15

1.7K 81 14
                                    

JISOO

Nandito na ako sa labas ng company, nagtext kasi si Josh na susunduin niya ako kaya naman hinihintay ko siya. 4pm pa lang pero pinag out na ako ni Jaden may kailangan pa daw kasi siyang asikasuhin.

Napangiti ako ng makita ko na ang sasakyan ni Josh.

"Hi sweetheart." bati niya sa akin pagkababa niya sa kotse at pinagbuksan na ako ng pintuan.

Pagkasakay ko ay sumakay na din siya at nagmaneho.

"How's your first day?"

"Okay lang. Maaga akong pinauwi ni Jaden dahil may aasikasuhin pa daw siya. Ikaw?"

"Okay lang din. Medyo madaming pasyente kanina dahil may banggaan malapit sa ospital." base sa pagsasalita niya ay mahahalata mong pagod na nga siya.

"Saan ka uuwi ngayon? Sa bahay niyo o sa unit mo?" tanong ko.

"Sa unit ko. Umalis na kasi sila Mama nung isang araw at pinagbakasyon ko muna si yaya Fe."

"Diretso tayo sa unit mo. Ipagluluto kita ng dinner." nakangiting sabi ko kaya napangiti din siya.

Sa supermarket muna kami pumunta dahil ubos na daw ang stocks niya. Namimili na kami ng mga pagkain nang makasalubong namin sila Vlad at Monique.

"Josh, Jisoo." bati sa amin ni Vlad. Nakipag fist bump sa kanya si Josh.

Palihim akong inirapan ni Monique kaya inirapan ko din siya.

"May pupuntahan pa ba kayo after nito? Let's have dinner together." sabi ni Vlad habang nakapila kami sa counter.

"Didiretso kami sa unit ni Josh eh, may usapan na kami na doon mag dinner mamaya. Next time na lang." sagot ko agad kay Vlad dahil kapag si Josh pa ang sumagot ay malamang papayag siya.

"What? Anong gagawin niyo doon? Kayong dalawa lang?" ewan ko pero parang iba yung tono ng salita ni Vlad. Para bang.. Ay basta!

"Magluluto lang at kakain." pinasadahan ko ng tingin si Monique. "Don't worry Vlad, sa next na pagkikita natin binata pa din itong si Josh. Hindi naman kasi ako katulad ng iba dyan na nang aakit kapag nakapagsolo na ng lalaki."

"Pinaparinggan mo ba ako?" mataray na tanong ni Monique.

"Bakit? Tinatamaan ka ba?" painosente kong tanong para lalo siyang mainis.

"Kahit naman hindi mo na ako akitin sweetheart." Josh whispered to me that makes me giggle kaya naman pabiro kong pinalo ang braso niya.

Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang tingin sa amin ni Vlad. Nagpaalam na kami sa kanila at pumunta na sa unit ni Josh. Pagkarating namin ay sinabihan ko siyang magpahinga muna at tatawagin ko na lang siya kapag okay na ang pagkain. Nung una ay ayaw niya pa at tutulungan na lang daw niya ako pero pinilit ko siya kaya ayun nagpapahinga siya sa sala.

Nagluto lang ako ng paborito niyang sinigang. After kong maghain ay tinawag ko na siya.

"Bakit kaya ganun si Vlad?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.

"What do you mean?"

"Parang may kakaiba sa kanya eh. Kung hindi ko lang alam na sila na ni Monique iisipin kong nagselos siya kanina." natatawang sabi niya.

Kailan kaya babalik ang mga alaalang nawala kay Josh? Feeling ko ang unfair ko sa kanya dahil hindi ko sinasabi ang totoo. Ang alam niya kami pa kahit ang totoo ay nagbreak na kami 3 years ago.

Im sorry Josh.

------------------

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may nakalimutan akong gawin na file. Sa sobrang excited ko umuwi ay nakalimutan kong may pinapakuha pala si Jaden sa Production team.

"Excuse me miss." napatingin ako sa nagsalita.

Bumungad sa akin ang isang magandang babae. Halatang mayaman siya base sa kutis at pananamit niya. Ang ganda ha!

"Good morning ma'am. What can I do for you?"

"Nandyan na ba si Jaden?" akalain mong may chix pala ang isang yun.

"Wala pa po ma'am eh."

"Saan ko kaya siya pwedeng hintayin?"

Itinuro ko ang waiting area kay ma'am ewan ang name at naupo naman siya doon. Mukha naman siyang mabait kahit mayaman siya. Buti na lang hindi siya nagsuplada sa akin.

Hindi nagtagal ay dumating na din si Sir Jaden. Kumunot ang kanyang noo nang mapansin niya si ma'am maganda.

"Jaden." napatayong bigla si ate at hahakbang na sana pero pinigilan agad siya ni boss.

"What are you doing here? I told you to stay away right?" Lakas maka english ng lolo niyo oh. Halata namang hindi siya natutuwa sa bumungad sa kanya.

Nung pakiramdam ko eh isa akong malaking harang sa kanilang dalawa ay lalayo na muna sana ako pero pinigilan din ako ni Jaden. Hilig niya mamigil ha.

"No. Stay there Jisoo." sabi ni Jaden pero hindi sa akin nakatingin. "Ikaw ang umalis Ellaine."

"But Jaden, can we talk? Kahit saglit lang." pagmamakaawa nung Ellaine. Alangan ako di ba?

"Wala tayong pag uusapan." malamig na sabi ni Jaden bago dumiretso sa loob ng office niya.

Ano kayang meron sa kanila? Mag ex siguro?

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now