25

1.7K 74 10
                                    

VLAD

Isang buwan na mahigit ang lumipas nang makabalik kami ni Jisoo dito sa Pilipinas at talagang naninibago ako sa inaasta niya ngayon.

"Vlad! Ang baho ng niluluto mo! Itapon mo yan!" napailing na lang ako.

Ito na ang pang limang ulam na niluto ko para sana sa dinner namin pero gusto niyang itapon ko na naman. Huminga ako ng malalim at pinuntahan siya sa sala. Nanonood siya habang pinapapak ang strawberry jam na hawak niya.

"Baby." umupo ako sa tabi niya. "Let's meet a doctor tomorrow okay?"

Sumimangot siya at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi ako nababaliw Vlad!" sigaw niya sa akin kaya nagulat ako. "Bakit mo ako dadalhin sa doktor? Siguro ayaw mo na sa akin." naluluhang tanong niya kaya nataranta ako.

"Of course not baby. I love you, okay?"

"Eh bakit mo nga ako dadalhin sa ospital?! Hindi ako nababaliw. Ayaw ko lang talaga nung amoy ng mga niluluto mo. Nakakainis ka!" pagmamaktol niya at hinampas ako sa braso.

"Baby, listen to me okay." pagpapakalma ko sa kanya. "I know your not crazy. Kaya gusto kong dalhin ka sa doktor para masigurado kung buntis ka. Malakas kasi ang pakiramdam kong may nabuo na tayo. You have mood swings, maselan ka din sa mga kinakain mo at iyang strawberry jam. Isang buwan ka ng nagpapapak niyan." pagpapaliwanag ko.

Saglit siyang napaisip bago nanlaki ang mga mata niya.

"Oh my God!" sigaw niya at binitawan ang hawak niyang jam. "Oo nga no! Bakit hindi ko naisip agad ang mga symptoms ng buntis? Oh my God Vlad! Baka nga buntis ako!" masayang sabi niya kaya napangiti ako.

I'm happy to know that she's happy in the idea of having our first child.

Natigilan ako ng makita ko ang lungkot sa mga mata niyang kanina lang ay masaya. Bigla tuloy akong kinabahan. Magagalit ba siya dahil nabuntis ko agad siya ng hindi pa kami kasal?

"Baby, how about our parents? I mean, baka magalit sila." kinakabahang sabi niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan iyon.

"I'm sure they'll be happy. Lalo na sila Mommy at Daddy. Alam mo namang botong boto sila sayo." nakangiting sabi ko.

--------------

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa ospital na pagmamay ari ng pamilya namin.

"Pare!" bati ni Louie ng makita ako. "Hindi ka papasok? Hi Jisoo." nginitian siya ni Jisoo bilang tugon sa kaniyang pagbati.

"Hindi na muna. Nandyan na ba si Doktora De Guzman?" nahalata kong nagulat siya dahil hinanap ko ang isa sa magaling na OB-Gyne dito sa ospital.

"Ah oo. Kadarating lang."

Pumunta na kami sa office ni Dra. at nandoon na nga siya.

"Good morning Dra." nakangiting bati ko.

"Oh hi Vlad. Hi pretty lady." nakangiting bati niya sa amin.

"Hello po."

"You have a beautiful girlfriend. Kaya pala maaga mo akong pinapasok ha." natatawang sabi niya.

Nagsimula na ang mga lab test ni Jisoo at nagsimula na din akong kabahan.

I'm going to be a Daddy. Kahit wala pa ang resulta ay ramdam na ramdam ko na iyon.

Isipin ko pa lang na magkakaroon na kami ng pamilya ni Jisoo ay hindi ko na maiwasan ang makaramdam ng sobrang kasiyahan at excitement.

"Kinakabahan ako baby." niyakap ko si Jisoo nang makabalik siya sa tabi ko.

"I know baby. Ako din naman pero mas lamang ang saya." nakangiting sabi ko.

"So, the result is here." agad kaming napatingin sa doktora ng makabalik siya. "Congratulations! You're three weeks and three days pregnant." nakangiting anunsiyo ng doktora.

-------------------

JISOO

"Congratulations! You're three weeks and three days pregnant."

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa naman halata pero sobrang saya ko na. May buhay na sa loob ng tiyan ko. Ang magiging buhay namin ng pinakamamahal kong lalaki.

"Are you happy?" nakangiting tanong ni Vlad habang nagmamaneho pauwi sa bahay nila.

"Sobra baby. I'm so excited to see our baby." tuwang tuwang sagot ko.

"Mom and Dad will be happy too. Matagal na silang nanghihingi ng apo." natatawang sabi niya kaya natawa din ako at na excite lalo ipamalita sa mga taong malalapit sa amin ang blessing na dumating sa buhay namin.

I promise to take care of you baby..

Pagdating sa bahay nila Vlad ay nakaramdam ako ng kaba. Paano kapag pagalitan kami? Paano kung mag iba ang tingin sa akin ng parents niya dahil hindi pa naman kami kasal ay magkakaanak na kami? Paano kung ayawan nila ako? Ang baby ko?

Ayaw ko sanang mag isip ng mga negative na bagay pero hindi ko maiwasan.

"Are you okay baby?" napatingin ako sa kamay ko na hawak na ngayon ni Vlad.

"Kinakabahan ako sa totoo lang." pag amin ko.

"You don't have to, okay? Let's go?"

Tumango ako bilang sagot. Bago kami tuluyang pumasok sa loob ay huminga muna ako ng malalim.

"Mom, Dad we're here." sigaw ni Vlad.

"Omo! Baby! Hi Jisoo!" nakangiti si Tita Nica habang pababa sa hagdan. Kasunod niya si Tito Vladimir na nakangiti din sa amin.

Niyakap ako ng mahigpit ni Tita Nica kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Hello po Tita, Tito." nakangiting bati ko.

"Mabuti naman nakabisita ka Jisoo. Nag aalala ako dito sa anak ko parang nawawala sa sarili kapag hindi ka nakikita." natatawang sabi ni Tito kaya natawa din kami ni Tita.

"Dad!" napapahiyang saway ni Vlad sa daddy niya. "By the way, may gusto kaming sabihin ni Jisoo kaya pumunta kami dito." panimula ni Vlad at inakbayan ako.

Naupo kami sa sala at doon saglit na natahimik. Pag alis ng katulong na naghatid ng miryenda ay saka lang ako naglakas loob na magsalita.

"Tita, Tito ano po kasi eh." kinakabahan na naman ako.

"Jisoo's pregnant with my child." pinanlakihan ko ng mata si Vlad dahil hindi man lang siya nagpreno muna bago sabihin iyon.

Napatingin tuloy ako kina Tita at Tito na ngayon ay gulat na gulat.

"Mom? Dad?" pag agaw pansin ni Vlad sa parents niya dahil lumipas na ang ilang minuto wala pa din silang reaksyon.

"Oh my God!" gulat pa ding sabi ni Tita. "Did I heard it right? Magkakaapo na kami?"

"Opo Tita. Sorry po kung.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ulit akong yakapin ng mahigpit ni Tita.

"Thank you for giving us a grandchild Jisoo. You two are blessing to our family." naiiyak na sabi niya.

"Thank you Tita." niyakap ko na din siya.

"You should plan the wedding too." sabi naman ni Tito.

Nakahinga ako ng maluwag dahil tanggap kami ng pamilya ni Vlad. Akala ko magagalit sila at sasabihing disgrasyada ako pero nagkamali ako.

They love us baby..

Love Me Again (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant