8

1.6K 90 13
                                    

JISOO

Nakatulala lang ako habang nakasilip sa bintana, tinitignan ang bawat pagpatak ng ulan. Summer ngayon pero umuulan. Napailing ako at nahiga na ulit sa kama ko. Iniwan kong bukas ang bintana para lumamig naman. Wala naman sigurong akyat bahay sa oras na ito dahil tanghaling tapat.

Rest day ko ngayon kaya naman gusto ko talagang magpahinga. Dalawang linggo akong nagtiis na makita ang bugnutin kong pasyente. I want peace.

Dalawang linggo na din ang lumipas mula nung mag usap kami ni Vlad. After nun, hindi ko na siya nakita. Wala na din akong nabalitaan tungkol sa kanya. Ito naman ang gusto ko di ba?

Papikit na sana ako para matulog nang bigla namang nagring ang cellphone ko. Napakunot noo ako ng makitang unregistered number ang tumatawag.

"Hello?" sabi ko pagkasagot ko sa tawag.

"Hoy nurse!" napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang boses ng bugnutin na si Jaden. "Pumunta ka dito ngayon. I don't care kung restday mo! Bilisan mo!" God! Restday ko di ba?

Nagbihis lang ako ng simpleng jeans at black shirt. Oo! Black talaga! Kaluksa luksa kasing makita ang bugnutin na yun!

"Peste talaga ang lalaking yun! Hindi man lang ako pagpahingahin." nasabi ko na lang.

Pagkarating ko kasi dito sa ospital ay dumiretso ako sa nurse quarter. Nalaman ko na nirequest ni bugnutin na papuntahin ako ngayon.

Pagkarating ko sa room niya ay naabutan ko siyang naglalaro sa cellphone niya.

"Problema mo?" bungad ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay kaya naman inirapan ko siya. "Alam mo bang nagpapahinga ako sa bahay kanina? Bakit ka ba tumawag ha?"

"Bakit hindi ka naka uniform? At bakit naka itim ka?" kunot noong tanong niya sa akin.

"Makikita kasi kita kaya nag itim talaga ako." nakangisi kong sagot sa kanya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

"Oo nga pala." nag iwas siya sa akin ng tingin kaya naman nagtaka ako. "May therapy ako bukas. 8am kaya agahan mong pumasok."

Nagulat ako sa sinabi niya. Magpapatherapy siya? Pero at the same time nainis din ako.

"Seriously? Yun lang ang itinawag mo sa akin? Pero okay, dahil magandang balita naman yan. Sige. Akala ko for life ka nang nakahilata dyan eh." sabi ko kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. "Ang creepy mo! Ang sama lagi ng tingin mo sa akin." Ngumuso ako at umupo sa sofa niya.

"Why are you sitting there?"

"Bakit? Bisita ako ngayon. Hindi naman ako nakauniform eh." pang aasar ko sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagulat ako ng makitang marami na palang text ang mga kaibigan ko.

Nabitawan ko ang cellphone ko ng mabasa ko ang text nila Jennie.

From: Jennie
Jisoo. Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Nandito kami sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Josh. Naaksidente siya.

"Hoy! Anong nangyari sayo?" hindi ko na pinansin ang sinabi ni Jaden tumakbo na ako palabas para pumunta sa ospital.

Kahit hinihingal ay hindi ako huminto. Pagbaba ko sa jeep kanina ay dumiretso kaagad ako sa emergency room kung nasaan si Josh.

"Jisoo!" sigaw nila nang makita ako.

"Anong nangyari kay Josh?" tanong ko pagkalapit ko sa kanila.

"Ang sabi ng mga pulis may bumangga daw na truck sa sasakyan niya." paliwanag ni Jimin.

Napatingin ako sa pintuan nang emergency room.

Please, be safe Josh.

Love Me Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now