10

1.6K 87 24
                                    

JISOO

Nakatulala lang ako sa harap ng bintana. Hay. Ang boring ng araw na ito. Rest day ko kasi kaso si Josh may pasok naman. Busy din ang mga pinsan ko sa kanya kanya nilang lovelife. Sila Jennie naman nasa Macau para sa family vacation.

Napatingin ako sa pintuan nang may biglang kumatok.

"Sino yan?" sigaw ko pero walang sumagot tanging pagkatok lang ang narinig ko.

Bigla tuloy akong natakot. Mamaya killer pala yan o kaya magnanakaw?

Imbes na sa pintuan dumiretso ay sa kusina muna ako pumunta at kumuha ng kutsilyo. Itinago ko ito sa likod ko at dahan dahang naglakad palapit sa pinto.

"Sino yan?" ulit kong tanong pero wala talagang sumasagot kaya mas lalo akong kinabahan.

Unti unti kong binuksan ang pintuan at halos atakihin ako sa puso dahil sa sumalubong sa akin.

"V-vlad?" gulat kong tanong sa lalaking nakasandal sa akin.

"Oh! Jisoo! My ex girlfriend." sa paraan ng pagsasalita niya ay alam ko agad na nakainom siya.

"Lasing ka. Bakit hindi ka umuwi ng diretso? Dito ka pa magkakalat." masungit na sabi ko.

"This is my home." sabi niya at pasuray suray na naglakad papuntang sofa at nahiga.

"No." nakapameywang na sabi ko sa kanya. "This is my home. Hindi sayo. Nasaan ang cellphone mo? Itetext ko ang dyowa mo para sunduin ka dito. Ah, hindi pala. Sila Jin na lang pala o kaya si Johnny. Baka magwala pa ang dyowa mo kapag nalamang nandito ka. Dyan ka lang ha." aalis na sana ako para kunin ang cellphone ko sa kwarto ko pero natigilan ako ng bigla niya akong yakapin ng patalikod.

"But you're my home right?" bulong niya sa tainga ko kaya saglit akong nakiliti bago lumayo sa kanya.

"Humiga ka lang dyan! Wag kang makulit at wag kang magsusuka! Kahit lasing ka ikaw paglilinisin ko ng kalat mo." hindi ko pinansin ang sinabi niya kanina.

You're my home? I'm his home? Wow ha! Tao ako, hindi bagay. Tss. Pagkatapos niyang maghanap ng iba sasabihin niya yun? Neknek niya. Akala niya ba bibigay ako agad sa mga ganun niya? Wow!!

"I love you Jisoo." Natigilan ako ulit dahil sa sinabi niya. "I still love you."

Nang tumingin ako sa kanya ay nakahiga na siya ulit sa sofa at nakatakip sa mga mata niya ang braso niya.

"Lasing ka nga." naiiling na sabi ko.

"Hindi mo na ba ako mahal?" this time ay nakatingin na siya sa akin. "Wala na ba talagang chance?"

"Vlad." napabuntong hininga ako. "Napag usapan na natin ito di ba? Paulit ulit na lang ba?"

"Just say you love me too." tumayo siya at lumapit sa akin. Bigla tuloy akong natense sa tingin niya. "Makikipagbreak ako kay Monique. Just please, come back to me." nagmamakaawang sabi niya.

"Vlad, hindi mo ba na realized ang mga nangyari sa atin? Naging tayo pero nawala ka. Bumalik ka pero may iba na akong mahal. We tried again, pero nung ikaw na sana ang pipiliin ko nawala ka naman at may iba ka na. Hindi mo ba gets na hanggang doon lang talaga tayo? Tanggapin na lang natin ang katotohonan na hindi na pwede. Wala na talagang tayo." nginitian ko siya kahit naiiyak ako. "Maybe, we will be better as friends. Hanggang doon na lang. Wag na nating subukan pa ulit."

Akala ko okay na talaga ako pero nang makita ko ang pagpatak ng mga luha niya ay nasaktan din ako.

Pareho kaming nasasaktan pero wala na eh. Kung hindi pa niya pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko ay hindi ko pa malalamang tumulo na din pala ang mga luhang pinipigilan ko.

Aaminin kong mahal ko pa din si Vlad but I won't repeat the same mistake again. May girlfriend siya, at ang alam ni Josh ay kami pa din. Hindi ko na kakayanin pang may masaktan ulit.

"Pero bakit ganun?" umiiyak na tanong niya habang nakahawak sa mukha ko. "Kung hanggang doon na lang tayo bakit ang sakit pa din? Kung wala na talaga, why I can't let you go? Bakit hindi kita mapakawalan? Bakit ikaw pa din ang minamahal ko?"

Seeing him cry makes my heart ache. His tears is precious. This man is precious.

"Mawawala din yan. Just.. just move on Vlad." hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa mukha ko at unti unti itong binaba saka binitawan. "Just be happy. Maybe Monique will help you to move on."

Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo. Pinag dikit niya ang mga noo namin at nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang sandali bago ko naramdaman ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako umangal. I know it was wrong pero pagbibigyan ko muna ang sarili ko ngayon. I just want to feel again how it feels when Vlad is mine. Yung walang iniisip na iba. Yung kami lang muna. Yung mga panahong akala ko kami na talaga pero dumaan lang pala kami sa buhay ng isa't isa. Kahit ngayon lang, gusto ko ulit maramdaman yun.

Because it will be the last..

Love Me Again (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora