24

1.8K 76 34
                                    

JISOO

"Thanks for today Jisoo. Mukhang tatagal pa tayo ng ilang araw dito. May mga investors pa kasi na gustong makipagmeeting."

Matatagalan pa kami dito? Gaano naman kaya katagal? Miss na miss ko na si Vlad.

"Sige, Jaden."

Pumasok na ako sa kwarto ko. Bigla tuloy akong nanlumo. Pakiramdam ko sobrang tagal ko na dito. Iniikot ko saglit ang leeg ko at nag unat. Nakakapagod talaga umattend sa mga conference. Nakakatuyo ng utak. Maghuhubad na sana ako para maligo nang may mapansin ako.

Napatingin ako sa kama ko at talagang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"V-vlad?" gulat pa ding tanong ko.

Nakahiga pa din siya sa kama ko at todo ang ngiti sa akin.

"Hi baby."

"P-paano? Bakit ka nandito?" gulat ko pa ding tanong pero nakaramdam ako ng saya.

"Para namang ayaw mo akong makita." nakasimangot na sabi niya at bumangon.

"Baby." naluluhang tawag ko sa kanya.

Naghalo halo na ang nararamdaman ko ngayon. Yung pagod, saya, pangungulila at antok. Niyakap ko siya ng mahigpit na ginantihan din niya agad.

"I miss you." dinig kong bulong niya.

"I miss you too."

Gusto kong sermunan si Vlad dahil nag leave siya sa trabaho pero hindi ko magawa. Nangingibabaw pa din kasi yung saya ko dahil kasama ko na siya ngayon.

"Thank you baby. Salamat kasi nandito ka." hindi na yata ako matatapos sa pagpapasalamat sa pagmamahal na ipinapakita at pinaparamdam sa akin ni Vlad.

I'm lucky to have him.

"Ikaw pa ba?" mayabang na tanong niya kaya natawa ako. "You know I'll do everything for you." sinsero niyang sabi kaya naman lalo pang nadagdagan ang pagmamahal ko para sa kanya.

Unti unti siyang lumapit sa akin at hinalikan ako. Damang dama ko ang pag iingat at pagmamahal sa bawat halik niya kaya ganun din ang itinugon ko.

"I love you baby." bulong niya ng saglit na maghiwalay ang mga labi namin.

"I love you too." nakangiting tugon ko.

-----------------

Kinabukasan ay damang dama ko ang sakit ng buong katawan ko. Napatingin ako sa lalaking natutulog nang mahimbing sa tabi ko.

Vlad and I just did it.

Hindi pa din ako makapaniwala na sa ilalim ng kumot na ito ay wala kaming ibang suot ni Vlad. Imbes na magsisi ay sobrang kasiyahan pa ang nararamdaman ko.

I'm happy because you're my first Vlad but I'm more than happy being your first.

Nakangiti kong hinawakan ang mukha niya. Ang mga mata niya, ang mahahabang pilik mata, ang matangos na ilong at ang labi niyang hinahanap hanap ko. Babangon na sana ako para maghilamos ng higpitan lalo ni Vlad ang pagkakayakap sa akin.

"Where are you going?" he asked in a husky voice kaya bigla akong namula ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.

"I'm just going to take a bath. Aalis na kami mamaya para sa conference."

"Are you okay? Wala bang masakit sayo?" nag aalalang tanong niya.

"I'm okay." nakangiting sagot ko. "Medyo masakit lang yung ano pero okay lang naman ako."

Nakangiti siya habang nakatitig sa akin.

"I love you baby."

"I love you too."



--------------
Okay! May nangyari na sa dalawa pero hindi ko kayang idetalye pa hahahahaha.

What will happen next? May happy ever after na ba o may darating pa ding problema?

Btw guys, i have a new story. My boyfriend is a ghost? Syempre VSoo pa din with Red Velvet Irene and Samuel Kim. Please, support it too. Thanks 😘😘😘

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now