29

1.5K 73 1
                                    

VLAD

Nasa opisina ako nang makatanggap ako nang tawag na manganganak na si Jisoo. Dali dali akong umalis at nagdrive papunta sa ospital kung saan siya dinala ni Mommy.

Pinagpapawisan ang mga kamay ko sa kaba pero mas lamang pa din ang excitement dahil sa wakas makikita ko na ang baby boy namin.

Wait for me anak..

Pagdating ko sa delivery room ay nasa labas silang lahat. Agad akong nilapitan ni Mommy.

"Anak, pumasok ka na. Naglalabor na siya."

Tinanguan ko silang lahat at dali daling pumasok sa loob. Gusto kong yakapin si Jisoo nang makita ko siyang naghihirap.

"Honey, I'm here." hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay.

"V-vlad." hirap niyang tawag sa pangalan ko.

"Okay misis. Ire lang po tayo ha. Iwasan po ang pagsigaw para hindi kayo madaling mapagod." sabi ng doktora. "One, two, three, ire!"

Naramdaman ko ang pagbaon ng mga kuko ni Jisoo sa kamay ko nang umire siya.

"Isa pa misis."

Pagkatapos ng ilan pang ire ay sa wakas narinig ko na ang unang iyak ng anak ko. Naiiyak ako sa sobrang kaligayahan.

"I love you Jisoo." bulong ko sa aking asawa at niyakap siya.

Pinanood kong linisan ng mga doktor ang anak ko habang si Jisoo ay nakatulog sa sobrang pagod. Lalo akong napangiti nang iabot sa akin ng nurse ang anak ko. Ingat na ingat ako nang buhatin siya.

Nakuha niya kay Jisoo ang kanyang labi. Samantalang ang mga mata ay sa akin.

Nailipat na sa isang private room si Jisoo. Aliw na aliw sila Mommy sa anak namin. Kumpleto din ang mga pinsan at kaibigan namin.

"Congrats bro."
"Congrats Vlad."

Nginitian ko sila. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. I'm so blessed to have Jisoo and my son in my life. Wala na akong ibang mahihiling pa. I feel complete.

"Anong pangalan niya hijo?" tanong ni Mama Melinda.

"Zachary Harvy po Ma." nakangiting tugon ko.

Noong nakaraang linggo lang namin tuluyang napagdesisyunan ang pangalan niya. Umalis saglit sila Mama para sumama sa mga nurse nang kunin nila si Zachary at dalhin sa nursery room.

"Honey." napangiti ako nang makitang gising na si Jisoo. "How are you feeling? Are you okay? Wala bang masakit sayo?" nag aalalang tanong ko.

"I'm fine hon. Si baby?"

"Nasa nursery room for observation. Maya maya ay babalik na din yun." nakangiting sagot ko at hinalikan ang kanyang noo. "Thank you honey, thank you for giving me a wonderful son."

"And I'm blessed that you are the father of my son." Hinalikan ko si Jisoo sa kanyang labi.

I really love her.

----------------

JISOO

Napangiti ako nang makita si Mama na karga karga ang anak ko. Kapapasok lang nila dito sa kwarto ko.

"Ang gwapo niya pinsan." tuwang tuwang sabi ni Jennie.

Lalo akong napangiti nang iabot sa akin ni Mama si Zachary at dahan dahan ko siyang binuhat. Ang lambot niya. Nakakatakot na baka maihulog ko siya. Mahimbing ang tulog niya. I kissed his forehead.

I love you baby..

After two days ay nakalabas na din kami sa ospital. Dumiretso kami sa mansiyon nila Vlad. Doon muna kami mag sstay para may makatulong daw ako sa pag aalaga kay Zach. Nandoon din sila Mama at Papa. Nakakatawa dahil parang ayaw na nilang mahiwalay sa kanila ang apo nila.

Nakangiti ako habang nakatingin sa pamilya ko. Wala na akong mahihiling pa. Sobrang sarap sa pakiramdam na makitang ganito kami kasaya.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now