Chapter 214

856K 32.2K 52.9K
                                    

A/N: Eto po si Keifer... Nagkakalat sa fb group tsaka sa page ng Mutya ng Section E. Hahahaha 😂😂😂😂😂

 Hahahaha 😂😂😂😂😂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Heypi Birthday

Jay-jay's POV

Happy Tangina Day!

Akalain mo yung araw ng mga puso ngayon. Kinapa ko ang dibdib ko, baka kasi wala pala akong puso hindi ko alam.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun. Si Rakki ang expected ko nung una kaya medyo nagmadali pa ko, pero yung GagongBaliw lang pala.

From: GagongBaliw
Message: Happy Heart Day! Pusuan mo nga ako! 😙

Napangiwi ako. Ang tigas din ng muka ng hayop na to. Konting-konti pa magpapalit na ko ng cellphone number. Nag-type ako ng reply sa kanya. Pinag-isipan ko pa talaga ang isasagot sa kanya.

To: GagongBaliw
Message: Pakyu!

Natawa nalang ako dahil mukang hindi na sya magrereply. Sinuot ko na ang sapatos ko at tinali ang sintas. Tumayo ako at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang bagong gupit kong buhok.

Nawala na ang mahabang buhok ko na abot hangang bewang. Pinili kong ipaputol yun hangang balikat. Hindi kasi ako sanay sa sobrang ikling buhok.

Tinignan ko din ang iilang galos at pasa sa muka ko. Halata pa rin yun kahit tinatadtad ko na ng gamot. Sabagay kelan lang naman yung naging gulo namin sa grupo ni Jason. Para isa o dalawang araw pa lang ata ang nakakalipas.

Ngayon ang birthday ni Ci-N, swerte nya dahil wala kaming pasok mula kahapon hangang ngayon. May kung anung special visit sa school ngayon at hindi talaga pinapasok ang mga Section E para daw mawala yung mga latak kahit sandali.

Ang bait talaga ng school namin samin.

Muling tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at nagtext na ang hinihintay kong tao.

From: Rakki
Message: Ready? Saan tyo mgkita?

Nasa kanya yung ire-regalo ko para kay Ci-N. Ang totoo pinag-iisipan ko pa rin kung papatawarin ko na sya o hindi pa. Malinaw naman sakin na napilitan lang si Ci na sundin ang gusto ng Dimunyung Hari.

Pero syempre masakit pa rin...

Nagtype ako ng message para isagot kay Rakki. Sa ground floor nalang ng condo unit ni Ci-N. Maghihintayan nalang kami don.

Binulsa ko ang cellphone at wallet ko bago lumabas ng kwarto. Huminto ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kuya Angelo. Nag-alanganin pa ko kung kakatok ba ko o hindi.

Hinga malalim...

Sa huli kumatok pa rin ako at hinintay ang pagsagot nya.

"Pasok!" Utos nya.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon