5

1.7K 87 23
                                    

JISOO

Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin si Josh. All this time, akala ko naka move on na siya yun pala.. hindi pa. Magiging masaya ako kung makakahanap siya ng mas deserving para sa kanya. Tulad na lang ni Vlad, kaya pala hindi kami nagkabalikan ay dahil hindi talaga kami. Kasi nandyan si Monique na mas deserve siya.

Napatigil ako sa pag iisip ng tawagin ako ng head nurse namin.

"Jisoo may bago ka ng pasyente na babantayan. Sana lang hindi ka niya ayawan at wag kang sumuko sa kanya." sabi ni Nurse Cha sa akin.

Bigla akong kinabahan nung malaman ko na ang bagong pasyente ko ay yung pasyente na nasa presidential room. Matagal ko ng naririnig ang tungkol sa pasyente na yun pero hindi ko pinapansin dahil hindi ko naman siya hawak pero ngayon ay kailangan ko ng alamin. Nakakaloka naman ito. May problema pa nga ako madadagdagan pa.

"Ano bang meron dun sa pasyente na yun?" tanong ko kay Nurse Trina. Ang alam ko kasi naging nurse na siya doon.

"Ikaw ba ang bagong nurse niya? Naku! Goodluck sayo Jisoo. Sobrang sungit nung pasyente dun. Napaka bugnutin pa. Sayang nga eh, ang yummy pa naman." umiiling na sagot niya.

Yummy??

"Tama si Trina." sabat naman ni Lucia. "Ang alam ko 23 years old lang din siya. Sobrang pogi at sobrang yaman. Yun nga lang inulan naman ng bad attitudes."

At dahil nakipagchikahan pa ako sa mga co-nurse ko ay nalaman kong masama daw talaga ang ugali niya. Sus! Wag ako ang galitin niya ah. Broken pa naman ako! Nalaman ko din na involved pala siya sa isang car accident at hindi makalakad kaya naman nandito siya. Ooperahan na sana siya kaso siya naman itong may ayaw. May galit daw yata sa mga doctor, nurse at ospital dahil namatay yung mama niya nung operasyon.

Isa din siyang bachelor. Siya ang tagapagmana ng mga business nila at CEO sa isang napakalaking kumpanya sa America.

Pagdating ko sa harap ng kwarto niya ay bumungad sa akin ang madaming mga body guards. Wow! Siya na!

"Who are you?" tanong sa akin ng isang men in black.

"Nurse Jisoo. Bago niyang nurse." nakangiting sagot ko.

Pinagbuksan nila ako ng pinto. Pagpasok ko ay naamoy ko agad ang pabangong panlalaki. Malamang Jisoo! Magulat ka kung pambabae. Baka bading yan! Jusko!

"Good afternoon sir. Time to drink your..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.

"Get out! Lumayas ka dito!" feeling ko nabasag ang eardrums ko.

"Grabe ka naman sir! Hindi ako bingi no! Hindi mo kailangan sumigaw. Teka, nasaan ka ba?"

Wala kasi siya sa kama niya. Luminga linga ako sa paligid, ang laki kasi ng kwarto niya.

Napahinto ako ng makita ko siyang nakaupo sa wheelchair. Nakaharap siya sa malaking bintana kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Pa suspense pa ang lolo niyo oh!

"Sir, kailangan mo na kasing uminom ng gamot eh." mahinahon kong sabi.

Napanganga ako ng unti unti siyang humarap sa akin.

Packing tape! Sobrang gwapo nga! Aba naman! I'm not prepared! Akala ko kasi pampalubag loob lang yung sinabi nila sa akin na gwapo daw ito eh.

"Done checking me? Tulo laway mo." bigla kong sinara ang bibig ko at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi ko. Wala namang laway ah!

"Inumin mo na ito sir." inabot ko sa kanya ang gamot niya pero tinitigan lang niya iyon bago ako tignan. "A.yo.ko." katakot tumingin si kuya oh!

"Pero sir, ako ang mapapagalitan ka.."

"I don't care! Just leave." bastos talaga! Hindi na naman pinatapos ang sinasabi ko.

"Iiwan ko na lang ito." nilapag ko sa mesa ang gamot at tubig niya. "Inumin mo mamaya sir. Pag may kailangan pa po kayo pindutin niyo lang ang buzzer. Bye!"

Kung ayaw niyang nandoon ako, aba ayaw ko din doon no! Bibilis akong tatanda at makakalbo sa kanya. Tss.

------------

Hi guys! Wala pa akong maisip na portrayer ni Monique at nitong bagong pasyente ni Jisoo. Give some choices po. Sino bet niyo?

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now