14

1.6K 82 3
                                    

JISOO

Pagkatapos kong magtimpla ng kape at maghanda ng sandwich ay dumiretso na ako sa office ni Jaden. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

"Come in." dinig kong sabi ni Jaden.

Pumasok ako at nilagay na agad sa mini table ang dala ko. Hindi ko na sila pinansin at palabas na sana nang marinig kong nagsalita si Jaden.

"Ms. Villarama." tumingin ako sa kanya, base sa nakikita ko ay nagtataka siya kung bakit ganito ang asta ko ngayon.

"Yes sir?"

"Pumunta ka sa finance office. Get a copy of financial statement for this week."

Tinanguan ko na lang siya at umalis na agad dahil ramdam ko ang titig sa akin ni Vlad. Nakahinga lang ako ng maluwag pagkalabas ko sa office.

After kong makuha ang mga papeles na kailangan ni Jaden ay dinala ko ito agad sa kanya.

Isang oras ang lumipas bago lumabas si Vlad sa office ni Jaden. Tumayo ako at bahagyang yumuko sa kanila. Hinatid ni Jaden si Vlad hanggang sa elevator.

Nginitian ko si Jaden nang makita kong palapit siya sa akin.

"Do you know him?" tanong niya.

"Huh?"

"Kilala mo ba si Vlad?"

"Ah oo. Kaibigan namin siya." pilit akong ngumiti sa kanya.

Nakita kong kumunot ang noo niya kaya alam kong hindi siya naniniwala na magkaibigan lang kami ni Vlad.

"Friends? Ganun na pala ang mga magkakaibigan ngayon." tumango tango pa siya na para bang pinapaniwala ang sarili niya. "By the way, how's your first day?"

"Okay naman. Medyo boring nga eh, wala akong magawa. May iuutos ka pa ba sir?"

"Wag mo na akong tawaging sir kapag tayo lang ang magkasama."

"Okay sige, Jaden." nakangiting sabi ko.

"Alam ko namang mas gusto mo akong tawaging bugnutin." sabi niya kaya naman napasimangot ako.

"I'm trying to be professional no!"

"Whatever. Mamayang hapon ba may meeting ako?"

Kinuha ko ang tablet na binigay niya sa akin. Doon ko daw ililista ang mga appointment niya.

"Meron. Mamayang 2pm may meeting ka sa CEO ng Airbase Company."

"Mag lunch ka na muna. Sasama ka na sa meeting ko mamaya."

"Okay. Eh ikaw? Hindi ka pa ba kakain? Bilhan kita ng lunch?" tanong ko.

Nandito ako sa loob ng office ni Jaden ang sabi niya kasi kanina ay sabay na lang kami mag lunch at magpapadeliver na lang daw siya dahil tinatamad siyang lumabas.

Malaki ang office niya. Black and white ang motif. Lalaking lalaki talaga ang dating.

"Jaden!" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot niya pero sa laptop pa din niya nakatutok.

"Di ba 24 ka pa lang? Nasaan ang parents mo? Wala ka bang kapatid?" usisa ko sa kaniya. Ilang buwan na din kaming magkakilala pero hindi ko pa alam ang mga bagay bagay tungkol sa kanya.

Inalis niya ang tingin niya sa laptop at tumingin sa akin. Nangalumbaba siya bago sumagot.

"Why are you interested?"

"Wala lang. Naisip ko lang, ilang buwan na tayong magkakilala pero wala pa akong alam tungkol sayo. I mean about your personal life." kibit balikat kong sagot.

"If I will answer your questions, can I ask you too?"

"Deal." nakangiting sagot ko.

"Yes, I'm 24 years old. My parents died in a car accident 3 years ago and I don't have siblings." napatango ako sa sagot niya. "Now, it's my turn to ask you."

"Sige."

"Ex boyfriend mo ba si Vlad?" natigilan ako sa biglaang tanong niya. Wala man lang preno, direct to the point agad. Wala namang masama kung aamin ako.

"Yes. Ex ko siya."


---------------

Hindi ko na mabilang kung nakailang hikab na ako sa meeting na ito. Grabe! Ganito ba lagi ang meeting? Nakakaantok! Nandito kami sa isang five star restaurant kung saan ginaganap ang meeting ni Jaden at ng CEO ng Airbase Company na si Mr.Yakamura.

Medyo matanda na si Mr. Yakamura kaya medyo mabagal siyang magsalita which is nakakaantok para sa akin pero si Jaden ayun mulat na mulat. Sanay na sanay na talaga siya sa mga ganito.

Sinusulat ko lang ang ilang mga mahahalagang bagay na napag uusapan nila.

Grabe lang! Ngayon ko lang narealize kung gaano talaga kayaman itong si Jaden. Madaming hawak na iba't ibang business ang company nila.

May mga restaurants, resorts, hotel, schools, hospitals, airport at kung anu ano pa. Nakakaloka ang yaman ng lolo niyong bugnutin.

"Sir Jaden." naiihi na kasi ako kaya magpapaalam muna ako.

"Yes?" tanong niya habang binabasa ang mga binigay na papeles ni Mr.Yakamura.

"Comfort room lang muna ako."

"Okay."

Tumayo na ako at nagpaalam din kay Mr.Yakamura. After kong mag cr ay naghugas ako ng kamay pero natigilan ako ng makita ko ang babaeng pumasok din dito sa loob.

"Oh! Hi Jisoo." nakangiting bati niya pero alam kong plastic na ngiti lang iyon.

"Hi Monique." binigyan ko din siya ng pekeng ngiti at palabas na sana nang hawakan niya ako sa braso.

"Leave Vlad alone." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko na nga sila inaano eh! "Just stay away from us Jisoo! Ako na ang mahal niya." kaloka siya ha! Bigla bigla na lang nag eeskandalo!

"Wait lang ha." tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak pa din sa akin. "First of all, hindi ko nilalapitan si Vlad. Pangalawa, hindi ko kayo inaano and last kung ikaw na ang mahal niya ngayon kahit magkita at mag usap pa kami wala ka ng kailangang intindihin pa." nilagay ko sa bibig ko ang kaliwang kamay ko at umaktong nagulat. "Threatened ka ba?"

Napangisi ako ng makitang naiinis na siya sa akin. We're same Monique. Same.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now