17

1.6K 77 13
                                    

JISOO

"F*ck you Vlad!" nagulat na lang ako nang bigla kong marinig ang boses ni Josh at ang pagbagsak ni Vlad sa sahig.

"J-josh." kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Kailan pa? Kailan pa Jisoo?!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. "Kailan niyo pa ako niloloko?!"

"Josh, magpapaliwanag ako." sinubukan kong lumapit sa kanya pero lumayo siya at sinuntok ulit si Vlad. "Josh tama na!" naiiyak kong sigaw.

"Hayop ka Vlad! Kaibigan kita pero anong ginawa mo?! Pati girlfriend ko sinusulot mo!" galit galit na si Josh at ayaw niyang magpaawat.

"Bakit hindi mo tanungin si Jisoo kung kayo pa ba talaga?" nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Vlad.

Nalipat ang tingin sa akin ni Josh.

"Anong ibig sabihin niya Jisoo?"

"Josh, wag dito please. Nakakahiya."

"Nakakahiya?!" tumawa siya habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya. "Nahihiya ka ngayon pero hindi ka nahiya na may kayakap kang ibang lalaki samantalang may boyfriend kang tao?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal siya.

"Alam mong hindi ako ganyang klase ng babae Josh. Bakit ganyan ka? Hindi mo man lang ba pakikinggan ang paliwanag ko?" umiiyak kong sabi sa kanya. "Sa lahat ng tao Josh, ikaw pa talaga ang nag isip nang ganyan sa akin."

Tumakbo ako palabas ng restaurant na iyon. Kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kakaiyak ay nakauwi naman ako ng maayos sa apartment namin.

Wala pa sila Lisa at Rose doon. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob.

"Jisoo!" narinig ko ang boses ni Vlad sa labas habang kumakatok. "Open this door! Let's talk!"

"Just leave me alone Vlad!" sigaw ko pabalik. "Gusto ko munang mapag isa."

Nang wala na akong narinig na ingay sa labas ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paghagulgol. Bakit napakakumplikado ng lahat? Bakit parang hindi na ako sasaya? Bakit puro na lang sakit?

-------------

Nagising ako na maga ang mga mata. Nakatulugan ko na pala ang pag iyak. Napatingin ako sa taong nagbukas ng pinto.

Josh?

"Pinapasok na ako ni Lisa." sabi niya at nilagay sa side table ang dala niyang pagkain. "I'm sorry." sabi niya pagkaupo niya sa tabi ko. "Sobrang nagselos lang talaga ako sa nakita ko kagabi. May nagtext sa akin na magkasama kayo doon, ayaw kong maniwala pero may nagpadala ng picture sa akin kaya pinuntahan ko kayo. Okay lang naman sa akin na magkita kayo pero yung makita kong magkayakap pa kayo habang nagsasayaw?" tumigil siya at tinitigan akong maigi. "Sobrang sakit. Sobrang sakit kasi alam kong siya ang first love mo at mahirap pantayan yun." pinunasan niya agad ang luhang pumatak sa pisngi niya. "Palagi kong tinatanong kung ano bang kulang sa akin? Bakit hindi ako? Bakit hindi kita makuha ng buo? Bakit hindi pwedeng ikaw at ako lang?"

"Josh." kung hindi pa niya pinunasan ang luha ko ay hindi ko pa malalamang umiiyak na naman ako. Pakiramdam ko manhid na ako.

"Pero kagabi nalaman ko ang sagot sa lahat ng tanong ko." ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Kasi hindi ako si Vlad. Ganoon lang kasimple. Si Vlad pa din ang mahal mo at kung sa kanya ka talaga sasaya, I'm willing to set you free. Kahit sobrang sakit para sa akin, gagawin ko para sumaya ka."

He kissed my forehead kaya naman lalo akong napaiyak.

"I love you Jisoo. Goodbye." huling sabi niya bago umalis.

Napahagulgol na naman ako. Bakit parang hindi nauubos ang luha ko? Ayaw ko na. Sobrang sakit na. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko hindi ko na kakayanin ang sakit.

Nasaktan ko na naman si Josh. Si Josh na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Yung lalaking sobra ding nasasaktan dahil ako ang minahal niya.

------------

Ilang linggo na ang lumipas simula nung araw na yun. Yung araw na binitawan na ako ng tuluyan ni Josh. Wala na akong balita sa kanya. Palagi akong kinakausap ng mga pinsan ko pero lagi lang akong tulala.

"Hindi pwede ang ganyan sa trabaho." napatingin ako kay Jaden ng magsalita siya.

"Sorry."

"Okay ka lang ba talaga? Pwede ka ng mag out kung gusto mo?"

"Okay lang ako sir."

"Okay pero tulala? Broken hearted ka ba?"

Nang marinig ko ang salitang yun ay naiyak na naman ako.

"Oh shit! Broken hearted nga!" dinig kong sabi ni Jaden. "Hey! Sorry na." natatarantang sabi niya ng hindi pa din ako tumigil sa pag iyak.

"Nakakainis ka! Pinaalala mo pa!" pinalo ko siya sa braso niya.

Wala na akong paki kung may makakita man sa akin na pinapalo ko ang big boss.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now