30 (Final Chapter)

2.2K 95 26
                                    

After five years..

JISOO

"Zach, dahan dahan baka madapa ka." nagpaalam si Zach na bababa muna para kumuha nang inumin.

"Yes Mom."

Napangiti ako. Limang taon na ang lumipas mula nang ipanganak ko si Zach at heto ang laki laki na niya. Nilingon ko ang kambal na ngayon ay natutulog sa kama nila.

Tatlong taon na si Zach noon ng ipanganak ko ang kambal namin ni Vlad. Sila Brian James at Brianna Louise.

Lalo akong napangiti nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likod.

"I love you hon." paglalambing ni Vlad.

"I love you too."

Nagsidatingan na din ang iba pa naming kamag anak. Ngayon ang second birthday ng kambal.

Binati ko agad sila at isa isang hinalikan sa pisngi. Two years ago nang ikasal si Jin at Rose. Last year naman ay sila Lisa at Josh ang ikinasal. Yes, silang dalawa ang nagkatuluyan.

Sila Jennie at Jimin naman ay tatlo na ang anak. Nakikipaglaro na si Zach sa mga pinsan niya. Tuwang tuwa sila habang pinapapak ang ice cream.

"Nasaan na ang kambal?" tanong ni Stan.

"Tulog pa." nakangiting sagot ko.

Stan is still single. Si Raphael ay may girlfriend na nasa Japan dahil doon ang trabaho nito. Si Johnny naman ay ikakasal na din next year pero may anak na din siya na kasing edad ni Zach. Medyo nagkaproblema kasi sila ng magiging asawa niya kaya next year pa matutuloy ang kasal.

Nagsimula ang party. Lahat ay masaya. Maging ang kambal ay sumali din sa games. Tuwang tuwa din sila sa mga clown lalo na nang mag magic ang mga ito. After ng games ay kinantahan namin sila. Halos maiyak ako nang makita ang tuwa sa mukha nang mga anak ko.

I'm so blessed to have them in my life.

Kung hindi pa ako niyakap ni Vlad ay hindi ko pa malalaman na tumulo na pala ang mga luha ko.

"Why are you crying hon?" nag aalalang tanong niya.

"I'm just happy. Thank you for being there for me hon."

"You know I'll always be here for you right?" nakangiting sabi niya. "I love you Jisoo Villarama Smith."

"I love you too Vlad Hernandez Smith." nakangiting sabi ko.

-------------------

THE END...

Salamat po sa pagsuporta! Hihihi. Tinapos ko na dahil baka masaktan ko na naman silang dalawa hahahaha.
By the way, gagawa ako ng story for the next generation featuring Zachary Harvy Smith.

Sino sa tingin niyo ang bagay na portrayer? Any ideas?

Salamat ulit guys!

Mr. Vlad Smith & Mrs. Jisoo Smith now signing off..

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now