20

1.7K 81 28
                                    

Sorry sa matagal na update at salamat sa paghihintay hehehe. Medyo na busy lang. Enjoy reading..

---------------

JISOO

Alas siyete ng umaga pa lang pero gising na ako. Araw ngayon ng linggo at wala akong pasok kaya naman naisipan kong puntahan si Vlad sa ospital. Ang sabi niya kasi kagabi ay hanggang alas nuwebe ng umaga ang duty niya.

Bumangon na ako at nagsimulang mag ayos. Napasimangot ako ng makitang wala na naman sila Rose at Lisa. Tss. Nasa iisang bahay kami pero bihira na lang kami magkita.

Saktong alas nuwebe ay nakarating ako sa ospital. Napangiti agad ako ng makita ko si Vlad sa nurse station pero nawala din agad ng makita ko ang napakagandang babae na kausap niya. Base sa suot nito ay nurse din siya. Maganda, maputi, mahinhin at sexy. Bigla tuloy akong napatingin sa suot ko. Jeans and white shirt. Walang wala ako sa babaeng kakwentuhan ng boyfriend ko ngayon.

Hindi ko alam pero bigla akong nahiyang lumapit sa kanila. Mukha kasing ang saya ng pinag uusapan nila at nakakabastos naman kung guguluhin ko sila kaya naman bago pa nila ako makita ay lumabas na lang ako at sa parking lot na lang naghintay.

Bigla akong na insecure sa babaeng yun. Lumipas pa ang sampung minuto nang makita ko si Vlad na lumabas. Nagulat siya ng makita akong nakatayo sa harap ng sasakyan niya pero nang nginitian ko siya ay napangiti na din siya.

"Baby." bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Kanina ka pa ba? Sana sinabi mong hihintayin mo ako."

"Hindi na surprise kapag sinabi ko sayo." nakangiting sabi ko at niyakap siya.

Napangiti ako lalo ng mas higpitan niya ang yakap niya sa akin.

"I miss you." bulong niya sa akin.

"I miss you too." bulong ko din at pinanggigilan muna siya bago ako humiwalay. "Pagod ka na ba? Gusto sana kitang makasama muna." nahihiya kong sabi.

"Medyo inaantok pero dahil nandito ka may energy na ulit ako." nakangiting sabi niya.

Pumunta muna kami sa bahay nila para makapagpalit din siya ng damit. Tuwang tuwa si Tita ng makita ako at malaman na may date kami ng anak niya.

"Baby, may condo unit na ako." nakangiting sabi niya habang nagmamaneho.

"Talaga? Saan?"

"Malapit lang sa ospital." nilingon niya ako saglit. "Kahapon ko lang din nalaman. Regalo ni Daddy. Gusto mong makita?"

"Sure."

Maganda at malaki ang unit ni Vlad. Nakakamangha dahil elegante at moderno na ang mga gamit.

"Kailan mo balak lumipat dito?" tanong ko pagkaupo sa tabi niya.

"Hindi ko pa alam. Ililipat ko pa kasi yung ibang mga gamit ko. Are you hungry? Order na lang muna tayo." tumango ako bilang sagot.

Saglit lang kami naghintay at dumating na ang inorder niyang pizza, rice and chicken.

Kumakain kami ng biglang magring ang cellphone niya. Kunot noo niyang tinignan ang caller kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.

"Sagutin ko lang baby." paalam niya na tinanguan ko lang at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

"Hello Abie?" napatingin ako ulit sa kanya ng marinig ko ang binanggit niyang pangalan. "Sorry but I can't go. Kasama ko kasi ang girlfriend ko ngayon." nakatingin siya sa akin habang may kausap sa phone. "Okay. I'll ask her kung payag siya but don't expect me to come okay?"

Napabuntong hininga siya ng ibaba niya ang cellphone.

"Sino yun?" tanong ko. Hindi kasi pamilyar sa akin ang pangalang Abie.

"Katrabaho ko. Birthday niya kasi ngayon. She's asking me kung makakapunta ako." parang bigla tuloy akong nahiya. Kung hindi ko siya pinuntahan ay baka nandoon na siya.

"Naka oo ka na ba kanina?" pinilit kong wag ipahalata na nalungkot ako.

"Sinabi ko lang na susubukan ko." bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. "Don't worry baby, hindi naman ako pupunta doon dahil nandito ka."

"Sige na. Pumunta ka na lang. Minsan lang naman yung birthday ng katrabaho mo. Next time na lang tayo lumabas." nakangiting sabi ko.

"Sumama ka na lang. Gusto ka din daw makilala ng celebrant."

Alas tres ng hapon kami pumunta sa bahay ng katrabaho ni Vlad. Malaki din ang bahay nila at mukhang galing din sa magandang pamilya. Pagbaba namin sa sasakyan ay agad naming narinig ang malakas na tugtog. Pagpasok namin ay sinalubong kami agad ng mga katrabaho niya. Pinakilala ako ni Vlad at lahat naman sila ay mababait sa akin.

"Vlad!" napalingon ako sa likod ng may biglang sumigaw. "Oh my! Akala ko hindi ka makakapunta."

Kusa akong napahiwalay kay Vlad ng yakapin siya nung babaeng nakita kong kausap niya kanina. I guess she's the celebrant.

"Happy birthday Abie." bati sa kanya ni Vlad ng maghiwalay sila. "By the way, this is Jisoo my girlfriend." hinila ako ulit ni Vlad palapit sa kanya at inakbayan.

Pilit naman ang ngiti sa akin ng babaeng nasa harap ko.

"Hi. Nice meeting you. I'm Abie." pakilala niya kaya nginitian ko na lang siya.

Nagsimula na kaming kumain at parang gusto ko na lang umuwi dahil hindi ako makarelate sa mga pinag uusapan nila.

"Baby, are you okay?" tanong ni Vlad ng mapansing tahimik ako.

"Okay lang." nakangiting sagot ko.

"By the way, Jisoo. Saan ka nagtatrabaho?" tanong ni Denise. Co-nurse ni Vlad.

"Secretary ako sa Suarez Incorporation."

"Really? Pero ang sabi ni Vlad registered nurse ka din?" tanong ni Abie.

"Yeah. Nagtrabaho din ako ng ilang taon sa ospital pero mas maganda kasi ang offer sa company kaya lumipat ako."

"Sayang naman. Eh di sana magkasama kayo nitong si Vlad." natatawang sabi ni Leo.

"The song is sweet. Isayaw mo naman ako Vlad." napatingin ako kay Abie ng marinig ko ang sinabi niya.

"Sorry, itong si Leo na lang." mabilis na tugon ni Vlad.

"Vlad naman, sayaw lang eh. Naisayaw na nila akong lahat." kunwaring nagtatampong sabi niya. "Okay lang naman sayo Jisoo di ba? Isang sayaw lang naman."

"S-sure." tinignan ko si Vlad at parang gusto niyang bawiin ko ang sinabi ko. "Go ahead. Birthday niya naman." nakangiting sabi ko sa kanya para masiguro niyang okay lang sa akin.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makapunta sa gitna. Humawak agad si Abie sa balikat ni Vlad samantalang ang boyfriend ko naman ay naiilang na inilagay sa baywang ni Abie ang dalawang kamay.

"Pasensya ka na kay Abie ha." napunta kay Migs ang paningin ko ng magsalita siya. "Type niya kasi si Vlad."

Imbes na magulat ay napangiti na lang ako.

Halata naman..

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now