16

1.7K 80 10
                                    

JISOO

"Okay ka lang sir?" simula nung umalis si Ellaine ay parang wala na sa sarili itong si Jaden. Ang weird nga eh. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"She's my ex. Ex fiancé to be specific." kahit malayo yung sagot niya sa tanong ko ay inintindi ko na lang.

"Anong nangyari?"

Kinuwento sa akin ni Jaden ang lahat. Kung saan niya nakilala si Ellaine, kung paano naging sila at kung paano sila naghiwalay. Kahit malungkot ang kwento niya ay hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako na nag oopen na siya sa akin ng mga ganitong bagay.

"So, iniwan ka niya kasi ang akala niya ampon ka lang?"

"Yes. Nung mga panahong yun isa lang ang inisip ko. Mukha siyang pera. Pera ko lang ang habol niya." nandoon pa din yung galit sa mga mata niya kahit pa 5years ago na silang hiwalay.

"Baka naman may iba pang dahilan tapos sumabay lang na akala niya ampon ka." sabi ko para naman medyo kumalma siya.

"Hindi. Kahit naman noon pa ayaw na din nila mommy sa kanya. Kaya nga niloko niya si Ellaine at sinabing ampon ako para malaman kung mahal niya talaga ako and I'm thankful na ginawa yun ni mommy kasi kung hindi.. nabubuhay pa din ako sa kasinungalingan hanggang ngayon." medyo napangiti na siya kaya naman napangiti din ako.

Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit naging ganito siya. Kung bakit naging masama ang ugali niya. Naranasan niyang maloko nang babaeng mahal na mahal niya kaya siguro nahihirapan din siyang makipagkaibigan ngayon. Mukhang takot na siyang masaktan at maloko ulit.

"Thank you for sharing your story with me Jaden. I appreciated it. Masaya ako kasi kahit dumaan ka sa ganoong pagsubok sinubukan mo ulit magtiwala sa ibang tao. Masaya ako kasi ako yun." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Saglit kaming nagkatinginan bago siya tumawa.

"Pang best actress ang speech ha." tumatawang sabi niya kaya wala na din akong nagawa kundi ang makitawa. Baka mapahiya siya eh huehue.

------------

Nandito ako sa tapat ng building at naghihintay ng taxi. Naka duty pa kasi si Josh kaya hindi niya ako masusundo. Si Jaden naman ay nauna nang umalis kanina dahil may emergency daw.

Napatingin ako sa kotseng nasa harapan ko ng bumusina ito. Nakita ko si Vlad na nasa drivers seat.

"Need a ride?" tanong niya habang nakasilip sa bintana.

"Hindi na. Magtataxi na lang ako."

"Halika na. Wala nang taxi ngayon, mahihirapan kang mag commute."

At dahil gusto ko na din namang magpahinga ay sumakay na ako. Mag iinarte pa ba ako? Tsaka isa pa, gusto kong maging civil na kami ni Vlad sa isa't isa. Alam niyo yun? We can't be lovers kaya sana kahit friends man lang tulad nung dati.

"Gusto mo mag dinner muna?" tanong niya habang nakatutok sa harapan.

"Libre mo ba?" biro ko.

"Sure." nakangiting sabi niya.

Sa isang fine dine restaurant kami pumunta ni Vlad.

"Good evening ma'am, sir." bati ni Kuya waiter.

"Table for two." sabi ni Vlad sa waiter.

Pinaghila ako ni Vlad ng upuan. Siya na ang nag order para sa amin since hindi ako pamilyar sa mga pagkain dito. Napangiti ako ng maalala kong ito ang unang beses na kakain kami sa ganito. Puro kasi Jollibee ang request ko sa kanya dati.

"Bakit?" napatingin ako kay Vlad nang magsalita siya.

"Ha?"

"Why are you smiling?"

"Ah wala. Naalala ko lang kasi dati nung tayo pa palagi tayong sa Jollibee kumakain, ngayon lang tayo napadpad sa ganito." natatawang sabi ko pero napatigil din ako ng ma realize ko ang sinabi ko.

Pagtingin ko kay Vlad ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya naman kinuha ko na lang ang isang baso ng tubig sa harapan ko at ininom ito.

"Sorry Jisoo."

"Ha? Bakit?"

"Kung kailan wala na tayo saka kita dinala sa ganitong lugar." seryosong sbbi niya.

"Tumigil ka nga dyan. Okay lang. Isa pa ako naman lagi ang may gusto sa Jollibee di ba?" tumawa ako pero alam kong pilit lang iyon.

Kumain kami ng tahimik na para bang hindi namin kilala ang isa't isa. Nang matapos ay narinig namin ang pagtugtog ng isang piano. Napangiti ako ng marinig ko ang kantang iyon.

God gave me you..

Nagulat ako ng tumayo si Vlad at pumunta sa harapan ko.

"May I have this dance?" tanong niya.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong may ilan na ding couple ang nasa gitna para magsayaw kaya pumayag na din ako.

Hinawakan ko ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa gitna. Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at pagkatapos ay nilagay niya ang kanyang mga kamay sa aking baywang.

"Ngayon ko lang narealize na marami tayong hindi nagawa noong tayo pa." nakatitig siya sa akin habang sinasabi iyon.

Halo halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Lungkot, saya, pananabik, pangungulila at pagmamahal. Nginitian ko siya bago nagsalita.

"Kasi hindi tayo magtatagal kaya siguro hindi na tayo binigyan pa ng mga masayang alaala." napangiti ako ng mapait kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mata.

Kaagad pinunasan ni Vlad ang luhang iyon. Katulad pa din ng dati, palagi siyang nandyan para punasan ang mga luha ko.

"Kung maibabalik ko ang nakaraan.." huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Kung sana nakinig ako sayo noon na huwag ng tumuloy sa laban, sana tayo pa din hanggang ngayon. Sana ako pa din yung mahal mo. Sana ako yung kasama mong tumutupad sa mga pangarap mo. Sana, sana ako pa rin."

Ayaw ko ng umiyak pa sa harapan niya kaya naman niyakap ko siya. Niyakap ko siya habang nagsasayaw pa din kami. Kahit naman hindi ko aminin sa ibang tao, alam ko sa sarili kong mahal ko pa din ang lalaking ito. Nagpapanggap akong wala na. Akala ng iba masaya ako pero hindi. Akala nila naka move on na ako pero makita ko lang siya nararamdaman ko pa din yung pagbilis ng tibok ng puso ko tulad noon.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now