4

1.8K 94 12
                                    

JISOO

"Josh? Anong ginagawa mo dito? Pasok ka."

"I brought you breakfast." nakangiting sabi niya.

Nandito kami ngayon sa apartment namin nila Lisa at Rose.

"Mukha na ba akong hindi kumakain?" natatawang tanong ko sa kanya.

Isang buwan na din ang lumipas simula nung party sa bahay nila Vlad. Nagkatrauma ako matapos ang nangyari sa akin noon. Ilang linggo din akong hindi makausap, hindi makakain at hindi makatulog.

Thanks to Josh and my friends na tinulungan akong makalimot agad.

"Alam ko kasing graveyard shift ka ngayon at tatamarin kang maghanda ng breakfast kaya dinalhan kita." sabi niya habang inaayos ang mga pagkain na binili niya sa akin.

Sobrang maalaga talaga ni Josh at aaminin ko na isa ito sa mga namiss ko noong kami pa.

"Pinapamukha mo ba sa akin ngayon ang sinayang ko?" biro ko na ikinatawa na lang niya.

Kumain na kami ng dinala niyang one bucket chickenjoy at burger.

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

Nilunok niya muna ang kinakain niya bago sumagot.

"Restday. Namimiss ka na ng mga co-nurse natin."

"Sa restday ko dadalaw ako doon."

Pagkatapos naming hugasan ang pinagkainan namin ay umupo muna kami sa sofa sa sala at saglit na nagkwentuhan.

"Are you sure okay ka lang dito? Baka mabored ka." inaantok na kasi ako kaya naman sinabi kong umuwi na siya pero sabi niya dito lang siya.

"Ang sakit ha. Ayaw mo ba ako dito?" natawa ako ng magpout siya. "Sige na. Matulog ka na. Aalis din ako maya maya."

"Okay. Lock the door when you leave." paalala ko sa kanya.

------------

Nagising ako ng maramdaman kong naiihi na ako. After ko mag cr ay humiga ako ulit sa kama ko nang maalala ko si Josh.

Bumangon ako ulit para tignan kung nandito pa siya. Anong oras na ba?

Nakita ko siyang natutulog sa sofa kaya naman napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid niya. Bahagya pa siyang nakanganga kaya naman tawang tawa ako pero pinipigilan ko din na gumawa ng ingay dahil baka magising siya.

Aalis na sana ako ng mapansin ko ang mga papel na nagkalat sa lamesa. Tss. Nagkalat pa siya. Naiiling na sabi ko habang nakatingin kay Josh, ngumiti muna ako bago ko ayusin ang mga papel pero napahinto ako ng makita kong may nakasulat sa mga ito.

Dear Sweetheart,

Alam kong huli na ang lahat para gumawa pa ng love letter but do you still remember what day is it today? Happy 4th anniversary sweetheart. Kahit wala na tayo, gusto ko pa din icelebrate yung araw na ito. The day when I can call you mine.

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, ipapakita ko sa iyo lahat ng pagmamahal na meron ako para sa iyo.

Pero tinatanong ko din ang sarili ko kung saan ba ako nagkulang. Bakit hindi pa din ako ang pinili mo? Bakit siya pa din?

Pero dahil mahal na mahal kita hindi ako nagtanong. I don't complained.

Sana kung mababasa mo ang sulat na ito, sana pag isipan mo kung gusto mo pa akong bigyan ng second chance. I can't move on Jisoo. Hindi ko kayang mapunta ka sa iba without trying my best to have you again.

I love you Jisoo. I miss my sweetheart.

Love,
Josh

After kong basahin ang sulat niya ay nagsituluan din sa papel ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napatingin ako kay Josh na mahimbing na natutulog sa harapan ko ngayon.

How can I hurt him so much? Bakit ko nagagawang saktan siya ng ganito? I don't deserve him. I don't deserve his love.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now