26

1.7K 66 21
                                    

JISOO

Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan. Nandito na kami ngayon ni Vlad sa Batangas kasama ang parents niya para mamanhikan na din. Kinakabahan ako dahil paniguradong magagalit sila Papa. Naniniwala kasi silang kasal muna bago ang pagbubuntis. Ngayon pa lang alam ko ng mabibigo ko sila.

Kasama din namin ang mga kaibigan namin para na din magbakasyon. Lahat sila ay masaya para sa amin. Sa wakas daw ay magkakaroon na kami ng happy ending.

"Are you okay baby?" tanong ni Vlad. Tinanguan ko siya at nginitian.

Nilanghap ko ang simoy ng hangin. Namiss ko dito sa Batangas. Ilang taon na din akong hindi nakauwi at miss na miss ko na sila Papa. Pagpasok namin sa mismong bakuran namin ay nagulat ako sa dami nang mga nakahilerang pagkain sa dalawang mahahabang lamesa.

Nakangiti kaming sinalubong ng mga kamag anak namin. Napaiyak pa ako ng yakapin ako nila Mama at Papa.

"Namiss ko kayo Mama, Papa." naiiyak kong sabi sa kanila.

"Namiss ka din namin anak." umiiyak din si Mama. Si Papa naman ay nakangiti lang sa akin.

"Sorry po." panimula ko.

"Alam na namin ang lahat anak." nagulat ako sa sinabi ni Papa. "Dalawang araw na ang nakaraan nang pumunta mag isa si Vlad dito."

"Po?" gulat kong tanong. Napalingon tuloy ako kay Vlad na nakikipagkamustahan sa mga kamag anak namin.

"Personal niyang sinabi ang lahat sa amin anak. Naiintindihan namin kayo. Hiningi niya ang basbas namin para pakasalan ka. Mahal na mahal ka niya anak. Mabait ang mapapangasawa mo. Magaling kang pumili." napangiti ako sa sinabi ni Papa.

Nakipagkamustahan ang parents ni Vlad sa parents ko kaya nasolo ko siya.

"Hindi mo sinabi sa akin na alam na nila." kunwari ay nagtatampong sabi ko.

"Gusto ko lang na personal na hingin ang kamay mo sa kanila. I need to be a man. I need to be a man for you and for our baby." niyakap ko siya ng mahigpit.

Ang swerte ko talaga na siya na ang makakasama ko habang buhay.

"Thank you baby. I love you."

"I love you more Jisoo."

Nauwi na sa kainan ang dramahan at nagsimula na ding mag usap usap ang mga parents namin tungkol sa kasal.

"Gusto sana namin ay bago lumabas ang apo natin ay naikasal na ang mga bata." sabi ni Tita Nica.

"Ganyan din ang gusto namin." nakangiting sagot ni Mama.

"Saan niyo ba balak magpakasal?" tanong sa amin ni Papa.

"Kung saan po ang gusto ni Jisoo." nakangiti akong tinignan ako ni Vlad.

"Gusto ko po sana ay dito sa Batangas." nakangiting sagot ko.

"Sure hija. Kung saan mo gusto ay doon tayo." napangiti ako sa sinabi ni Tito Vladimir.

Hapon na ng matapos ang pag uusap. Ang mga kaibigan namin ay kanya kanya nang pasyal sa lugar. Ang mga magulang namin ay patuloy pa din sa pagkukwentuhan.

"Excited na ako sa wedding natin babe." naramdaman kong niyakap ako ni Vlad mula sa likod.

"Excited na din ako." nakangiting sabi ko habang nakahawak sa railings dito sa veranda. "Anong gusto mong gender ni baby?" tanong ko.

"Kahit ano. Basta ikaw ang kamukha." natatawang sagot niya.

"Kapag lalaki ikaw dapat para gwapo din." nakangiting sabi ko at hinarap na siya.

"At kapag babae dapat kasing ganda mo para masaya." natawa ako.

"Sana wala ng dumating na problema." niyakap ko siya.

"Hindi naman mawawala yun, but I assure you na malalampasan natin iyon ng magkasama."

Napangiti ako. Yun ang inaasahan kong sagot.

Ang magkasama naming haharapin ang problemang darating..

Ilang araw pa kaming nanatili doon bago bumalik sa Maynila. Next month na ang kasal namin. Dito namin itutuloy ang pagpaplano at pupunta na lang ulit sa Batangas.

Nag resign na din bilang nurse si Vlad at siya na ang CEO sa kumpanya ng pamilya nila. Pinag resign na din ako ni Vlad sa trabaho ko at dito na ako nakatira sa condo unit niya. Nagluluto ako ng hapunan namin nang bigla akong yakapin ni Vlad mula sa likod.

"Baby, namiss kita." naglalambing na sabi niya.

"Tumigil ka nga." natatawang saway ko sa kanya. "Ilang oras ka lang namang nawala dahil nagtrabaho ka."

"Kahit na namimiss kita eh."

"Babae ba ang secretary mo?" napangisi siya kaya sinimangutan ko siya.

"Baby naman ikakasal na tayo nagseselos ka pa din? Don't worry okay. Lalaki ang secretary ko at kahit naman babae ay ikaw pa din ang mahal ko."

Napangiti ako dahil sa sagot niya.

"I love you too."

At syempre bago matapos ang gabi ay ginawa ulit namin iyon ni Vlad.

Making love with him is the most precious and exciting time for me..

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now