7

1.6K 98 26
                                    

JISOO

"Vlad?" huminto kami ni Vlad sa tapat ng sasakyan niya.

Siya ang humila sa akin palayo sa mga tao kanina.

"Sakay." utos niya sa akin pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng kotse niya.

Tumingin ako sa paligid. Wala si Monique dito.

"Sakay!" nagulat ako ng sumigaw siya kaya naman sumakay na lang ako.

Pinaandar niya agad ang kotse nang makasakay na din siya.

"Paano mo nalaman na nandoon ako?" tanong ko sa kanya.

"I saw it in TV. Ano na namang plano mo Jisoo? Why are you still involving yourself in this kind of situation?" inis na tanong niya sa akin.

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Wow ha! Sorry po. I didn't know na may holdaper na pala akong kasama sa jeep. Sorry talaga ha! I'm not informed eh." sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Edi sana binigay mo na ang pera at wallet mo! Paano kung may ginawa sa iyong masama ang mga lalaking yun? Paano kung balikan ka nila kapag nakalaya sila? What are you going to do?"

Napapikit ako ng mariin.

"Pwede ba Vlad. Don't act na concern na concern ka sa akin. I'm tired. Galing ako sa trabaho tapos heto at muntik pang maholdap. Kung sesermunan mo lang ako, I don't need it."

"Jisoo."

"Stop the car." putol ko sa sasabihin pa niya.

"No. Let's talk.."

"I said stop the car! Bababa ako!" sigaw ko sa kanya.

Bumaba ako agad nang ihinto niya ang kotse.

"Jisoo, please." hinawakan niya ako sa braso ng maabutan niya ako.

"No." tinitigan ko siya sa mga mata niya. Those eyes. "Ako ang makikiusap sayo. Please Vlad, just leave me alone. Kung pwede lang ayaw na kitang makita." pinatatag ko ang boses ko kahit malapit na akong pumiyok dahil pinipigilan ko ang mga luha ko. "I just want to move on from everything.. You know what? Alam mo bang sumunod ako sayo sa america? Alam mo ba yun? Alam mo ba na ikaw sana yung pipiliin ko noon?" tanong ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga traydor kong luha. "Alam mo bang handa na akong i-risk ulit ang lahat makasama ka lang?"

"Jisoo." lalapit sana siya sa akin pero pinigilan ko agad siya.

"Sabi mo bago ka umalis after three years at pareho pa din tayong single we will try again." pinunasan ko ang mga luha ko na patuloy pa din sa pag agos. "But you didn't tell me kung paano ako. Paano ako kung may mahanap kang iba? Ano na lang ang gagawin ko? Two months Vlad. Two months pa lang mula nung umalis ka, bakit naghanap ka agad ng iba? Tapos ngayon bigla kang dadating, para ano? Para ipamukha sa akin na kailangan kita? Para ipamukha sa akin na hindi ko kaya kapag wala ka? Kasi kung tatanungin mo ako.. I need you. I need you Vlad." bulong ko sa kanya. Pagod na ngiti ang pinakita ko sa kanya. "But I know, I'm not the one you need. After three years, ngayon ko lang sasabihin ito.. I'm finally letting you go now Vlad. So please, let me go too."

Naglakad na ako palayo sa kanya. Palayo sa lalaking minahal ko ng sobra. Palayo sa lalaking magiging bahagi na lang ng alaala ko.

-----------

VLAD

Hinagis at tinapon ko lahat nang makita ko dito sa kwarto ko. Bakit? Bakit kailangang humantong kami sa ganito?

"Aaahhhh!" sigaw ko bago unti unting napaupo sa sahig.

Her tears. The way she looks at me. Gustong gusto ko siyang yakapin kanina ng makita kong umiiyak siya. I want to hug her. I want to be the one who wipes her tears. I want to kiss her. I want to tell her that everything will be fine. I want to tell her that I need her too. That I love her. I still love her.

I hurt her and now she's finally letting me go.

Kinuha ko galing sa closet ko ang malaking picture frame na nakadikit dati sa dingding. Nandito lahat ng alaala namin. I miss her. I miss everything about her.

Darating pa kaya yung araw na ngingitian at titignan niya ako ng ganito? Yung puno ng pagmamahal? Yung puro saya lang. Yung kaming dalawa lang ang magkasama.

I'm so sorry for hurting you so much, Jisoo.

-------------

Short update. Eh kasi naman naiyak talaga ako sa scene na ito. Ajujuju! Gusto ko ng tapusin para matapos na ang paghihirap nila. Ang sakit sa kalooban huhu.

Love Me Again (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora