23

1.5K 76 6
                                    

JISOO

Nahiga agad ako sa kama ng makabalik kami sa hotel na tinutuluyan namin after ng conference na dinaluhan namin. Nakakapagod, kahit maghapon lang naman akong nakaupo pakiramdam ko na drain ang utak ko sa dami ng topic na pinag usapan kanina. Hindi ko tuloy maiwasang hindi humanga kay Jaden. Imagine, ilang taon na niyang ginagawa ito.

Pipikit na sana ako nang maalala ko si Vlad. Patay! Hindi pa nga pala ako nakakatawag sa kanya simula kahapon.

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag at hindi na ako nagulat ng makita ang sandamakmak ng text at missed calls ni Vlad. Tinawagan ko agad siya at pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot na din niya agad.

"Mabuti naman naalala mo pang may boyfriend kang naghihintay sa tawag mo." bungad niya sa akin.

"Sorry baby. Sobrang busy kasi at saka sobrang pagod kaya naman hindi ko na nahahawakan ang cellphone ko. Nakakatulog kasi ako agad pagbalik namin dito sa hotel." paliwanag ko pero buntong hininga lang ang narinig ko sa kabilang linya. "Baby, sorry na oh. Wag mo na akong awayin. Miss na miss na kita." pinalungkot ko ng todo ang boses ko.

"I miss you more. Buti naman tumawag ka na ngayon dahil kung hindi magkikita na tayo dyan bukas. Tss."

"I love you babe. Wag ka ng magalit ha. Kahit naman hindi ako nakakapagtext at nakakatawag sayo ikaw pa din ang mahal ko."

"Tss." Singhal niya kaya natawa ako. "Alam na alam mo talaga kung paano mawawala ang tampo ko sayo eh no." lalo akong napangiti.

"Kumain ka na ba?"

"Tapos na kanina pa. Nag dinner kami sa labas nila mommy. Ikaw?"

"Hindi pa. Wala akong gana kumain."

"Kumain ka. Kahit naman miss na miss mo na ako kailangan mo pa ring kumain."

"Ang yabang." natatawang sabi ko kaya natawa din siya.

"Bumalik ka na dito. Miss na miss na kita."

"Ilang araw pa. Wag kang mambabae dyan ha!"

"Ikaw ang wag maghanap ng hapon dyan, bahala ka malaki akong kawalan hahahahaha." pagyayabang niya kaya lalo akong natawa.

"I love you so much babe. Can't wait to see you again." malungkot kong sabi.

"Wag ka ngang ganyan! Kapag ako hindi nakapagtiis magkikita na talaga tayo bukas."

"Pwede ba?" tanong ko. Gusto ko na din siyang makita. Miss na miss ko na siya.

"Gusto mo ba? Hindi ba kita maiistorbo kung susunod ako dyan?" napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"I'm just kidding. Sige na. Ibababa ko na ito. Inaantok na talaga ako. I'll call you again tomorrow. I love you baby." hindi ko na hinintay na sumagot siya.

Napatitig ako sa kisame at ramdam na ramdam ko ang pangungulila kay Vlad. Ngayon ko lang narealize na mas minamahal ko siya kaysa noon.

I miss you so much baby. I wish you're here.

----------------

VLAD

Napatitig ako sa cellphone ko nang ibaba na ni Jisoo ang tawag.
Huminga ako ng malalim bago pumunta sa kwarto nila daddy.

"Dad?" Tawag ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto nila. "Dad?"

"Son. Bakit?" Tanong ni Dad ng buksan niya ang pinto.

"I'm sorry to disturb you Dad but can I go to Japan?"

"What? Why are you going to Japan baby?" tanong ni Mommy na lumabas din ng marinig ako.

"Gusto kong puntahan si Jisoo, Mom. Can I?" hindi ko na kakayanin kapag hindi ko pa siya nakita.

"But I thought Jisoo is there for her work. Hindi mo ba siya maiistorbo?" nag aalangang tanong ni Daddy.

"No. I'll behave. Please Dad, Mom." pakiusap ko.

Nagkatinginan sila at napabuntong hininga na lang.

"Okay. But behave baby okay. Wag mong guluhin si Jisoo sa work niya."

Nakangiti ko silang niyakap. They're the best.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now