12

1.5K 88 2
                                    

JISOO

"Bakit? Ayaw mo na bang maging nurse?" tanong sa akin ni Jennie pagkatapos kong ikwento sa kanila ang offer ni Jaden.

"And how about Josh?" tanong naman ni Lisa.

"Yun nga eh." sagot ko at napabuntong hininga. "Hindi ko alam kung paano sasabihin."

"Jisoo, you need to tell to Josh. Magtatampo yun kapag sa iba pa niya malaman ang plano mo." sabi naman ni Rose.

Well, after how many years ay nakumpleto din kaming apat sa wakas.

At aaminin ko na namiss ko sila.

"Pinag iisipan ko pa naman. Kaso alam niyo yun? Sayang yung sweldo, I mean okay naman yung sahod ko bilang nurse pero feeling ko kasi mas mabilis akong makakaipon kapag pumayag ako sa offer niya and isa pa makakapag tour ako abroad."

"Sayang naman talaga kaso nga lang paano si Josh? Ang alam niya kayo pa din, do you think papayag siya?" tanong ni Jennie.

"Bahala na."

-----------

Nandito ako ngayon sa ospital na pinagtatrabahuan ni Josh. Kinamusta ako ng mga co nurse ko dati at nagulat sila na kami pala ulit ni Josh kaya naman sinabihan ko silang wag nang ikwento ang nakaraan kay Josh.

"Sweetheart!" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Josh.

Nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin.

"Sorry medyo natagalan ako hinintay ko pa kasi yung kapalit ko." sabi niya after niya akong halikan sa pisngi.

"Okay lang."

Dumiretso muna kami sa Jollibee para kumain. Ikinuwento ko na din sa kanya yung offer sa akin.

"Jaden? So, lalaki yun?" kunot noong tanong niya sa akin after ko magkwento.

"Oo. Pasyente ko siya."

"Ayaw mo na bang maging nurse?"

"Hindi naman sa ganun. Kaso, mas malaki kasi ang sahod ko as secretary. Isa pa, gusto ko namang itry ang ibang trabaho."

Saglit siyang natigilan at tinitigan lang ako. Para bang pinag iisipan pa niya kung papayagan niya ako o hindi. Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit.

"If that's what you want then go. I'm your boyfriend kaya susuportahan kita kung anong gusto mo." napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you Josh. Thank you."

---------------

Pag uwi ko sa bahay ay agad kong hinanap ang calling card na binigay sa akin ni Jaden.

Karl Jaden Suarez
CEO of Suarez Incorporation
09175390***

Dinial ko agad ang number niya. Naghintay ako ng ilang minuto bago siya sumagot.

"Who's this?" tss. Pati sa cellphone suplado.

"Oy bugnutin!"

"Jisoo?" napangiti ako ng maalala niya ako.

"Buti naman naalala mo pa ako."

"Oo naman. Sino ba naman ang makakalimot sa babaeng maingay at mabungangang tulad mo?" napanguso na lang ako sa pang iinsulto niya sa akin.

"Alam mo? Gumaling ka na't lahat lahat napakasalbahe mo pa din."

"Ganun talaga. By the way, why did you call?"




----------------

JADEN

Kasalukuyan akong nasa board meeting nang mag vibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at nagulat nang makita kong si Jisoo pala. Yeah, I have her number but she didn't knew about it. Bago kasi ako umalis sa ospital ay nakitext ako sa kanya at nagdahilang lowbat ang cp ko pero ang totoo niyan ay tinext ko ang sarili ko.

"Let's have a break first."

Nagulat lahat ng empleyado sa sinabi ko. Wala pa kasing isang oras ang meeting and usually ay hindi naman talaga ako nagpapabreak kapag urgent meeting. Hindi ko na sila pinansin at lumabas na sa conference room para sagutin ang tawag niya.

"Who's this?" tanong ko para hindi niya malaman na alam ko na ang number niya.

"Oy bugnutin!" napangiti ako nang marinig ang boses niya.

"Jisoo?" pinilit kong wag ipahalata na natuwa ako dahil tumawag siya.

"Buti naman naalala mo pa ako."

"Oo naman. Sino ba naman ang makakalimot sa babaeng maingay at mabungangang tulad mo?" pang aasar ko sa kanya.

"Alam mo? Gumaling ka na't lahat lahat napakasalbahe mo pa din."

"Ganun talaga. By the way, why did you call?"

"Hmm. Busy ka ba ngayon?"

"May meeting ako ngayon. Bakit?"

"Ganun ba? Sige mamaya na lang after ng meeting mo."

"Ano ba yun?" bigla tuloy akong nacurious.

"Makikipagkita sana ako sayo." para akong tangang nakangiti ngayon.

Hindi ko pinansin ang tingin sa akin ng mga empleyado ko. Marahil ay nagtataka at nagulat sila dahil nakangiti ako. Ni minsan kasi ay hindi pa nila ako nakitang nakangiti.

"Uy! Nandyan ka pa ba?"

"Ah oo. Wait lang." bumalik ako sa conference room.

"Let's cancel this meeting. I will resched this tomorrow."

Narinig ko pang nagbulungan sila pero hindi ko na pinansin. Bumalik ako sa opisina para kunin ang mga gamit ko.

"Uy! Bakit mo pinacancel?" dinig kong tanong ni Jisoo.

"Boring naman eh. Mas gusto ko yung mabungangang tao."

"Ewan ko sayo! Salbahe mo talaga!"

Tinawanan ko lang siya. Matapos niyang sabihin kung saan kami magkikita ay bumaba agad ako sa parking lot at nagmaneho na paalis.

------------

Sorry guys! Ang tagal ko na nga mag update ang lame pa ng UD huhu. Forgive me please..

Love Me Again (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt