13

1.5K 83 9
                                    

JISOO

Pagpasok ko sa restaurant kung saan namin napag usapan ni Jaden na magkita ay nakita ko agad siya. Infairness ha, ang aga niya. Hindi naman siya excited nyan no?

"Alam mo ang tagal mo." bungad niya paglapit ko sa kanya. "CEO ako. Ako dapat ang hinihintay." naiiling na sabi niya.

"Ang drama mo!" sabi ko sa kanya at naupo na sa kaharap niyang upuan. "Kasalanan ko bang inagahan mo pumunta?"

"Ano bang sasabihin mo?" inip niyang tanong sa akin.

"Napakabugnutin na nga, excited pa. Manlibre ka naman no! Makatikim man lang ako ng libre mo. Isa pa nagugutom na ako."

At dahil mukhang nagbabagong buhay na siya ay nanlibre nga ang lolo niyong bugnutin.

"Ang sarap." sabi ko at uminom ng inorder niyang pineapple juice.

"Saan mo ba dinadala ang mga kinakain mo? Napakapayat mo naman."

"Napakapayat talaga? Hindi ba pwedeng sexy?"

Umakto siyang nabulunan sa sinabi ko kaya napairap na lang ako.

"Sexy?" eskandalosong tanong niya sa akin. "Sexy ka na nyan? Ni wala ka ngang.."

"Hep! Tama na! Oo na. Alam ko naman yun wag mo ng ipamukha pa." pigil ko sa sasabihin niya.

Habang hinihintay ang dessert na inorder niya ay sinabi ko na ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa kanya.

"Really? Buti naman. Magpapahanap na nga sana ako ng secretary eh."

"Basta ha wag ka naman masyadong harsh sa akin. Baka naman sigawan mo ako ng sigawan."

"Depende. Kapag alam kong may mali sa ginagawa mo yari ka."


---------------

Kinabukasan ay pinag start na din agad ako ni Jaden. Binati ako ng mga empleyado at lahat naman sila mababait sa akin maliban na lang sa isa.

"Tss. For sure, talino ang nagdala sa isang yan. Hindi naman pumipili si Sir Jaden ng babaeng secretary di ba?" bulong ni Carla pero naririnig ko naman.

Bitter! Tss. Nalaman ko kasing ako ang kauna unahang secretary na babae ni Jaden kaya nag aampalaya mode siya.

Actually, wala pa nga si Jaden eh. Ang sabi ng isa kong katrabaho ay dumiretso na daw siya sa morning meeting niya at binilin niyang wag na muna akong sumama dahil hindi naman niya ako na inform kahapon kaya nakatunganga lang ako dito. Wala akong magawa. Sinilip ko ang office ni Jaden para sana magligpit or maglinis pero napakalinis na. Nahiya na lang ako sa kalinisan ng office niya.

11 am na ng dumating si Jaden.

"Good morning sir." pormal kong bati sa kanya.

"Good morning, pakisabi kay Mr. Smith na dumiretso na lang sa office ko." bilin niya at pumasok na sa office niya.

Mr. Smith??

Alam kong imposible na siya yun pero bakit feeling ko makikita ko siya ngayon? Jusme! Wag naman sana. Kahit si Tito na lang.

"Excuse me miss. Where is the CEO's office?"

Feeling ko bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Bakit? Bakit ang bilis ko naman siyang makita? Agad agad talaga? Kailangan talaga first day of work siya ang makasalamuha ko?

Nilingon ko siya since nasa likod ko siya. Gulat na gulat ang mukha niya ng makita ako.

Ako din naman no!

"Good morning Mr.Smith." pormal kong bati sa kanya na para bang hindi kami magkakilala. "Follow me."

Nauna na akong naglakad papunta sa office ni Jaden at binuksan ang pintuan. Tinitigan pa ako ni Vlad bago siya tuluyang pumasok.

And now I realized..

I still really love him..

Love Me Again (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن