang mga kaibigan namin pero wala man lang ni isa ang sumasagot.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now