18

1.6K 76 7
                                    

JISOO

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito. Napailing ako ng makita kung sino ang tumatawag.

Vlad calling..

Sobrang tiyaga niya. Ilang linggo na niya akong tinatawagan pero wala akong sinasagot miski isa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

Nang huminto ang pagring ay nagvibrate naman ito kaya binasa ko kung sino ang nagtext.

From: Vlad
Jisoo, please answer my calls. I'm worried. Text back please.

Nasaktan ko na noon si Josh dahil hindi siya ang pinili ko at ngayon ay nasaktan ko na naman siya kaya pakiramdam ko wala akong karapatang sumaya.

"Jisoo." narinig ko ang boses ni Lisa sa labas ng kwarto ko.

"Pasok."

"Alam mo na ba?" nag aalangan pa siya kung sasabihin niya sa akin o hindi.

"Ang alin?" kunot noong tanong ko.

"Ngayon na ang alis ni Josh papuntang London."

Bigla akong napatayo mula sa pagkakahiga ko.

"Huh? Sinong nagsabi?" bigla akong nataranta. Hindi pwedeng umalis si Josh nang hindi man lang ako nakakapag sorry.

"Si Jin. Hinatid nila sa airport."

"Nandoon pa ba sila?"

Nagpasama ako kay Lisa na pumunta sa airport. Kailangan ko siyang mahabol. Kailangan kong magsorry sa lahat ng sakit na dinulot ko sa kanya.

"Nakausap ko na si Jin, nandoon pa daw sila pero after 30 minutes aalis na si Josh kaya kailangan nating bilisan." sabi ni Lisa.

"Kuya pakibilisan please." sabi ko sa taxi driver.

Patakbo akong pumasok sa airport pagdating namin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sila na nakaupo sa waiting area. Si Jin lang ang kasama niya, ganun ba siya kagalit sa akin na ayaw niyang ipaalam sa iba pa naming kaibigan na aalis siya?

"J-josh." nanginginig ang boses ko ng tawagin ko siya.

Gulat siyang napatingin sa akin.

"Jisoo. Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Josh.

"Aalis ka ba dahil sa akin? Aalis ka ba kasi sinaktan na naman kita?" umiiyak kong tanong sa kanya. "Josh, I'm sorry. I'm sorry kasi paulit ulit kitang sinasaktan. Sorry kasi palagi kitang iniiwan sa ere. Sorry sa lahat. Kung aalis ka talaga sana maging magkaibigan pa rin tayo. Sana mapatawad mo ako."

"Huh? Ano bang sinasabi mo Jisoo?" naguguluhang tanong niya. "Napatawad na kita, okay?" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. "At hindi ako aalis."

"Huh? Ang sabi ni.. Eh bakit nandito ka?" bigla tuloy akong napatigil sa pag iyak.

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Darating ang parents namin ni Kuya Jin."

"Lisa!!" tinignan ko ng masama si Lisa.

"Sorry." sabi niya at nag peace sign. "Ang emo mo kasi eh. Gusto ko lang malaman mo na pinapatawad ka na ni Josh."

"You can start again Jisoo." nabalik ang tingin ko kay Josh nang magsalita ulit siya. "With the one who you truly love."

Gusto ko sanang matuwa sa sinabi niya pero naalala ko si Monique.

"Hindi pwede eh. Masasaktan si Monique." malungkot kong sabi.

"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Vlad?" napatingin ako kay Jin nang magsalita siya. "Break na sila last week, kaya nga pumoporma sayo kahit pa alam niyang kayo nitong kapatid ko."

"Choose your happiness Jisoo." nakangiting sabi ni Josh.

Nginitian ko siya at niyakap nang mahigpit. I'm lucky to have him.

-----------------

Nakangiti ako habang nakatayo dito sa harap ng gate ng bahay nila Vlad. Ang sarap sa pakiramdam dahil alam kong malaya na ako ngayon at wala nang masasaktan pang iba. Naisip kong tawagan si Vlad kanina pero hindi ko na tinuloy. Gusto ko siyang sopresahin.

Nagdoorbell ako at lumabas naman ang guard.

"Ma'am Jisoo? Pasok po kayo." napangiti ako lalo dahil naalala ako ng guard.

"Nandyan ba si Vlad kuya?" tanong ko.

"Wala si sir eh. Umalis kanina." sabi ng guard sabay kamot sa batok.

"Ah sige. Hihintayin ko na lang siya sa loob."

Hinayaan ako ng guard na pumasok sa bahay nila Vlad. Wala pa ding pinagbago dito, ganun pa din bukod na lang sa nadagdag na mga halaman.

"Jisoo hija!" napatayo ako ng makita ang mommy ni Vlad.

"Tita Nica." niyakap ako ng mahigpit ni Tita.

"Im so glad to see you again hija. Nakakatuwa na nandito ka." nakangiting sabi niya sa akin.

Nagpahanda si Tita ng miryenda at pumunta kami sa garden para mag usap habang hinihintay ko si Vlad.

"Sa totoo lang nalungkot talaga ako ng malaman kong hindi kayo nagkabalikan ni Vlad noon." napatingin ako kay Tita ng magsalita siya, nakatingin lang siya sa mga bulaklak na tanim niya. "Noong nagpasya siya na pumunta sa US natuwa ako dahil finally makakasama namin siya doon. Sobrang lungkot niya, palagi niyang tinitignan ang mga pictures ninyong dalawa. Then Monique came, naisip ko she can help my son to move on kaya naman pinilit ko siyang lumabas kasama ni Monique. Naging sila pero hindi ko na ulit nakita simula noon yung saya na nakita ko noong ikaw ang kasama niya."

Akala ko noon ako lang yung hindi masaya. Akala ko nahanap na talaga ni Vlad yung para sa kanya pero nagkamali ako. Ang dami na ng panahon na nasayang para sa amin.

"Bumalik siya dito at alam kong ikaw pa din ang mahal niya kahit hindi niya sabihin." tumingin sa akin si Tita at hinawakan ang dalawang kamay ko. "I've waited for this day hija." naluluhang sabi niya. "Yung makita ko ang totooong saya sa mga mata ng anak ko, and I know ikaw lang ang makapagbabalik noon."

"Sorry Tita. Sorry kasi nasaktan ko ang anak niyo. I can't promise not to hurt him but I will do my best to love him. Papalitan ko ng saya yung mga panahong malungkot siya. Pupunuan ko yung pagmamahal na hinahanap niya." napangiti si Tita at niyakap ako ulit.

"Nandito na siya Jisoo. Pasayahin mo ang anak ko. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal niya para sayo." bulong sa akin ni Tita kaya kinabahan ako.

Nandito na siya?

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now