21

1.6K 78 17
                                    

Special thanks to lilychubs for making my new book cover.. Salamat ulit 😊😊😊😊


-----------------

JISOO

Napangiti ako ng makita ko si Vlad. Sa wakas, nagkapareho din ang rest day namin. Halos isang buwan kasi kaming hindi nagkita dahil masyado siyang busy sa ospital. Minsan pa nga straight duty siya dahil sa sobrang dami ng pasyente. Namimiss ko siya pero iniintindi ko na lang dahil alam kong mas kailangan siya doon.

"Good morning baby." matamis ang ngiti niya ng batiin ako.

"I love you." nangingiting sabi ko kaya todo din ang ngiti niya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan ng mariin.

"I love you so much." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. "Where do you want to go?" tanong niya habang pasakay kami sa kotse niya.

"Kahit saan basta kasama ka." nakangiting sabi ko kaya natawa siya.

"Miss na miss mo ako ha!" natatawang sabi niya. "Let's just stay in my unit. Movie marathon tayo."

"Sure."

Last week lang lumipat si Vlad sa unit niya. Pagkarating namin sa unit niya ay naghanap ako agad ng pwedeng kainin habang siya naman ay pumipili ng movies.

"Baby!" dinig kong sigaw niya mula sa sala. "Do you want to watch love stories?"

"I want action baby!" nakangiting sigaw ko habang nandito sa kusina at nagluluto ng popcorn.

Pagbalik ko sa sala ay namimili pa din siya ng panunuorin.

"Not yet done?" tanong ko at naupo sa tabi niya sa lapag.

Bigla akong natawa ng makitang puro love stories ang CD's niya.

"Seriously baby?" natatawa ko pa ring tanong.

"Tss. Wag mo nga akong tawanan baby." naaasar na sabi niya. "Lokong Jimin yun. Sabi niya paborito ng lahat ng babae ang love stories. Tch." inis na bulong niya kaya natawa ako lalo.

"I do love watching love stories baby." nakangiting sabi ko.

"Huh? I thought you like action movies?"

"I love watching our love story." kinikilig kong bulong sa kanya.

Tinignan niya ako saglit bago ngumiti at tumawa.

"I'm happy. Mabuti naman at ako ang leading man sa love story mo." bulong niya din sa akin kaya nagkatawanan kami.

Maghapon kaming nanood ng movies. Sa totoo lang para ngang wala akong nagets sa pinanood namin dahil panay ang pangungulit sa akin ni Vlad pero kahit ganun ay masaya pa din ako.

"What do you want to have for dinner?" tanong niya matapos akong paupuin sa high chair na nasa center table.

"Ipagluluto mo ako?" gulat kong tanong.

"Yup. Para lalo kang mainlove sa akin."

"Tss. Baka gayumahin mo ako ha?" biro ko.

"Kailangan pa ba nun?" mayabang na tanong niya kaya nagkatawanan kami.

Napabuntong hininga ako habang pinapanood siyang magluto. Siguro ngayon ko na sasabihin ang tungkol sa business conference na pupuntahan namin ni Jaden sa Japan.

"Hmm, baby." tawag ko sa kanya.

"Yes baby?" tanong niya nang hindi ako nililingon at busy sa niluluto niyang sinigang.

"Aalis ako." napahinto siya sa ginagawa saka dahan dahang humarap sa akin.

"Where are you going?" kunot noong tanong niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang sandok na hawak niya at ipinatong muna sa lamesa bago ko hawakan ang mga kamay niya.

"I have to go with Jaden for a business conference." nag iwas siya ng tingin bago magsalita ulit.

"Ilang araw?"

"Actually, two weeks yun. Tatlong company kasi ang kailangan naming puntahan." napakamot ako sa likod ng tainga ko.

"Ganun katagal?"

"Kailangan baby eh. I'll call you everytime I'm free." niyakap ko siya nang mahigpit na agad din niyang tinugunan. "I will surely miss you."

"I'll miss you more baby." bumuntong hininga siya. "Be a good girl okay. Wag kang hahanap ng iba doon." biro niya.

"Hindi na ako maghahanap pa ng iba." bahagya akong lumayo sa kanya. "Ikaw lang sapat na." nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya sa akin bago ako halikan.

"I love you, Jisoo."

"I love you too, Vlad."

Love Me Again (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora