2

2.2K 109 34
                                    

JISOO

"Are you sure you're coming?" napatingin ako kay Lisa na nakasilip sa pintuan ng kwarto. "Are you ready to see him?"

Ngumiti ako sa kanya bago ako naglagay ng lipgloss sa labi ko.

"Siguro naman friends kami at invited ako di ba?" pagbibiro ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm just wearing a black dress. Formal daw ang party niya kaya naman medyo nag ayos ako ngayon.

Huminga ako ng malalim bago bumaba sa kotse ng boyfriend ni Lisa.

"Ready ka na?" tanong sa akin ni Lisa pagkababa ko.

"Una na kayo. Magpapahangin lang ako saglit." nakangiting sabi ko.

Nauna na ngang umalis sila Lisa. Ngayon nakatingin lang ako sa labas ng bahay nila. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o uuwi na lang. Kung papasok ako sasaktan ko lang ang sarili ko pero kapag umuwi ako magmumukha akong bitter. Hay.

"Jisoo." papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Josh." nakangiting sabi ko at niyakap siya.

Medyo matagal na din kaming hindi nagkikita ni Josh. Lumipat kasi ako sa ibang ospital.

"Kamusta?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Ito maganda pa din. Joke!" tumawa kami pareho.

"I miss you Jisoo. Ang tagal mong hindi nagparamdam." nagtatampong sabi niya.

"Busy sa work eh."

"Oh nauna na pala kayong mag reunion dyan ah." napatingin kami kina Jimin at Jennie.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Marami na ang bisita.

"Sabi nila Raphael nandito na sila eh." sabi ni Jimin at luminga linga sa paligid. "Oh! Ayun pala!"

Naging instant reunion ang gabing ito para sa amin. Hindi na kasi kami masyadong nagkikita dahil lahat kami ay mga busy na.

"Nakita niyo na ba si Vlad? Nasaan na siya?" tanong ni Jimin kina Raphael.

"Nandito kanina eh. Hinahanap nga kayo. Umalis lang sandali para asikasuhin ang ibang bisita." sagot ni Raphael.

"Hi guys!" bigla akong nanigas nang marinig ko ang boses niya mula sa aking likod.

"Vlad!" nakita kong tumayo sila Jennie, Jimin at Josh para batiin siya.

"Long time no see! Hindi ka din nagparamdam." dinig kong sabi ni Jimin.

"Medyo busy eh." busy sa babae mo? Tss. "Hi Jisoo."

Tumayo ako at nilingon siya. Hindi dapat ako ganito. Dapat ipakita ko sa kanyang masaya ako.

"Hi Vlad. Long time no see." nakangiting sabi ko bago siya halikan sa pisngi.

"Yeah. Long time no see." seryoso niyang sabi sa akin. "Enjoy the night. Maraming pagkain at drinks sa buffet."

---------------

"Jisoo! Tama na nga. Ang dami mo nang nainom." pigil nila sa akin.

"Ang OA niyo guys! I'm perfectly fine, okay? Wag nga kayong paranoid." naiiling na sabi ko bago inumin ang hawak kong wine.

Si Vlad? Ayun! Pinapakilala sa buong angkan niya si Monique. Tss.

Nakakaimbyerna! Hanggang ngayon ang plastic pa din niya. Pagbuhulin ko silang dalawa eh.

"Can't believe na magkakatuluyan din pala sila Vlad at Monique. Tadhana nga naman." naiiling na sabi ni Johnny.

"Maybe they're meant to be." sabat ni Stan.

Natawa ako ng mahina. Sige lang! Ipagsigawan niyo pa sa pagmumukha ko. Ininom ko na ang pang sampung baso ng wine ko. Hindi naman ako ganito dati. Mabilis lang akong malasing pero ngayon iba na. Feeling ko kayang kaya kong ubusin lahat ng wine dito.

Tumayo sila at nagsayaw sa dance floor. Love song ang tugtog kaya nakakabitter.

"Jisoo, gusto mong sumayaw?" napatingin ako kay Josh. Tumango ako sa kanya.

"Paano kaya kung ikaw ang pinili ko?" tanong ko sa kanya habang nagsasayaw kami.

"Lasing ka na nga." natatawang sabi niya.

Lumapit ako lalo sa kanya at niyakap siya habang patuloy sa pagsasayaw. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa baywang ko.

"No I'm not." sabi ko at pumikit. "I'm just thinking, siguro kung ikaw ang pinili ko masaya tayo ngayon at baka nagbabalak ng magpakasal." natawa ako pero pinipigilan ko din ang maluha.

"Jisoo."

"Shh." pigil ko sa kanya. "Let me stay like this for a while. Gusto kong marealize yung sinayang ko." naramdaman kong tumulo ang mga luha ko kaya naman pasimple ko itong pinunasan.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay bigla akong nagsisi. Nasa harapan ko lang naman sila Vlad at Monique na magkayakap din. Nagtama ang mga mata namin ni Vlad kaya agad kong inalis ang tingin sa kanila.

"Restroom lang ako." paalam ko kay Josh.

Wag kang iiyak Jisoo, ginusto mo yan eh. Binigyan ka ng pagpipilian pero sinayang mo. Ikaw lang ang dapat sisihin sa nangyayari sa iyo ngayon.

Nag retouched ako bago lumabas sa CR para hindi mahalata na umiyak ako.

Paglabas ko ay nagulat ako dahil may sumalubong sa akin at tinulak ako papasok ulit sa loob. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lalaking pumasok dito. Narinig kong nilock niya ang pinto.

"S-sino ka?" kinakabahang tanong ko.

"Don't be so scared darling. Relax ka lang." nakangising sabi niya. "Kanina pa kita napapansin dito sa party eh. You look so pretty." umatras ako ng lumapit siya sa akin.

Sisigaw na sana ako ng bigla niyang takpan ang bibig ko. Oh my God! Please help me!!



---------------

LISA

Napatingin ako kay Josh dahil kanina pa siya hindi mapakali.

"Josh, okay ka lang?"

"No. Nag aalala ako kay Jisoo sabi niya kanina mag ccr siya pero hanggang ngayon hindi pa din siya bumabalik."

Napatayo kami agad ng bigla kaming makarinig ng mga sigaw.

"Vlad! Tama na!"

"Oh my God! Pumutok na yung labi ni Henry!"

Nagkatinginan kaming lahat bago lumapit sa kumpulan. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may binubugbog na lalaki si Vlad.

"F*ck you Henry!" sigaw ni Vlad bago sinuntok ulit ang lalaki.

"Jisoo!" napatingin ako kay Josh nang sumigaw siya.

I saw Jisoo seating on the ground. Hawak niya ang damit niya na napunit. Gulo gulo ang buhok niya at umiiyak siya. Agad kaming lumapit sa kanya.

"What happened?" nag aalala naming tanong.

"H-he a-almost r-raped me." nanginginig na bulong ni Jisoo at napahagulgol ulit.

Inawat nila Jennie at Rose ang mga kaibigan naming lalaki na nakibugbog na din sa lalaking Henry yata ang pangalan. Niyakap ko si Jisoo.

"F*ck you! Si Jisoo pa talaga?!" galit na sigaw ni Vlad.

Hindi na nakasagot ang lalaki dahil mukhang nahimatay na yata. Pito ba naman ang bumugbog sa kanya. Tama lang yan sa kanya. Rapist!

Love Me Again (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora